ATHAG, nakiisa sa ‘Tutok Kalusugan’ ng Unionbank

Sinusubukan ng lalakeng ito ang tradisyonal na Hilot sa Tutok Kalusugan ng Unionbank.

Sinusubukan ng lalakeng ito ang tradisyonal na Hilot sa Tutok Kalusugan ng Unionbank.

Pasig City- Noong ika- 28 ng Setyembre 2013, ang Association of Traditional Health Aid Givers, Inc. (ATHAG) ay inimbitahang sumali sa Tutok Kalusugan, ang taunang  aktibidad na idinadaos ng kumpanyang Unionbank para sa kalusugan ng mga empleyado nito. Mga 800 katao ang dumalo dito, kasama na ang mga manager at iba pang executives ng Unionbank. Sila ay namili sa maraming mga produkto at serbisyong pangkalusugan itinampok sa EVENT.

Bilang isa sa mga exhibitor, naghandog ang ATHAG ng 15-minutong spot Hilot, mga herbal na tsaa, at kopya ng aklat na Hilot: The Science of the Ancient Filipino Healing Arts na ini-akda nina Dr. Bibiano S. Fajardo at Ma. Aleli V. Pansacola. Mayroon din silang mga herbal na sabon mula sa Daila Herbal Community Enterprises, at nag-alok sila ng mga corporate packages sa Nature Villa Banahaw.

Halos tatlumpung katao ang nagtungo sa booth ng ATHAG upang maranasan ang kagalingan ng Hilot. Sila ay malugod na inasikaso ng mga manghihilot na kasapi ng ATHAG na sina Karen Marcelo, Jhen Dellosa, Marife Merlin, at Yolly Pedrigal. Kuntento ang mga kliyente sa kanilang pagpapa-Hilot. Ayon sa isa sa kanila, ang Hilot daw na naranasan niya ay “iba sa lahat.”

Hilot pilay

Isa sa mga pinaka-natuwang kliyente ng ATHAG sa Unionbank ay isang lalakeng technician na may pilay dahil siya ay nahulog, mga halos dalawang linggo na ang nakaraan. Mula noon, limitado ang kanyang galaw dahil sa sakit—pumapasok pa din siya sa trabaho, ngunit hindi niya maitaas ang kanyang kaliwang kamay at hindi rin siya makapagbuhat ng mabigat.

Ang nag-Hilot sa kanya ay si Karen Marcelo, na isa sa mga matagal nang manghihilot sa ATHAG. Hinanap niya ang ugat (nerve) at madiin na hinilot ito papunta sa apektadong braso. Matapos ang 15 minutong Hilot, naitaas na ng kliyente ang kanyang kamay at lubos nang nabawasan ang nararanasan niya na sakit.

“Noong unang hagod, talagang sobra ang sakit,” wika ng lalake pagkatapos ng Hilot. Ito ay sinang-ayunan ni Marcelo, na napansing tila paiyak na ang lalake noong inumpisahan niyang hilutin. “Pero noong kalagitnaan, natitiis na niya yung sakit, hanggang sa naging konti na lang ang sakit at naitaas na niya ang kanyang kamay,” dagdag niya.

“Sa katunayan,” dagdag ni Marcelo, “kailangan pa ng kasunod na Hilot para tuluyang gumaling, dahil ang paggaling ay isang proseso.

Ngunit dahil ang aktibidad na pangkalusugang iyon ay isang araw lamang, masaya na ang mga manghihilot ng ATHAG na malaki ang naitulong nila sa technician na iyon, at naparanas nila sa mga taga-Unionbank ang kagalingan ng tradisyonal na Hilot.

Kung nais niyong kumbidahin ang ATHAG, o nais niyong maranasan ang kagalingan ng tradisyonal na Hilot, maaring makipag-ugnayan lamang sa Association of Traditional Health Aid Givers, Inc. (ATHAG) sa Telepono Blg.  (0922)8844568 o (+632) 637 5154, o di kaya ay magtungo sa opisina nila sa 63 San Rafael St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s