ATHAG, nagsagawa ng ‘Hilot Mission’ sa huling tatlong buwan ng 2013

Naranasan ng mga taga-Villamor ang bisa ng tunay na Hilot.

Naranasan ng mga taga-Villamor ang bisa ng tunay na Hilot.

Pasig City- Nagsagawa ang Association of Traditional Health Aid Givers, Inc. (ATHAG) ng mga Hilot mission sa huling bahagi ng taong ito upang patuloy na isulong ang Hilot bilang isang mabisang paraan ng pagpapagaling ng mga karaniwang karamdaman.

Mula Oktubre hanggang Disyembre nitong taon, maraming Pilipino ang natuklasang muli ang kagalingan na hatid ng Hilot para sa kanilang kalusugan. Ito ay dahil sa mga libreng Hilot mission na isinagawa nina Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, mga manghihilot ng ATHAG, at ang mga bagong kasapi ng ATHAG Pasay sa iba’t ibang lugar sa NCR.

Ang unang Hilot mission ay isinagawa noong ika-19 ng Oktubre sa Brgy. 183, Villamor Airbase, Pasay City. May 87 katao ang tumungo sa Hilot mission sa tahanan ni Joey Rebagay, na siyang nagkumbida ng ATHAG na magbahagi ng Hilot hindi lamang sa kanyang mga kabarangay, kundi pati na rin sa mga karatig barangay.

Sa sumunod na buwan naman, naglaan ng dalawang magkasunod na Sabado ang ATHAG para sa isang Hilot mission sa mismong opisina nito sa Pasig. Ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Ma. Aleli V. Pansacola, Chairman ng ATHAG at Presidente ng Daila Herbal Community Enterprises. Samantala, ang pangatlong Hilot mission ay idinaos sa Christ the King Mission Seminary sa Quezon City. Ito naman ay pinangunahan ni Nene Bartolome, na isang masigasig na tagasuporta ng Hilot at volunteer sa nasabing seminaryo.

Naranasan ng mga taong nakilahok sa Hilot mission ang ginhawang hatid ng tunay na Hilot. Marami ay

Sinusuri ni Dr. Bibiano "Boy" Fajardo ang isang nagpahilot.

Sinusuri ni Dr. Bibiano “Boy” Fajardo ang isang nagpahilot.

nagpahilot dahil sa sakit sa likod, o di kaya’y rayuma at altapresyon. Ang iba naman ay may pananakit sa tuhod at hirap maglakad. Samantala, ang mga batang dinala ng mga magulang nila  na ang edad ay mula siyam na buwan hanggang 13 taon gulang, ay karaniwang may sipon at iba pang sakit sa bronchial area.

Bukod sa libreng Hilot na isinagawa ng mga manghihilot ng ATHAG, tinuruan din ni Dr. Fajardo ang mga pasyente kung ano ang mga halamang gamot na makakatulong sa pagbabalik ng kanilang kalusugan.

Advertisements

2 thoughts on “ATHAG, nagsagawa ng ‘Hilot Mission’ sa huling tatlong buwan ng 2013

  1. magandang araw po
    maaari po bang malaman kung saan pwedeng makontak or tawagan ang ATHAG?
    maraming salamat po at mabuhay po kayo sa inyong mission

    • Magandang araw din po sa inyo, G. Exequiel,

      Maari po kayong tumawag sa opisina ng ATHAG sa Telepono blg 267 4012 o (0922) 884 4568.

      Maraming salamat po at mabuhay din po kayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s