Hilot, ipinakita sa programang ‘Hiwaga’ ng ABS-CBN

Pinaliwanag ni Dr. Bibiano "Boy" Fajardo ang Hilot sa programang "Hiwaga." Screengrab mula sa http://www.iwantv.com.ph/TV/Video/Pinoy-True-Stories-Hiwaga/554/

Pinaliwanag ni Dr. Bibiano “Boy” Fajardo ang Hilot sa programang “Hiwaga.” Screengrab mula sa http://www.iwantv.com.ph/TV/Video/Pinoy-True-Stories-Hiwaga/554/

MANILA, Pilipinas-Ang Hilot ay kamakailanlang ipinalabas sa programang Hiwaga, isang programa ng ABS-CBN na tumatalakay sa mga bagay na tila misteryoso at mahirap ipaliwanag. Sa episode noong ika-24 ng Enero na pinamagatang, “Lunas,”  ipinakita ng brodkaster na si Atom Araullo ang Hilot, Acupuncture, at Tawas.   

Ang Hilot ay ipinakita sa unang bahagi ng programang Hiwaga. Napili ng programa na ipalabas ang kuwento ni Menchie Aduan-Francisco, isang international flight attendant na nahirapang mabuntis pagkaraan niyang makunan at ma-diagnose na may polycystic ovaries. Niresetahan siya ng gamot upang ayusin ang kanyang hormonal imbalance. Ngunit makalipas ang limang taon, hindi pa rin nabuntis si Menchie, hanggang sa sinabi na niya sa kanyang doktor na ayaw na niyang uminom ng gamot.

Isang araw, niyaya si Menchie ng kaibigan niya na pumunta sa opisina ng ATHAG, kung saan siya ay magpapahilot.  Sumama si Menchie. Doon niya nakilala si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, ang pangulo ng ATHAG na nagpaliwanag sa kanila kung ano ang Hilot. Nilinaw ni Dr. Fajardo sa magkaibigan na ang Hilot ay hindi lang masahe, tulad ng inaakala ng marami—ito ay paraan upang ayusin ang daloy ng kuryente ng katawan natin. Pinaliwanag din niya na madalas, ang Hilot ay sinasamahan ng halamang gamot upang linisin ang mga basura sa katawan. At dahil gusto din maranasan ni Menchie ang Hilot, ay nagpahilot din siya.

Laking tuwa ni Menchie dahil makalipas ang kaunting panahon, ay nabuntis siya! Noong ibinalita niya ito sa kanyang asawa, masaya nilang inisip kung ano ang nagbago sa kanilang ginagawa noong nakaraang buwan na nakatulong para siya ay mabuntis. Isa lang ang natukoy nilang panibagong gawain—ang pagpapahilot ni Menchie.

Pagkatapos ng pagsasadula ng kuwento ni Menchie, pinakita ang kanyang doktor, na nagsabing posible pa rin na ang kanyang pagbuntis ay dahil pa din sa gamot. Sa kasamaang palad, doon na nagtapos ang segment tungkol sa Hilot—sayang at hindi nabigyan ng pagkakataon si  Dr. Fajardo upang ipaliwanag ang siyensiya kung bakit nakakatulong ang Hilot sa mga mag-asawang hirap magkaanak (kaya dito na lang namin ipapaliwanag).

Ang siyensiya sa likod ng ‘Hilot pampabuntis’

Paano nga ba nakakatulong ang Hilot sa mga mag-asawang nais magkaanak?

Ang paraan ng Hilot ay may dalawang bahagi—ang mismong paghilot, at ang pagpapainom ng halamang gamot. Depende sa matutuklasan sa pagpupulso (o iba pang tradisyonal na diagnosis), maaring painumin ng halamang gamot ang babae upang ayusin ang balanse ng kanyang hormones. Mapapansin na ang paraang ito ay katulad lamang sa ginagawa ng mga doktor na pagrereseta ng gamot para sa hormonal imbalance.  Ang pinagkaiba lang, ang binibigay ng albularyo o manghihilot ay natural at mula sa halaman, at hindi gawa sa laboratoryo.  Samantala, kapag ang lalake naman ang may problema, pinapayuhan siya kung ano ang dapat kainin upang tumaas ang kanyang testosterone.

Bukod sa pagbalanse ng hormones, ang mismong paghilot ay tumutulong upang magkaroon ng sapat na daloy ng kuryente sa mga bahagi ng katawan na may kinalaman sa pagbuo ng bata at pagbuntis.   

Kaya sa susunod, kapag may narinig ka na babaeng magpapahilot dahil gusto niya magkaanak, alam mo na kung bakit.

Nais mo din bang subukan ang tradisyonal na Hilot? Para sa appointment o dagdag na katanungan, tumawag lamang sa opisina ng Association of Traditional Health Aid Givers, Inc. (ATHAG) sa (0922) 884 4568 o 267-4012. Bukas ang opisina ng ATHAG Lunes hanggang Sabado, mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi. 

Advertisements

8 thoughts on “Hilot, ipinakita sa programang ‘Hiwaga’ ng ABS-CBN

  1. Ako po. Bata pa ako 19 years old nag ka asawa ako nang maaga pero hnd kmi mag ka anak. Ano dpat pong gawin help nman plz..

    • Magandang araw po Lorena,

      Maari niyo po subukan magpaalaga sa manghihilot. Kung may manghihilot po sa inyo na magaling sa ganyang kalagayan, mas mabuti po kung subukan niyo muna. Kung wala naman po at nasa Metro Manila kayo, maari din po kayo magtungo sa aming opisina. Tumawag lang po kayo at magpa-appointment bago po kayo pumunta. Ang amin pong numero at address ay nasa itaas sa Contact Us/Kontakin ang ATHAG. Salamat po.

  2. 9 years old na po ang anak kong kambal hanggang ngayon ay di pa nasusundan, nung nagpa-check up po ako sabi ng dra. ko ay may polycystic ovary syndrome ako lahat naman sinunod ko at wala paring nangyare at tanging dasal nalang din ang pinanghahawakan ko, nung nakaraan lang ay nagpa-hilot narin po ako dahil nga ay marami narin akong naririnig tungkol sa HILOT PAMBUNTIS kaya sinubukan ko po ilang araw lang ay niregla na ako at kami na daw po bahala ng asawa ko pagtapos ng regla ko (sex),, Sana nga po magkaron na ulit kami ng baby at sana lalake naman po share lang. -Bea/27/QC

  3. Hi goodafternoon po . Gusto ko po magtanong bakit po ganoon almost 1yr na po kami nagsasama ng asawa ko, bakit po hindi prin po kami magkaroon ng baby? dalawang beses naman na po ako nagpahilot pero hindi parin po kmi nagkakaroon . ano po ba ang dapat kong gawin ?

    • Magandang hapon po,

      Maraming bagay po kasi ang maaring dahilan ng hindi niyo pagkakaroon ng baby. Nasubukan na po ba magpasuri din ng asawa niyo?

      Tungkol naman po sa Hilot, depende po kasi sa kalagayan ng katawan niyo din. Maari pong di pa po sapat ang dalawang Hilot upang isaayos ang mga bahagi ng katawan niyo na kailangan ayusin. Maari din po na kailangan niyo ng halamang gamot. Kung gusto niyo po subukan magpahilot sa opisina namin, tingnan niyo po ang contact number namin dito sa website at magpa-appointment po kayo kay Sir Boy Fajardo para po masuri niya kayo bago kayo hilutin. Salamat po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s