Nais mo bang matuto ng tradisyonal na Hilot?

Hilot in house training module pic copy

Pinapaliwanag ni Dr. Bibiano “Boy” Fajardo kung paano malaman kung anong mga bahagi ng katawan ang wala sa balanse.

PASIG CITY, Pilipinas- Dahil marami sa inyo ang nagparating sa amin ng kagustuhan ninyong matuto ng Hilot upang matulungan ang inyong pamilya at mga kaibigan, magsasagawa ang Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG) ng training upang mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga dadalo upang makapagsimula kayong iparamdam ang inyong pagmamahal sa pamamagitan ng Hilot sa inyong mga mahal sa buhay na may karamdaman.

Inaanyayahan din naming dumalo ang mga nagnanais sa inyong magkaroon ng kaalaman at kakayahan upang panatilihin ang inyong kalusugan at iwasan ang mga malulubhang sakit sa paraang mula pa sa ating mga ninuno. 

Ang magtuturo ay Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, na halos limampung taon nang nanggagamot gamit ang Hilot at siyang pangunahing nagsusulong ng siyensiya sa likod ng Hilot. 

Ano ang matututunan ko?

Sa pagdalo mo sa training na ito, matututunan mo ang mga kaisipan, konsepto, at prinsipyo na pumapailalim sa tradisyonal na Hilot. Matutuklasan mo kung paano naaapektuhan ng kalagayan ng iyong isip at damdamin ang kalusugan ng iyong pangangatawan. Malalaman din dito kung paano nawawala sa balanse ang iyong katawan, na kalaunan ay nagdudulot na ng karamdaman. 

Pagkatapos ng module na ito, magagawa mo na sinaunang paraan ng pagtitiyak kung anong bahagi ng katawan ang wala sa balanse sa pamamagitan lamang ng pakikiramdam gamit ang iyong mga kamay.  Malalaman mo na rin kung paano ibalik sa balanse ang katawan sa pamamagitan Hilot at halamang gamot, na mabisang paraan iwasan ang pagkakasakit.

Ang unang module ay nahahati sa apat na bahagi. Ito ay gaganapin sa ika-21, 23, 25 at 28 ng Abril, mula alas 6:00 hanggang 9:00 ng gabi sa opisina ng ATHAG sa lungsod ng Pasig. Ang learning fee ay Php 2,500 sa bawat sasali. Para sa dagdag kaalaman, at pagsali sa training, mag-email lamang sa hilothealing@yahoo.com, o tumawag sa  (0922) 884 4568 o (02) 267 4012, o gamitin ang porma sa ibaba ng artikulong ito. 

Kaunti lang po ang slots para sa training na ito (pinakamarami na ang 15), kaya magrehistro na po ngayon!

Advertisements

One thought on “Nais mo bang matuto ng tradisyonal na Hilot?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s