Bagong sangay ng ATHAG binuo sa Pasay

Pinangunahan nina Alex B. Candaza at Lope F. Tadios, Jr. ang isang pulong para sa pagbubuo ng ATHAG Maricaban.

Pinangunahan nina Alex B. Candaza at Lope F. Tadios, Jr. ang isang pulong para sa pagbubuo ng ATHAG Pasay.

Pasay City, Philippines- Nagsama-sama ang labing-anim kataong interesado sa tradisyonal na Hilot at sa natural na paraan ng panggagamot upang mabuo ang pinakabagong sangay ng Association of Traditional Health Aid Givers, Inc. (ATHAG) sa Libertad, Pasay City. Ang bagong organisasyon na ito ay nabuo sa tulong nina Alex B. Candaza at Lope F. Tadios, Jr., na kapwa estudyante ng pangulo ng ATHAG na si Dr. Bibiano Fajardo. Nais nilang ipalaganap ang kaalaman tungkol sa tradisyonal na Hilot at makatulong sa pagbibigay ng hanapbuhay.  Ang bagong sangay na ito ng ATHAG ay nabuo noong Agosto 2013.

Magkaibang miyembro

Magkakaiba ang pinanggalingan at karanasanan ng mga miyembro ng ATHAG-Pasay. Ang ilan sa kanila ay mula sa sektor ng edukasyon, habang mayroon namang mula sa agrikultura. Marami din sa mga miyembro ay self-employed. Maging sa edad ay malawak ang sakop nila. Ang pinakabatang miyembro ay 21 taong gulang lamang, habang ang pinaka-hitik sa karanasan na ay may 71 na taong gulang.

Seminar sa Hilot-Herbal at hands-on

Sa ngayon ay sumasailalim ang mga miyembro ng ATHAG-Pasay sa serye ng mga seminar tungkol sa paraan ng panggagamot gamit ang Hilot at herbal, at pati na din sa hands-on na pagsasanay sa tamang paraan ng Hilot. Ang mga seminar sa Hilot-herbal at hands-on training ay pinangungunahan nina Dr. Fajardo, ATHAG Hilot therapist Karisse Alzola, Alex Candaza, at Lope Tadios, Jr.

Sa tatlong magkakasunod na Sabado, tinuturuan ni Dr. Fajardo ang mga miyembro ng ATHAG-Pasay tungkol sa kalusugan at sa mga paraan ng pagpapanumbalik nito gamit ang tradisyonal na Hilot. Ang mga pagtuturong ito ay may kasunod na hands-on training tuwing Miyerkules. Ito naman ay pinamumunuan ni Karisse Alzola.

Paglilinis

Pinapaliwanag ni Dr. Bibiano Fajardo ang mga Hilot areas sa likod.

Pinapaliwanag ni Dr. Bibiano Fajardo ang mga Hilot areas sa likod.

Ang unang dalawang pagtuturo ni Dr. Fajardo ay tungkol sa paglilinis. Natutunan ng mga bagong miyembro ng ATHAG kung gaano kahalaga ang paglilinis ng tiyan at bituka, pati na din ng dugo at bato, upang mapanumbalik, at mapanatili ang kalusugan. Natutunan nila kung paano nawawala sa balanse ang mga sistemang ito ng ating katawan, at kung ano ang dapat gawin upang maiwasan ito.

Natutunan din ng ATHAG-Pasay ang mga natural na paraan upang matukoy ang mga ganitong problema, hindi lang sa ibang tao, kundi pati sa sarili nila. Ito ay mahalaga, dahil sa ganitong kaalaman, maaagapan na ang sakit bago pa ito tuluyang lumala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s