ATHAG, nagturo ng Hilot sa Malaybalay

Ang mga trainee kasama sina Dr. Boy Fajardo, Mrs. Nenita Ma, at Sr. Carol Base, FdCC.

Ang mga trainee kasama sina Dr. Boy Fajardo, Mrs. Nenita Ma, at Sr. Carol Base, FdCC.

MALAYBALAY CITY, Bukidnon- Kasunod ng Hilot mission at presentasyon tungkol sa Hilot na isinagawa noong Agosto 2013, nagsagawa ang ATHAG, sa pangunguna ni Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, ng isang pagtuturo ng tradisyonal na Hilot noong ika-22 hanggang ika-25 ng Enero sa Diocesan Pastoral Center. Ang training na ito ay naisakatuparan dahil sa pagpupursige ni Gng. Nenita Ma, na nais dalhin ang kagalingan ng Hilot sa lungsod ng Malaybalay, at sa masigasig na pagsuporta ni Sr. Carol L. Base, FdCC, ang Commissioner ng Diocesan Commission on Health Care.

Dahil sa sunod-sunod na pag-kansela ng mga lipad patungong Mindanao noong linggong iyon, ang training na dapat ay limang araw, ay ginawa na lamang sa tatlong araw. May 31 katao ang dumalo sa training, karamihan dito ay mga reflexologist, at mga indibidwal na nais matuto ng Hilot para sa kalusugan ng kani-kanilang mga pamilya.

Sa loob ng tatlong araw, ipinaliwanag ni Dr. Fajardo ang mga konsepto ng Hilot. Tinuruan niya ang mga trainee kung paano tiyakin ang problema ng katawan ng pasyente sa pamamagitan ng pag-kapa ng likod, at pakikiramdam kung may pagkakaiba sa temperatura, o kung may mga bukol o nanigas na laman. Tinuruan din ni Dr. Fajardo ang mga taga-Malaybalay kung ano ang mga halamang gamot na mabisa para sa mga karaniwang karamdaman. Samantala, ipinakita ng mga manghihilot ng ATHAG na sina Jhen Dellosa at Mary Flor Alvarez ang tamang paraan ng paghilot, at sila din ang tumutok sa mga trainee para turuan sila kung paano gawin ito.

Tinuruan ng mga manghihilot ng ATHAG na sina Jhen Dellosa at Mary Flor Alvarez ang isang ina kung paano gawin ang Hilot sa kanyang anak na may sakit.

Tinuruan ng mga manghihilot ng ATHAG na sina Jhen Dellosa at Mary Flor Alvarez ang isang ina kung paano gawin ang Hilot sa kanyang anak na may sakit.

Sa pangalawang araw ng training, tinalakay ni Dr. Fajardo ang Pagpapahalaga, isang proseso para makamit ang katiwasayan sa isip at damdamin ng tao. Ito ay kanyang binuo mula sa mga aral na isinalin ng mga spiritual leader ng Mt. Banahaw, at mula sa mga paalala ng mga matatandang albularyo kung paano dapat mamuhay ang tao.

Matapos ang matagumpay na training, nagpasalamat ang mga participant sa lahat ng natutunan nila tungkol sa Hilot dahil ito ay kanilang magagamit upang mapabuti ang kalusugan ng kani-kanilang mga pamilya at kliyente. Isa sa kanila ay nagpasalamat dahil ayon sa kaniya, walang manghihilot sa lugar nila, at napakahalaga ng natutunan nila kung ano ang mga halamang gamot na iinumin para sa mga karaniwang karamdaman. Pagkatapos ng maikling programa, natapos ang activity sa maliit na salo-salo at kuhanan ng litrato.

—–

Nais mo bang matuto ng tradisyonal na Hilot? Kontakin ang Association of Traditional Health Aid Givers Inc (ATHAG) sa pamamagitan ng e-mail address na  hilothealing121@gmail.com, o tumawag sa (0922) 884 4568 o (02) 267 4012. Maari mo ring basahin ang librong, Hilot: The Science of the Ancient Filipino Healing Arts, na isinulat nina Dr. Bibiano Fajardo and Ma. Aleli Pansacola. Ito ay inilimbag ng Anvil Publishing at matatagpuan sa National Bookstore. 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s