Dr. Fajardo, ipinaliwanag ang tradisyonal na Hilot sa ‘Pinoy Vibes’ ng DZMM

Ang host ng 'Pinoy Vibes' na si Stargazer at si Dr. Bibiano "Boy" Fajardo

Ang host ng ‘Pinoy Vibes’ na si Stargazer at si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo

MANILA, Pilipinas- Nakinig at nanuod ang maraming Pinoy mula sa iba’t ibang sulok ng mundo noong ipinaliwanag ni Dr. Bibiano “Boy” Fajardo kung ano ang tunay na Hilot sa programang “Pinoy Vibes” ng DZMM Teleradyo.  Hindi ito ang unang pagkakataon na kinumbida ni Stargazer si Dr. Fajardo sa kanyang programa,  ngunit ito ang unang pagkakataon na ang buong episode ay tungkol sa Hilot.  Napakinggan at napanood ang episode na ito mula ala una hanggang alas tres ng madaling araw (sa Pilipinas) noong Linggo, ika-2 ng Pebrero 2014.

Nilabanan ng mga tagapakinig at tagapanood sa Pilipinas ang kanilang antok upang mapakinggan ang paliwanag ni Dr. Fajardo kung ano ba talaga ang tradisyonal na Hilot. Ayon sa kanya, ang Hilot ay ang katutubong paraan ng panggagamot ng ating mga ninuno. Ito ay ginagamit upang ibalik ang kalusugan ng kabuoan ng tao—hindi lamang ng katawan, kundi pati ng isip at damdamin. Nilinaw ni Dr. Fajardo na ang Hilot ay hindi lamang pampa-relax tulad ng inaakala ng marami, kundi ito ay kumpletong sistemang pangkalusugan upang isaayos ang balanse ng katawan. Ito din ay may proseso kung paano ibalik sa katiwasayan ang buhol-buhol na isip at damdamin ng tao, dahil ayon sa matatanda, ito ang karaniwang pinagmumulan ng sakit.

Isa pang paksa na tinalakay sa programa ay ang orasyon, (o bulong) na isa sa mga pinaka-misterioso at hindi naiintindihan na aspeto ng katutubong panggagamot ng Pilipino. Ayon kay Dr. Fajardo, ang orasyon ay hindi dasal tulad ng akala ng marami, kundi ito ay mga sari-saring tunog lamang. Dahil sa mga tunog na ito, nagbabago ang paghinga ng albularyo at siya ay nagiging daluyan o instrumento ng pagpapagaling.

Tumanggap ni Stargazer ng mga tawag mula sa kanyang mga tagasubaybay, na siyang nagbigay daan kay Dr. Fajardo upang talakayin ang pinagmulan at tradisyonal na paraan ng pag-iwas at pagpapagaling sa iba’t ibang karamdaman tulad ng hika, rayuma, at kanser.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s