Bakit bawal maligo pagkatapos ng Hilot?

Bakit bawal maligo pagkatapos ng hilotHuwag ka munang maligo o magbasa!

Ito ay madalas nating marinig na sinasabi ng manghihilot pagkatapos ng Hilot. Karaniwan, sinusunod naman ito ng taong nagpahilot, kahit hindi niya alam kung bakit siya binabawalan.

Ipinaliwanag ni Dr. Bibiano Fajardo, isang albularyo na mahigit apatnapu’t limang taon nang nanggagamot gamit ang Hilot, kung bakit bawal munang maligo ang taong nagpahilot:

“Maaantala kasi ang proseso ng pagpapagaling,” wika niya. 

Dahil ang Hilot ay paraan ng pagpapagaling, ito ay isinasagawa sa laman (muscle) at ugat (nerve) na may problema. Kapag nanigas ang laman, ibig sabihin ay may problema sa pagdaloy ng kuryente doon sa ugat sa apektadong bahagi ng katawan.

Ang magaling na manghihilot ay tumututok sa mga bahaging ito na may problema. Inaayos niya ang laman at ugat upang manumbalik ang tamang daloy ng kuryente sa ugat at mawala ang paninigas ng laman. Ayon kay Dr. Fajardo, kapag naayos na ang laman at ugat, kadalasan ay may pagbabago sa temperatura ng apektadong bahagi ng katawan. Ang mga bahaging dati ay “malamig,” ay magkakaroon na ng pag-init, samantalang ang mga bahaging dati ay sobrang mainit, ay babalik sa tamang temperatura.

Ang langis ng niyog (coconut oil) na ginagamit ng manghihilot ay hindi lamang pampadulas ng kamay. Nililinis din nito ang mga pores ng balat, pinapanatili nito ang mainit-init na temperatura ng katawan, at tumutulong din ito para maging “waterproof” ang balat. Kailangan kasi na hindi mabasa ang katawan ng taong bagong-Hilot dahil ang tubig ay nakakalamig sa katawan at kinokontra nito ang init na kailangan upang gumaling ang mga hinilot na ugat at laman. Maging ang paliligo sa mainit na tubig ay hindi rin mabuti—kasi kapag natuyo ang tubig sa balat, o di kaya ay nahanginan, ay nakakalamig din ito.

Paliwanag ni Dr. Fajardo, ang pinakamabuting gawin ay maglaan ng 8-12 na oras matapos ang Hilot bago maligo. Ito kasi ang tagal na kailangan ng ating katawan upang manumbalik sa normal ang ating katawan. Ngunit, kapag kulang kayo sa oras, ang pinaka-minimum na kailangang hintayin bago maligo ay 3-4 na oras, para kahit papano ay nakapag-relax na ang mga laman ninyo.

Ngunit paano kung kayo ay may napakahalagang meeting kasama ang Pangulo at kailangang kailangan maligo na? Sa ganitong “urgent” na mga pagkakataon, pinapayo ni Dr. Fajardo na maglagay muna ng langis sa katawan, at maligo lang ng mabilis.  Sa ganitong paraan, hindi masyado maaapetuktuhan ng tubig ang init ng katawan na kailangan sa pagpapagaling.

Kung nais mong maranasan ang kagalingang hatid ng tunay na Hilot, magtungo lamang sa opisina ng ATHAG sa 63 San Rafael St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City, o tumawag sa (0922) 884 4568.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s