Mga survivor ng breast cancer, naranasan ang ginhawang hatid ng Hilot sa Medical City

Ipinadama ng mga manghihilot ng ATHAG sa mga survivor ng kanser sa suso ang ginhawang hatid ng Hilot.

Ipinadama ng mga manghihilot ng ATHAG sa mga survivor ng kanser sa suso ang ginhawang hatid ng Hilot.

Pasig City-Sa pangalawang pagkakataon, nakiisa ang Association of Traditional Health Aid Givers, Inc. (ATHAG)  sa pagdaos ng Breast Cancer Awareness Month sa The Medical City. Ito ay ginanap noong October 5, 2013 sa Conference Room ng Podium Bldg.

Tatlumpung kataong nagwagi laban sa kanser sa suso ang nakaranas ng kagalingan ng Hilot sa pamamagitan ng bihasa at maarugang kamay ng mga manghihilot ng ATHAG na sina Karisse Alzola, Marife Merlin, Maryflor Alvarez and Yolanda Pedrigal. Ayon sa mga nakaranas ng Hilot, sila ay lubos na na-relax dahil dito.

Ang maghapong pagtitipon ay nagtampok din ng mga lektyur, katulad ng:  Cancer Prevention ni Denise Marie H. Lavilles, MD; Breast Cancer screening ni Josephine C. Tolentino, MD; Ductoscopy ni Erwin B. Alcazaren, MD; Music Therapy ni Conchita G. Sanchez; at Meditation na hatid ng The World Community for Christian Meditation. Noong hapong iyong, nagkaroon ng Breast Cancer Survivor Fair, at may libreng breast examination para sa mga kalahok.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s