Ang Hilot ba ay uri ng masahe?

ATHAG Hilot demonstration at PTTC

Pinapakita ni Karisse ng ATHAG ang tamang paraan ng paghilot.

Akala ng maraming tao na ang Hilot ay isa lamang uri ng masahe. Kung titingnan kasi, mukhang magkapareho lang ang ginagawa ng masahista at manghihilot. Isa pa, ganun din ang pagpapakilala ng mga spa sa Hilot—na ito daw ang tradisyunal na masahe ng Pilipino.

Ngunit, sinumang nakaranas na ng tunay na Hilot ay alam na ang Hilot ay hindi lamang uri ng masahe. Hindi lang ito pampa-“relax,” katulad ng ginagawa sa spa. Ang Hilot ay isang paraan ng panggagamot.  Layunin ng Hilot ang pagpapanumbalik ng kalusugan.

Ang mga taong nagpupunta sa manghihilot o albularyo ay may iba’t ibang uri ng karamdaman—may mga may pilay, may nabalian ng buto, may mga dumaranas ng pananakit sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang mga ito ay ginagamitan ng Hilot at iba’t ibang mga halamang gamot para gumaling.  Minsan, ang albularyo ay nagsasagawa ng pagtatawas gamit ang tawas o di kaya’y ibang bagay tulad ng dahon ng saging, papel, atbp. Kapag ginamitan ng orasyon, ang mga ordinaryong bagay na ito ay tumutulong upang malaman ng albularyo kung ano ang kalagayan ng katawan ng taong nagpapagamot.

Isang kaibahan din ng Hilot sa karaniwang masahe, ay dahil ang Hilot ay maari maging masakit para sa taong hinihilot. Ito ay dahil tinututukan ng manghihilot o albularyo ang mismong bahagi ng katawan na may problema, kung saan naroon ang sakit. Pero sa magaling na manghihilot o albularyo, pagkatapos ng konting pagtitiis, ay makakaramdam agad ng ginhawa. Depende kung gaano kalala ang problema, maaring kailanganin pa ng ilang hilot bago tuluyang gumaling. Ngunit kung tama ang ginagawang paghilot, talagang mabisa at mabilis magpagaling ang Hilot.

Mula pa noong unang panahon, maging noong bago pa man makarating ang mga dayuhang mananakop sa Pilipinas,  ginagawa na ang Hilot ng mga sinaunang Pilipino upang mapanumbalik ang kanilang kalusugan. Bago pa man nagkaroon ng mga doktor na aral sa kanluraning paraan ng panggagamot, ay mayroon nang mga albularyo at manghihilot na sumaklolo sa mga pilay at baling buto ng ating mga ninuno, tumulong sa pagpapaanak ng mga ina, at naghanda ng mga halamang gamot upang lunasan ang iba’t ibang karamdaman.

Samakatuwid, ang Hilot ay hindi lamang uri ng masahe. Ito ang paraan ng paggamot at pagpanumbalik ng kalusugan ng mga Pilipino, mula pa noong ilang daang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s