8 na Dahilan para magpa-Hilot ngayong 2014!

 

8 na Dahilan para magpa-Hilot ngayong taong 2014

8 na Dahilan para magpa-Hilot ngayong taong 2014

Isa ka ba sa nangakong tututukan ang iyong kalusugan nitong taong 2014, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung paano at saan magsisimula? 

Simple lang ang sagot—gawing bahagi ng buhay mo ang Hilot ngayong taong 2014! Narito ang walong dahilan kung bakit:

1.       Malalaman mo ang kabuoang kalagayan ng iyong katawan. Katulad ng lahat ng klase ng plano para sa pagpapabuti ng kahit anong bagay, kailangan mo muna alamin ang kasalukuyan mong kalagayan upang maihahambing at malalaman mo ang kabutihan na dinulot ng bagay na iyong sinusubukan.

 Sa tradisyonal na Hilot, malalaman mo ang kabuoang kalagayan ng kalusugan mo ngayon, at kung anong mga bahagi ng katawan mo ang nangangailangan ng pansin. Kapag alam mo na ang mga ito, malalaman mo na rin kung ano ang dapat mong tutukan upang mapabuti ang iyong kalusugan nitong taong 2014.

 2.       Binibigyang pansin ng Hilot ang kabuoan ng iyong pagkatao. Sa kanluraning medisina, may iba’t ibang espesyalista para sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ngunit sa Hilot, ang iyong katawan ay tinuturing bilang isang kabuoan. Higit pa riyan, tanggap ng albularyo o manghihilot na madalas, ang mga sakit ng katawan ay sumasalamin lamang ng mas malalim na mga problema sa isip at damdamin ng tao. Sa katunayan, maari kang gabayan ng albularyo upang maintindihan ang kalagayan ng iyong isip at damdamin upang mapabilis ang iyong paggaling at upang maiwasan ang ganung karamdaman sa hinaharap.

3.       Ang Hilot ay tumutulong sa pag-iwas sa mga namumuong karamdaman.  Bago mo pa maranasan ang unang kirot ng iyong katawan, nararamdaman na ng albularyo o manghihilot ang pagkawala sa balanse ng iba’t ibang bahagi ng iyong katawan. Ito ay hinihilot na niya at nagbibigay na siya ng payo kung ano ang dapat mong gawin upang maibalik sa balanse ang mga bahaging ito at hindi na tuluyang lumala at maging ganap na sakit.

4.       Ang Hilot ay maaring maging ehersisyo ng mga ‘tamad’. Wala ka bang oras o lakas para mag-gym? Wag nang mag-alala, at pwedeng ang manghihilot na ng ATHAG ang mag-eehersisyo sayo! Kasama sa isang oras ng Hilot ang pag-uunat ng iyong mga laman at kasu-kasuan, at mailalagay din sa ayos at matatanggal ang mga basura sa iyong kalamnan (siguraduhin lamang na uminom ng maraming tubig pagkatapos upang mailabas ang mga ito sa iyong katawan).

5.       Ang Hilot ay parang “tune-up” ng iyong katawan. Kung ang sasakyan mo ay regular mong dinadala sa mekaniko upang palaging maayos ang takbo nito, hindi ba dapat lang na ipa-tune up mo din ang katawan mo, dahil ito ay higit na mas importante sa sasakyan? Sa regular na pagpapa-Hilot, naayos ang mga buhol sa iyong kalamnan, at naaayos ang daloy ng enerhiya kung kaya ito ay tumutulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng buong katawan.

6.       Ang Hilot ay kaakibat ng tamang pagkain at halamang gamot. Kapag kinakailangan, ang iyong Hilot ay sinasamahan din ng halamang gamot at payo tungkol sa tamang pagkain upang mas mabilis na malunasan ang iyong karamdaman. Para sa mga taga-siyudad na walang makuhanan ng mga kinakailangang halaman, naghahanda din ang ATHAG ng mga halamang gamot mula sa mga sangay nito.

 7.       Mas mararamdaman at papahalagahan mo ang iyong katawan dahil sa Hilot. Ikaw ba ay isa sa mga taong napapansin lamang ang katawan kapag may nararamdaman nang sakit? Sa regular na pagpapa-Hilot, matututunan mong pahalagahan ang iyong katawan at pakiramdaman ito. Kapag nasanay ka na kung ano ang pakiramdam ng katawan na nasa ayos, mas madali mong malaman kapag may bahaging nawawala sa balanse.

8.       Ang Hilot ay nakakapagpagaan ng pakiramdam. “Pakiramdam ko parang kagigising ko lang… kahit hindi naman ako natulog!” Ito ang masayang paglalarawan ng isang empleyado ng HR pagkatapos niyang magpa-Hilot. At ito nga ang karaniwang pakiramdam ng mga nagpapa-Hilot—magaan ang katawan, at mas masigla ang pakiramdam.

Nais mo bang maranasan ang tradisyonal na Hilot? Tumawag lamang sa Association of Traditional Health Aid Givers Inc (ATHAG) sa  (0922) 884 4568 o (+632) 267 4012. Bukas ang aming opisina  Lunes hanggang Sabado, mula 8:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.  


 
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s