Ano ang Hilot?

dr. bibiano fajardo during a hilot mission

Si Dr. Bibiano Fajardo

Ang Hilot ay isang napakahalagang bahagi ng kulturang Pilipino.

Ngunit marami sa atin ay hindi alam kung ano ba talaga ito. May mga nag-aakalang ito ay masahe lamang, may mga tumataas ang kilay dahil ito ay makaluma at taliwas sa nakasanayang kanluraning pamamaraan ng panggagamot.

Ngunit ano ba talaga ang Hilot?

Ayon kay Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, isang albularyo at manghihilot na siya pangunahing nagsusulong ng tradisyunal na Hilot,  ang Hilot daw ay isang proseso na nagdudulot ng pagbabago sa katawan ng tao sa pamamagitan ng (a) pagpindot o paghagod ng kalamnan at pagsaayos ng buto, (b) tamang pagkain at halamang gamot, at (c) pagsaayos ng enerhiya (na tinawag ng mga ninuno natin na “espirito”).

Taliwas sa akalang ang Hilot ay isang uri lamang ng masahe, ang Hilot ay isang buo at malawak na paraan upang ibalik sa kalusugan ang tao. Sa Hilot, hindi lang ang kalusugan ng katawan ang tinitingnan ng albularyo at manghihilot, kundi pati din ang ibang aspeto ng tao, katulad ng kanyang pag-iisip, damdamin, pakikitungo sa ibang tao, at pati na rin ang kanyang aspetong ispiritwal.

Ang layunin ng Hilot ay hindi lamang ang pagpawi ng karamdaman, kundi pati na rin ang pagpanumbalik at pagpanatili ng katahimikan at balanse sa kalooban ng tao. Sapagkat ayon sa ating mga ninuno, ang malusog na tao ay siyang mayroong matibay na buto at matikas na kalamnan, malinaw na pag-iisip at mahinahong damdamin, at payapang pamumuhay.

Sa pagsikat at paglipana ng kanluraning paraan ng panggagamot, ang Hilot ay naisantabi, lalo sa mga siyudad kung saan maraming mga modernong ospital na nagtataglay ng pinakabagong mga teknolohiya, at kung saan ang mga tao ay may kakayahang magbayad ng malaking halaga para sa mga ito. Ngunit, lalo na sa mga malalayong lugar na bihirang marating ng mga doktor, ay patuloy na naninilbihan ang mga albularyo at manghihilot sa kani-kanilang mga komunidad.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s