Ano ang gagawin sa naipit na ugat?

Ano ang dapat gawin sa naipit na ugat?

Naipit na ugat? Narito ang dapat mong gawin!

Isang araw, naramdaman ni Johanna Ramos, 54, na may sumakit sa kanyang batok. Maya-maya ay dumaloy ang sakit pababa sa kaliwa niyang braso. Agad na pumunta si Johanna sa emergency room ng isang kilalang ospital sa Alabang. Kinakabahan kasi siya baka atake na ito sa puso.

Sa ospital, pina-ECG siya upang suriin ang kanyang kalagayan. Pagbalik ng kanyang resulta, normal ito at wala siyang problema sa puso.  “Naipit ang ugat mo sa leeg,” wika ng doktor.

Natuwa si Johanna dahil wala pala siyang problema sa puso—ngunit sa kabilang dako ay nahirapan din siya, dahil sa patuloy niyang iniindang sakit. Marami siyang sinubukan na paraan upang mapawi lamang ang sakit. Nagpunta siya sa chiropractor at sumubok din ng myotherapy. Bahagyang nabawasan ang nararamdaman niyang sakit, pero patuloy pa rin siyang binabagabag nito.

Makalipas ang apat na taon, patuloy pa din na naghahanap si Johanna ng solusyon sa kayang naipit na ugat. Hanggang sa isang araw, narinig niya sa radyo si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, ang pangulo ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) na nagsasalita tungkol sa tradisyonal na Hilot. Naging interesado si Johanna at nagpa-iskedyul ng appointment upang subukan ang Hilot para sa kanyang ipit na ugat.

“Noong araw pagkatapos kong magpahilot, may konting kirot pa,” kuwento ni Johanna. “Ngunit nung sumunod na araw, nawala na yung sakit! Parang nagdahilan lang ako!” natutuwang wika niya.

“Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong nagpahilot ako,” dagdag niya, “pero hindi pa rin bumabalik yung sakit. Ito na yung pinakamahabang panahon na hindi ko naramdaman ang sakit na dulot ng naipit kong ugat.”

Paano nga ba naiipit ang ugat?

“Una sa lahat,” paglilinaw ni Dr. Fajardo, isang doktor ng alternative medicine na siya ring albularyong nagturo sa manghihilot na naghilot kay Johanna,  “pag sinabing ipit na ugat, ang pinag-uusapan natin ay hindi yung ugat na dinadaluyan ng dugo, kundi yung nerve, kung saan dumadaloy ang kuryente sa katawan.” (Ngunit dahil ito ang madalas na ginagamit na katawagan ng mga Pinoy, “ugat” ang gagamitin natin dito.)

Kadalasan, ayon kay Dr. Fajardo, ang pagkaipit ng ugat (nerve) ay dahil sa mga napinsalang laman o muscle. “May hangganan ang kakayahan ng muscles natin,” paliwanag niya. “Pag lumampas ka sa kakayahan ng muscles mo—halimbawa, kapag nagbuhat ka ng masyadong mabigat, o may inabot ka na masyadong malayo, o kahit natulog ka ng mali ang posisyon—nahihila ang mga muscles at naaapektuhan ang mga ugat.

“Madalas,” pagpapatuloy ni Dr. Fajardo, “hindi agad napapansin ng tao ito, lalo kapag wala siyang sakit na nararamdaman. Kaya patuloy niya ginagamit ang apektadong muscles at ang mga ito ay lalong napipinsala. Pero kalaunan, naninigas na ang muscles niya at dun na niya nararamdaman ang sakit— dahil kasabay ng pagtigas ng muscles ay naiiipit ang ugat.”  

Sa kuwento ni Johanna, naaalala niya na minsan ay may nahila siyang muscle habang siya ay nag-aayos ng mga halaman sa kanyang hardin.

Ano ang gagawin kapag naipit ang ugat?

Una sa lahat, payo ni Dr. Fajardo na dapat ipahinga ang mga apektadong muscle at ingatan na huwag lumala ang pinsala sa mga ito. Aniya, dapat din wag lagyan ng yelo o kahit anong malamig, dahil maninigas ang muscles at lalong maiipit ang ugat.

Upang mawala ang pagkaipit, payo ni Dr. Fajardo na tumungo sa isang magaling at bihasang manghihilot (yung tunay na manghihilot po talaga, hindi po yung nasa spa) dahil mahahanap niya kung nasaan ang ipit at maaayos niya ito. Upang mapabilis ang paggaling, maari ding kumuha ng dahon ng tuba-tuba o di kaya’y dahon ng ikmo, pahiran ito ng kaunting langis ng niyog, initin, at ilagay sa apektadong bahagi magdamag. (Kung may masakit pa kinabukasan ay pwede itong ulitin). 

“Pagkatapos ng Hilot, kapag ang mga muscle ay naibalik na sa ayos,” wika ni Dr. Fajardo, “karaniwang nagkakaroon ng tinatawag na healing crisis, kung kailan mararamdaman pa rin ang sakit o di kaya’y pakiramdam na parang nabugbog. Ngunit pagkaraan ng ilang araw, mawawala na ito at mawawala na din ang pagkaipit ng iyong ugat.”

Pag-iwas sa ipit

Katulad ng anumang problema sa kalusugan, pinakamabuti pa din ang wastong pag-iingat sa sarili upang hindi na makaranas ng masakit na pagkaipit ng ugat.

“Dapat matuto tayong makinig sa ating katawan,” payo ni Dr. Fajardo. “Alamin natin ang kakayahan ng ating katawan at ingatan natin na huwag tayong sumobra dito. At siyempre, dapat panatilihin nating malakas at malusog ang ating katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.”

Ngunit kung sa kabila ng pag-iingat mo ay naipitan ka pa din ng ugat, tandaan na maari mo ring gawin ang ginawa ni Johanna—at sumangguni sa magaling na manghihilot upang ibalik sa ayos ang iyong kalamnan.

———–

Naipitan ka ba  ng ugat at nais mong subukan ang tradisyonal na Hilot?  Tumawag po lamang sa Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG)  sa (0922) 884 4568 or (02) 267 4012 para sa dagdag kaalaman at sa pagpaskedyul ng appointment.

Advertisements

161 thoughts on “Ano ang gagawin sa naipit na ugat?

  1. Nagpahilot ako dito sa amin…tpos nilgyan ko ng tubatuba…pumasok ako sa work ganu parin mo masakit parin pag nagbubuhat

    • Magandang araw po Laibert,

      Ano po ba ang sabi ng manghihilot sa inyo? Maari po kasing hindi kaya ng isang hilot lang yung problema niyo. Kung medyo matagal o malala po kasi yung problema, baka kailangan pa po ng ilang hilot pa.

      Maari din po na di “nakuha” ng manghihilot yung sanhi ng problema. Iba-iba din po kasi ang kagalingan ng mga manghihilot. Kung tingin niyo ito ang nangyari, subukan niyo po humanap ng manghihilot na magaling sa mga kaso katulad ng sa inyo. Salamat po!

  2. gud day po..
    may branch po ba kayo dito sa San Mateo,Rizal Area. magpapahilot po sana ako. dpo maalis ung sakit sa bandang pwetan papuntang paa. gawa po ng nagbuhat ako ng mabigat na bagay.kinagabihan dna ako makatulog sa sobrang sakit. mag two yeara na po ito. Salamat

  3. Gud day po..
    gusto ko lang po malaman kung pano gagaling kpag naipitan ng ugat sa bandang pwetan. kpag nagbubuhat po ako sumasakit. nawala nman po pero bumalik nung ngbuhat ako ng mabigat.. at may branch po ba kayo dito sa San Mateo,Rizal. Salamat po.

  4. hello ask lang po ako.. taga Davao city po ako at mag tanong lang po kasi may naipit akong ugat sa likod sa may lower back po ,, saan po ako makapunta para makapa hilot sana ako…

  5. Good Day po. Ang husband ko po ay nasakit ang singit pababa sa kaliwang binti. Nagpa chek up na sa dr. sabi baka may naipit na ugat at niresetahan ng mga gamot, paubos na po mga gamot pero wala pa ring pagbabago. Hindi po siya makatagal na nakatayo o naglalakad.. matagal na ang 10mins. na wala siya nararamdamang sakit sa binti. pero pag nakaupo nawawala namn. Ano po kaya dapat?

    • Good day po Jackie,

      Kung yan po ay ipit na ugat, pinakamabisa po diyan ang Hilot. Kung nasa Metro Manila po kayo, pwede po kayo pumunta sa aming opisina sa Pasig. Ang address po namin ay nandito: https://hilothealing.com/contact-athag-bibiano-fajardo/

      Kung nasa probinsiya naman po kayo, subukan niyo po magtanong baka po may malapit sa inyo na magaling na manghihilot. Siguraduhin lang po na yun ay tradisyonal na hilot at hindi po sa spa dahil iba po yun. Salamat po!

  6. sir have a nice day po, iyong asawa ko po kasi 3 months na niya nararanasan iyong panankit ng blaikat niya pwede po ba makuha ang contact no. ninyo pati na din ang exact adress

    • Magandang umaga po,

      Pasensiya na po at ngayon lang po kami nakasagot. Ang address at number po namin ay:

      Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG)

      63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City

      Mobile: (0922) 884 4568; 09054157087

      Landline: (+632) 267 4012; (+632) 637 5154

      Salamat po!

  7. Good am po ask k lng po kng my office dn po kau dto s UAE ?tgal kna po kcng ngtitis s sakit ng braso k lalo n s gabi dpo ako mkatulog ng maayos,thank u po,

    • Magandang umaga po Ayenlyn,

      Pasensiya na po, sa Pasig lang po ang opisina namin sa ngayon. Pero baka po mayroong Pinoy diyan na marunong manghilot. Subukan niyo po magtanong-tanong sa mga kasamahan niyo baka may kakilala sila. Para po maibsan na ang nararamdaman niyo, at napakahirap po niyan talaga. Salamat po at sana makahanap kayo ng manghihilot diyan.

  8. May naipit din Akung ugat sa Leeg Hindi po ba delikado ipahilot may parte po kc ng leeg ang maseselan. Thakyou po.

    • Magandang araw po Julius,

      Kailangan po magaling ang maghihilot sa inyo para po sigurado na mababawasan o matatanggal po ang ipit. Siguraduhin niyo po na kung magpapahilot po kayo ay yung tulad sa amin na tradisyonal na Hilot, hindi po yung Hilot sa spa na masahe, hindi talaga Hilot. Saka po sa marurunong, iba-iba din po ang galing… punta po kayo sa magaling. 🙂 Salamat po!

    • Hi Kae,

      Kung barado po ang ugat, baka po mas kailangan po ng halamang gamot. Pinakamabuti po kung magpa-appointment po kayo kay Sir Boy Fajardo. Tawag po kayo sa opisina, nasa “Kontakin ang ATHAG” po sa website na ito. Salamat po!

  9. taga mandaluyong po ako.kya po ba hilutin pa yung naipit na ugat sa puso.
    yun po kasi ang sabi ng doctor,
    ipit nga daw po at d ko pa po pinagagamot
    .tanong ko lng po..salamat po

    • Maganda umaga po Kae,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.
      Pinakamabuti po kung magpasuri po kayo kay Sir Boy Fajardo. Sa Hilot po kasi, may sarili po tayong paraan ng pag-alam kung ano ang problema. Tawag po kayo sa aming opisina para po magpaappointment, nasa “Kontakin ang ATHAG” po sa website na ito. Salamat po!

  10. Ako po gantobg ganto ang ranas ko sa aking balikat pababa ng aking braso gusto ko na po ito mawala ilang buan n din kasi. San po ba ako maaaring mag punta upang mapagaling ko po ang naipit na ugat ko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s