Hilot: The Science of the Ancient Filipino Healing Arts

Hilot: The Science of the Ancient Filipino Healing Arts

Hilot: The Science of the Ancient Filipino Healing Arts

Ang Hilot ay naka-ugat sa siyensiya.

Ito ay marahil ikakagulat ng maraming Pilipino, dahil ang Hilot ay karaniwang nakabalot sa misteryo. Para sa marami sa atin, ang Hilot ay may kaakibat na hiwaga, dahil kapag nagpunta sa albularyo, ang karaniwang paliwanag sa mga karamdaman ng tao ay kulam, o di kaya’y kagagawan ng iba’t ibang engkanto tulad ng duwende, kapre, engkantada, sirena, at tiyanak. Ang pamamaraan din ng pagtawas upang malaman ang karamdaman ng tao ay tila napakahiwaga, dahil sa pamamagitan lang ng paggamit ng kandila, tawas, dahon, o iba pang bagay, ay nalalaman ng albularyo kung ano ang may problemang bahagi ng katawan.

Layunin ni Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, na 40 na taon nang albularyo at manghihilot, na ipaliwanag ang siyensya ng Hilot upang maalis ang mga maling akala at agam-agam ng mga Pilipino tungkol sa Hilot.

Si Dr. Fajardo ay natuto ng Hilot mula sa ilan sa mga pinakamagaling na mga albularyo sa Pilipinas. Dahil siya ay nagtapos ng B.S. Chemical Engineering, ay lubos niyang naintindihan ang iba’t ibang mga batas ng siyensya (na sila ding batas ng kalikasan) na sinusunod ng Hilot, kung kaya ito ay nakakapagpagaling ng karamdaman. Dahil rin dito, ay nabuo niya ang isang balangkas ng Hilot na naka-ugat sa siyensiya, kung saan maari ding ipaloob ang iba’t iba pang paraan ng panggagamot.

Ang kaalaman at karanasan na nalikom ni Dr. Fajardo sa kanyang higit na apatnapung taon ng pag-aaral, pananaliksik, at panggagamot, ay nakasaad sa kanyang librong pinamagatang, Hilot: The Science of the Ancient Filipino Healing Arts, na isinulat niya kasama si Ma. Aleli V. Pansacola. Sa pamamagitan ng librong ito, nilalayon ni Dr. Fajardo na buksan ang mga mata at isip ng mga Pilipino na ang Hilot ay nakabase din sa siyensya, hindi lamang ito kathang isip o “quackery.”

Sa librong Hilot: The Science of the Ancient Filipino Healing Arts, nilalarawan ni Dr. Fajardo ang kasaysayan ng Hilot, ang papel ng bundok ng Banahaw bilang sentro ng katutubong panggagamot, at ang mga paniniwala at konsepto ng Hilot. Ipinapaliwanag din niya sa librong ito ang nilikha niyang “scientific framework” ng Hilot, ang paraan ng pagpapagaling ng Hilot, pati na rin ang mga karaniwang pinagmumulan ng sakit. May mga bahagi din ng libro na nakalaan sa iba’t ibang sakit, kung saan dapat gawin ang paghilot, pati na rin ang mga halamang gamot para sa mga ito. Kasama din sa libro ang kwento ng daang tinahak ni Dr. Fajardo patungo sa panggagamot, at ang kanyang ginagawang pagsulong sa Hilot.

Para sa mas malalim na kaalaman tungkol sa Hilot, basahin ang libro ni Dr. Fajardo. Ito ay inilimbag ng Anvil Publishing, Inc. at mabibili sa National Book Store. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s