Hilot, itinampok sa pagpupulong tungkol sa pabalik-balik na pananakit ng buto at kasukasuan

Ang mga nagsalita at nag-organisa ng pagpupulong tungkol sa pagpawi ng pabalik-balik na pananakit ng buto at kasukasuan

Ang mga nagsalita at nag-organisa ng pagpupulong tungkol sa pagpawi ng pabalik-balik na pananakit ng buto at kasukasuan

LUNGSOD NG QUEZON, Pilipinas-  Ang tradisyonal na Hilot ay itinampok sa isang pagpupulong tungkol sa mga mabisang paraan ng pagpawi ng pabalik-balik na pananakit ng buto at kasukasuan noong ika-22 ng Pebrero 2014. Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng Philsociety for Bones and Joints, Inc. (PSBJI) at ng Philippine Medical Association (PMA) sa PMA Auditorium.

Sa kanyang mensahe, ikinuwento ni Dr. Juvencio Ordona, na siyang Direktor ng Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care (PITAHC), na malayo na ang narating ng Pilipinas sa pagkilala ng mga tradisyonal na manggagamot. Aniya, noong siya daw ay estudyante pa ng medisina noong dekada ‘70, hindi tanggap ang mga albularyo at manghihilot, at katunayan sila ay hinahabla pa dahil sa “ilegal na panggagamot.” Ito ay nagpatuloy hanggang si Dr. Juan Flavier, na kilalang “Doctor to the Barrios,” ay nakita ang halaga ng mga albularyo at manghihilot, at siya ay nanindigan na kilalanin ang mahalagang papel na ginagampanan nila dahil sila ay maraming natutulungan.

Ipinaliwanag din ni Dr. Ordona na karamihan ng mga doktor ay pinipiling manirahan sa mga siyudad kung kaya napakaraming doktor sa mga siyudad, ngunit kaunti lang sa mga malayong lugar sa probinsiya. Dahil dito, aniya, napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga albularyo at manghihilot. Ayon kay Dr. Ordona, tutulungan ng PITAHC ang mga tradisyonal na manggagamot, kailangan lang nila magparehistro sa PITAHC. Sa puntong ito, pinasalamatan ni Dr. Ordona si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo sa kanyang tulong sa pagbuo ng depinisyon ng Hilot. Nanawagan din siya sa mga tradisyonal na manggagamot na magkaisa upang patunayan ang bisa ng kanilang panggagamot, at upang makilala ang mga huwad na manggagamot.

Ang pangulo ng PMA na si Dr. Leo Olarte ay nagbigay din ng mensahe tungkol sa mahalagang papel ng mga tradisyonal na manggagamot.

Iba’t ibang paraan ng pagpawi ng pabalik-balik na pananakit

Sinagot ni Dr. Boy Fajardo ang mga katanungan tungkol sa Hilot at halamang gamot.

Sinagot ni Dr. Boy Fajardo ang mga katanungan tungkol sa Hilot at halamang gamot.

Binigyan ng pagkakataon ang mga ginagalang na experto upang ipaliwanag ang kanilang paraan upang pawiin ang pabalik-balik na pananakit, tulad halimbawa ng nararanasan ng mga taong may sakit sa likod, scoliosis, at rayuma.

Ipinaliwanag ni Dr.  Joseph Rylan Flores, pangulo ng PSBJI, ang pamamaraan ng modernong medisina. Tinalakay naman ni Dr. Christian Emmanuel Mancao kung paano niya nalulunasan kaagad ang pananakit. Si Dr. Mechelle Palma ay inilarawan ang kabutihang dulot ng masahe.  Si G. Joselito Guttierez naman ay tinalakay ang kaugnayan ng isip at pananakit ng katawan.

Samantala, ipinaliwanag ni Dr. Bibiano “Boy” Fajardo ang tradisyonal na Hilot at ang siyensiya sa likod nito. Ikinuwento niya kung paano ang Hilot ay natulungan ang isang pasyente na dapat ay ooperahan na dahil sa sobrang sakit sa likod at balakang, ngunit dahil sa Hilot ay hindi na inoperahan. Inisa-isa din niya ang mga kaso ng pabalik-balik na pananakit na nalulunasan ng Hilot.

Pagkatapos ng mga presentasyon, binigyang daan ang mga sponsor upang ibida ang kanilang mga produkto. Pagkaraan nito, binigyan ng pagkakataon ang mga nandoon na subukan ang mga tampok na paraan ng panggagamot.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s