Pasko, Pasko… Rayuma layuan mo ako!

Ang Hilot ay nakakaginhawa sa mga nagdurusa sa rayuma.

Ang Hilot ay nakakaginhawa sa mga nagdurusa sa rayuma.

Habang papalapit ang Pasko, di magkandaugaga ang maraming Pilipino sa paghahanda para sa pagdiriwang na ito—may bumibili ng mga regalo, pumupunta sa mga Krismas party, at nagluluto ng masasarap na pagkain, lalo na para sa noche buena. Kapag kasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa salo-salo, madaling malimutan ang mga bawal sa atin—hanggang sa susunod na araw, kung kailan nararamdaman na natin ang isang madalas din nating kasama tuwing Pasko—ang bisitang nagngangalang Rayuma.

Kung sana ang rayuma ay minsan din lang nangyayari sa isang taon (katulad ng Pasko!), hindi sana ito ganoon kalaking problema. Ngunit para sa marami sa atin, ito ay nagdudulot ng sakit sa buong taon. Pero ano nga ba talaga ang rayuma, at may magagawa ba tayo dito bukod sa pag-inom ng gamot?

Pinapaliwanag ng albularyo ang rayuma

Para sa mga kasagutan, dumulog tayo kay Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, isang chemical engineer at albularyo na halos limampung taon nang nanggagamot gamit ang tradisyonal na Hilot at halamang gamot.

“Ayon sa mga ninuno natin,” sabi ni Dr. Fajardo, “kailangan ang kainin natin ay yung tamang-tama lang na matutunaw ng katawan natin. Kapag lumampas tayo sa tamang dami ng pagkain, ang sobrang pagkain ay hindi matutunaw ng maayos.” Kapag napasobra tayo sa pagkain na mayaman sa protina (mula sa laman ng hayop, munggo, atbp), aniya, naiipon ang basura sa ating katawan. Isa sa mga basurang ito ang uric acid, na siyang pangunahing sanhi ng rayuma.

Sintomas ng Rayuma

Sa umpisa, ayon kay Dr. Fajardo, makakaramdam ka ng init sa mga bahaging may naiipon na uric acid sa dugo. Kapag tumagal at patuloy na kumakain ng sobrang protina ang tao, ang uric acid ay dumidikit na sa kalamnan at maging sa buto.

“Paggising mo sa umaga,” wika ni Dr. Fajardo, “at may nararamdaman kang pananakit sa kalamnan, ang mga bahaging iyong ang may mga nanikit na na uric acid.”

Tradisyonal na Hilot-Herbal na panggamot sa  Rayuma

Ano ang pinanggagamot ng mga sinaunang Pilipino sa rayuma?

“Kapag umpisa pa lang,” paliwanag ni Dr. Fajardo, ang uric acid ay nasa dugo pa lang at ito ay kaya pang ilabas sa tulong ng tsaa mula sa pinakuluang tanglad at/o pansit-pansitan. Mayroon ding sikretong formula ang ating mga albularyo na panlinis sa bituka na nakakatulong din sa may mga rayuma.”

“Ngunit, pagpapatuloy niya, “kapag ang uric acid ay nanikit na sa kalamnan at mga buto, hindi na ito kayang ilabas ng mga halamang gamot lang. Kailangan na ng Hilot para buwagin ang mga uric acid na nanikit sa laman at buto upang ito ay madala ng dugo at mailabas sa ating katawan.”   

Upang mapabilis ang proseso, sabi ni Dr. Fajardo, maari ding maghanda ng maninipis na hiwa ng luya (na may langis at pinainit ng kaunti) at itapal ito sa masakit na bahagi, hangga’t maari, sa buong magdamag. Kailangan lang ingatan na hindi malamigan ang apektadong bahagi ng katawan.

Hilot para sa holiday

Kaya, kapag nakaramdam ka ng kirot matapos ang Krismas party kung saan kumain ka ng maraming lechon, (pero nag-aalala ka sa mga side effect ng mga gamot na pang-rayuma) tandaan na may isa ka pang mabisang paraan para makaranas ng ginhawa mula sa rayuma—ang Hilot at halamang gamot na ipinasa sa atin ng ating mga ninuno.

Advertisements

2 thoughts on “Pasko, Pasko… Rayuma layuan mo ako!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s