Magkakasakit ba talaga ako dahil sa ulan?

Magkakasakit ba talaga ako dahil sa ulan?

Magkakasakit ba talaga ako dahil sa ulan?

Sa unang pagpatak ng ulan, tayong mga Pinoy ay agad-agad na naghahanap ng masisilungan. Hindi lang dahil ayaw nating mabasa, kundi dahil takot tayong magkasipon at lagnat.

Ngunit kung iisipin natin, tubig din lang naman ang ulan—paano naman kaya ito naging sanhi ng sipon, sa sabi ng siyensiya ay dulot ng isang virus? May kinalaman ba talaga ang ulan sa sipon at lagnat?

Upang sagutin ang katanungang ito, tinanong namin si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, isang albularyo na may 47 na taon nang karanasan sa paglulunas ng sakit ng tao—kasama na ang sipon, ubo, at lagnat.

“Ang ulan ay hindi nakakasipon,” paliwanag ni Dr. Fajardo. “Ngunit dahil sa lamig na dulot ng ulan, mas madaling magkasakit ang tao.”

“Ayon sa mga matatandang albularyo,” pagpapatuloy ni Dr. Fajardo, “ang mga sundalo ng katawan (white blood cells) ay hindi makalaban kapag malamig. Kailangan nila ng mainit. Kaya kapag nabasa ka sa ulan, mas madali kang magkasipon.”

Paano nga ba magkasipon?

Paliwanag ni Dr. Fajardo, ang sipon ay hindi nagsisimula sa paglanghap mo ng virus—ito ay nagsisimula sa paggawa mo ng tirahan ng virus. “Ayon sa mga matatanda, kapag naparami ka ng kain ng matatamis at pagkaing maraming carbohydrates, ang sobra ay nagiging parang sipon o plema sa bituka mo. Ito ang nagiging tirahan ng mga virus, bacteria, at iba pang mikrobyo. Kahit wala ka pang virus, may sipon o plema na sa bituka mo.  Kaya kapag nakapasok na sa katawan mo ang virus na sanhi ng sipon, mabilis itong dumami dahil may tirahan na sila at madali kang sipunin.”

“Kapag dumami na ang virus,” paliwanag ni Dr. Fajardo, “kusang umiinit ang katawan mo para tulungan ang mga sundalo mong white blood cells na labanan sila. Kaya tayo nilalagnat—sa katunayan, ang lagnat ay hindi sakit, ito ang paraan ng katawan natin para labanan ang impeksyon.”

Sinaunang paraan ng paggamot ng sipon

Noong araw (at kahit ngayon, sa mga lugar na may kilalang magaling na albularyo o manghihilot) ang unang ginagawa sa bata o taong may sipon ay Hilot at pagpapainom ng halamang gamot.  Hinihilot sa itaas na bahagi ng likod at magkabilang gilid ng batok ang may sipon upang lumuwag ang plema sa mga bahaging ito. Samantala, nililinis ang plema sa bituka sa pamamagitan ng halamang gamot—dahil sa pagtanggal ng tirahan ng mikrobyo, mawawala na din ang mikrobyo.

Kaya sa susunod na ikaw ay magkasipon at ayaw mong uminom ng gamot na yari sa mga kemikal, alalahanin mo na may mas natural na paraan na maari mong subukan—ang tradisyonal na Hilot at herbal.

Kung nais mong maranasan ang kagalingan ng tradisyonal na Hilot, makipag-ugnayan lamang sa Association of Traditional Health Aid Givers, Inc. (ATHAG) sa Telepono Blg.  (0922)8844568 o (+632) 637 5154, o di kaya ay magtungo sa opisina nila sa 63 San Rafael St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s