Ano ang gagawin sa naipit na ugat?

Ano ang dapat gawin sa naipit na ugat?

Naipit na ugat? Narito ang dapat mong gawin!

Isang araw, naramdaman ni Johanna Ramos, 54, na may sumakit sa kanyang batok. Maya-maya ay dumaloy ang sakit pababa sa kaliwa niyang braso. Agad na pumunta si Johanna sa emergency room ng isang kilalang ospital sa Alabang. Kinakabahan kasi siya baka atake na ito sa puso.

Sa ospital, pina-ECG siya upang suriin ang kanyang kalagayan. Pagbalik ng kanyang resulta, normal ito at wala siyang problema sa puso.  “Naipit ang ugat mo sa leeg,” wika ng doktor.

Natuwa si Johanna dahil wala pala siyang problema sa puso—ngunit sa kabilang dako ay nahirapan din siya, dahil sa patuloy niyang iniindang sakit. Marami siyang sinubukan na paraan upang mapawi lamang ang sakit. Nagpunta siya sa chiropractor at sumubok din ng myotherapy. Bahagyang nabawasan ang nararamdaman niyang sakit, pero patuloy pa rin siyang binabagabag nito.

Makalipas ang apat na taon, patuloy pa din na naghahanap si Johanna ng solusyon sa kayang naipit na ugat. Hanggang sa isang araw, narinig niya sa radyo si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, ang pangulo ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) na nagsasalita tungkol sa tradisyonal na Hilot. Naging interesado si Johanna at nagpa-iskedyul ng appointment upang subukan ang Hilot para sa kanyang ipit na ugat.

“Noong araw pagkatapos kong magpahilot, may konting kirot pa,” kuwento ni Johanna. “Ngunit nung sumunod na araw, nawala na yung sakit! Parang nagdahilan lang ako!” natutuwang wika niya.

“Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong nagpahilot ako,” dagdag niya, “pero hindi pa rin bumabalik yung sakit. Ito na yung pinakamahabang panahon na hindi ko naramdaman ang sakit na dulot ng naipit kong ugat.”

Paano nga ba naiipit ang ugat?

“Una sa lahat,” paglilinaw ni Dr. Fajardo, isang doktor ng alternative medicine na siya ring albularyong nagturo sa manghihilot na naghilot kay Johanna,  “pag sinabing ipit na ugat, ang pinag-uusapan natin ay hindi yung ugat na dinadaluyan ng dugo, kundi yung nerve, kung saan dumadaloy ang kuryente sa katawan.” (Ngunit dahil ito ang madalas na ginagamit na katawagan ng mga Pinoy, “ugat” ang gagamitin natin dito.)

Kadalasan, ayon kay Dr. Fajardo, ang pagkaipit ng ugat (nerve) ay dahil sa mga napinsalang laman o muscle. “May hangganan ang kakayahan ng muscles natin,” paliwanag niya. “Pag lumampas ka sa kakayahan ng muscles mo—halimbawa, kapag nagbuhat ka ng masyadong mabigat, o may inabot ka na masyadong malayo, o kahit natulog ka ng mali ang posisyon—nahihila ang mga muscles at naaapektuhan ang mga ugat.

“Madalas,” pagpapatuloy ni Dr. Fajardo, “hindi agad napapansin ng tao ito, lalo kapag wala siyang sakit na nararamdaman. Kaya patuloy niya ginagamit ang apektadong muscles at ang mga ito ay lalong napipinsala. Pero kalaunan, naninigas na ang muscles niya at dun na niya nararamdaman ang sakit— dahil kasabay ng pagtigas ng muscles ay naiiipit ang ugat.”  

Sa kuwento ni Johanna, naaalala niya na minsan ay may nahila siyang muscle habang siya ay nag-aayos ng mga halaman sa kanyang hardin.

Ano ang gagawin kapag naipit ang ugat?

Una sa lahat, payo ni Dr. Fajardo na dapat ipahinga ang mga apektadong muscle at ingatan na huwag lumala ang pinsala sa mga ito. Aniya, dapat din wag lagyan ng yelo o kahit anong malamig, dahil maninigas ang muscles at lalong maiipit ang ugat.

Upang mawala ang pagkaipit, payo ni Dr. Fajardo na tumungo sa isang magaling at bihasang manghihilot (yung tunay na manghihilot po talaga, hindi po yung nasa spa) dahil mahahanap niya kung nasaan ang ipit at maaayos niya ito. Upang mapabilis ang paggaling, maari ding kumuha ng dahon ng tuba-tuba o di kaya’y dahon ng ikmo, pahiran ito ng kaunting langis ng niyog, initin, at ilagay sa apektadong bahagi magdamag. (Kung may masakit pa kinabukasan ay pwede itong ulitin). 

“Pagkatapos ng Hilot, kapag ang mga muscle ay naibalik na sa ayos,” wika ni Dr. Fajardo, “karaniwang nagkakaroon ng tinatawag na healing crisis, kung kailan mararamdaman pa rin ang sakit o di kaya’y pakiramdam na parang nabugbog. Ngunit pagkaraan ng ilang araw, mawawala na ito at mawawala na din ang pagkaipit ng iyong ugat.”

Pag-iwas sa ipit

Katulad ng anumang problema sa kalusugan, pinakamabuti pa din ang wastong pag-iingat sa sarili upang hindi na makaranas ng masakit na pagkaipit ng ugat.

“Dapat matuto tayong makinig sa ating katawan,” payo ni Dr. Fajardo. “Alamin natin ang kakayahan ng ating katawan at ingatan natin na huwag tayong sumobra dito. At siyempre, dapat panatilihin nating malakas at malusog ang ating katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.”

Ngunit kung sa kabila ng pag-iingat mo ay naipitan ka pa din ng ugat, tandaan na maari mo ring gawin ang ginawa ni Johanna—at sumangguni sa magaling na manghihilot upang ibalik sa ayos ang iyong kalamnan.

———–

Naipitan ka ba  ng ugat at nais mong subukan ang tradisyonal na Hilot?  Tumawag po lamang sa Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG)  sa (0922) 884 4568 or (02) 267 4012 para sa dagdag kaalaman at sa pagpaskedyul ng appointment.

218 thoughts on “Ano ang gagawin sa naipit na ugat?

  1. Nagpahilot ako dito sa amin…tpos nilgyan ko ng tubatuba…pumasok ako sa work ganu parin mo masakit parin pag nagbubuhat

    • Magandang araw po Laibert,

      Ano po ba ang sabi ng manghihilot sa inyo? Maari po kasing hindi kaya ng isang hilot lang yung problema niyo. Kung medyo matagal o malala po kasi yung problema, baka kailangan pa po ng ilang hilot pa.

      Maari din po na di “nakuha” ng manghihilot yung sanhi ng problema. Iba-iba din po kasi ang kagalingan ng mga manghihilot. Kung tingin niyo ito ang nangyari, subukan niyo po humanap ng manghihilot na magaling sa mga kaso katulad ng sa inyo. Salamat po!

  2. gud day po..
    may branch po ba kayo dito sa San Mateo,Rizal Area. magpapahilot po sana ako. dpo maalis ung sakit sa bandang pwetan papuntang paa. gawa po ng nagbuhat ako ng mabigat na bagay.kinagabihan dna ako makatulog sa sobrang sakit. mag two yeara na po ito. Salamat

  3. Gud day po..
    gusto ko lang po malaman kung pano gagaling kpag naipitan ng ugat sa bandang pwetan. kpag nagbubuhat po ako sumasakit. nawala nman po pero bumalik nung ngbuhat ako ng mabigat.. at may branch po ba kayo dito sa San Mateo,Rizal. Salamat po.

  4. hello ask lang po ako.. taga Davao city po ako at mag tanong lang po kasi may naipit akong ugat sa likod sa may lower back po ,, saan po ako makapunta para makapa hilot sana ako…

      • Hellow po ako po si ghina nais ko lng po mag pa konsulta kng ang narrmdmn ko po ba ee naipitan lng po ng ugat pag tumtawa po kase ako ng may galak o sobra sa galak sumaskit o kumikirot po ang kaliwang dib dib ko wala nmn po ako breast cancer wala nmn po ako nkkpa bukol sa dib dib ko at minsan lng po sya kumirot ndi po arw arw . Maari nyo po ba ako tulngn

      • Hi Gina,

        Salamat po sa pagtatanong.
        Pansensya na po at hindi po namin masasabi kung ipit na ugat ba yan kung hindi po namin kayo nasusuri mismo. Kung taga Manila po kayo, pwede po kayo pumunta sa opisina sa Pasig. O pwede din po sa manghihilot na magaling. Siguraduhin niyo lang po na yung manghihilot na tradisyonal yun, hindi po yung sa spa. Salamat po!

  5. Good Day po. Ang husband ko po ay nasakit ang singit pababa sa kaliwang binti. Nagpa chek up na sa dr. sabi baka may naipit na ugat at niresetahan ng mga gamot, paubos na po mga gamot pero wala pa ring pagbabago. Hindi po siya makatagal na nakatayo o naglalakad.. matagal na ang 10mins. na wala siya nararamdamang sakit sa binti. pero pag nakaupo nawawala namn. Ano po kaya dapat?

    • Good day po Jackie,

      Kung yan po ay ipit na ugat, pinakamabisa po diyan ang Hilot. Kung nasa Metro Manila po kayo, pwede po kayo pumunta sa aming opisina sa Pasig. Ang address po namin ay nandito: https://hilothealing.com/contact-athag-bibiano-fajardo/

      Kung nasa probinsiya naman po kayo, subukan niyo po magtanong baka po may malapit sa inyo na magaling na manghihilot. Siguraduhin lang po na yun ay tradisyonal na hilot at hindi po sa spa dahil iba po yun. Salamat po!

  6. sir have a nice day po, iyong asawa ko po kasi 3 months na niya nararanasan iyong panankit ng blaikat niya pwede po ba makuha ang contact no. ninyo pati na din ang exact adress

    • Magandang umaga po,

      Pasensiya na po at ngayon lang po kami nakasagot. Ang address at number po namin ay:

      Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG)

      63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City

      Mobile: (0922) 884 4568; 09054157087

      Landline: (+632) 267 4012; (+632) 637 5154

      Salamat po!

      • Magandang gabe po ako po si vic del mundo taga malate manila pakunsulta po ako sana matagal na ako nainum ng neurobion b complex pero di pa din nawawala ang pamamanhid ko sa paa at binti sana po matulungan nyo ako salamat po 09232457131

      • Magandang araw po Sir Vic,

        Kamusta na po kayo? Pasensya na po ngayon lang po kami nakasagot at kakabukas lang po uli ng center po namin. Kung gusto niyo po subukan po ang paraan ng Hilot, tawag po kayo sa (0933) 810 0014. Salamat po at ingat po kayo.

  7. Good am po ask k lng po kng my office dn po kau dto s UAE ?tgal kna po kcng ngtitis s sakit ng braso k lalo n s gabi dpo ako mkatulog ng maayos,thank u po,

    • Magandang umaga po Ayenlyn,

      Pasensiya na po, sa Pasig lang po ang opisina namin sa ngayon. Pero baka po mayroong Pinoy diyan na marunong manghilot. Subukan niyo po magtanong-tanong sa mga kasamahan niyo baka may kakilala sila. Para po maibsan na ang nararamdaman niyo, at napakahirap po niyan talaga. Salamat po at sana makahanap kayo ng manghihilot diyan.

  8. May naipit din Akung ugat sa Leeg Hindi po ba delikado ipahilot may parte po kc ng leeg ang maseselan. Thakyou po.

    • Magandang araw po Julius,

      Kailangan po magaling ang maghihilot sa inyo para po sigurado na mababawasan o matatanggal po ang ipit. Siguraduhin niyo po na kung magpapahilot po kayo ay yung tulad sa amin na tradisyonal na Hilot, hindi po yung Hilot sa spa na masahe, hindi talaga Hilot. Saka po sa marurunong, iba-iba din po ang galing… punta po kayo sa magaling. 🙂 Salamat po!

    • Hi Kae,

      Kung barado po ang ugat, baka po mas kailangan po ng halamang gamot. Pinakamabuti po kung magpa-appointment po kayo kay Sir Boy Fajardo. Tawag po kayo sa opisina, nasa “Kontakin ang ATHAG” po sa website na ito. Salamat po!

  9. taga mandaluyong po ako.kya po ba hilutin pa yung naipit na ugat sa puso.
    yun po kasi ang sabi ng doctor,
    ipit nga daw po at d ko pa po pinagagamot
    .tanong ko lng po..salamat po

    • Maganda umaga po Kae,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.
      Pinakamabuti po kung magpasuri po kayo kay Sir Boy Fajardo. Sa Hilot po kasi, may sarili po tayong paraan ng pag-alam kung ano ang problema. Tawag po kayo sa aming opisina para po magpaappointment, nasa “Kontakin ang ATHAG” po sa website na ito. Salamat po!

  10. Ako po gantobg ganto ang ranas ko sa aking balikat pababa ng aking braso gusto ko na po ito mawala ilang buan n din kasi. San po ba ako maaaring mag punta upang mapagaling ko po ang naipit na ugat ko

  11. Good day po sir,mam..
    From cavite po ako..mag 3 yeaars na sumasakit ang balikat ko.. Hanggang sa tumugon na,sya sa likod at sa braso ko.. Pati po sa batok at ulo ko..need ko po ng help nyo..ang ng hirap lang po pag ginagalawa ko po palagi itong kaliwang kamay ko.. Lalo po at nagwork ako.. Kaya araw araw ako pinapahirapan..

    • Magandang araw po Donabelle,

      Kamusta na po ang balikat niyo?
      Kung sumasakit pa rin po, subukan niyo po maghanap ng magaling na manghihilot na malapit po sa inyo, kasi malayo po pala kayo. Kapag matagal na po kasi yung problema, medyo may katagalan din po kasi bago tuluyang gumaling, baka po kailangan ng ilang Hilot. Mas madali po kung malapit sa inyo ang manghihilot. Pero po kung wala kayo mahanap, maari din po kayo magpaschedule sa amin. Tawag po muna kayo para magpaappointment para po sigurado na may maghihilot sa inyo. Salamat po…

  12. Ilang araw na po masakit ang likod ko pababa sakin balakang ipit na ugat po kaya un.kc akala ko po uti lng.pero hindi po pla.at ang niriseta po sken ee ung eperisone myonal.mauubos kuna po pero bumabalik pdin ang sakit

    • Magandang araw po,

      PInakamabuti po kung pumunta po kayo sa opisina po namin para po masuri kayo at malaman po natin kung ano ang pinagmumulan ng sakit ng likod niyo. Tawag po muna kayo para po magpa appointment para po sigurado may maghihilot sa inyo. Salamat po!

    • Magandang umaga po,

      Ang opisina po namin ay nasa:

      63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City
      Mobile: (0932)7402285; 09054157087

      Ang fee po ay depende kung ano po ang ipapahilot, kung buong katawa o yung bahagi lang po. Para sa kadagdagang katanungan, tawag na lang po kayo sa opisina. Salamat po!

  13. hi po masakit po ang likod ko hanggang batok, namamanhid dn ang pisngi ko hanggang baba, pwede po kayang naipitan ako ng ugat? masakit po ang likod ko, at parang ngawit nman ang batok ko, dalawang buwan na ito

    • Magandang hapon Kevin,

      Kung ikaw ay nasa NCR, pinakamabuti po kung magpunta kayo sa aming opisina para po matingnan kung ano ang problema. Maari pong ipit na ugat, pero maari din po na iba ang pinagmumulan—hindi po natin masasabi hangga’t hindi po natin nasusuri mismo. Kung kayo po ay taga malayo, maari po kayong pumunta sa magaling na manghihilot (yung nanggagamot po, hindi po yung sa spa) o sa doktor, para po matingnan. Huwag niyo po patagalin, baka po mas lumala habang tumatagal. Salamat po.

  14. Hi ask ko lang po
    Kasi yung lolo ko po nadulas sa banyo last week tumama sa bowl yung puwitan nya (actually tumapak kasi sya sa bowl dahil inaayos yung kisame) iniinda prin nya yung kirot pawala n naman daw kaya lang nakikita ko medyo nahihirapan prin sya lalo na pag yuyuko uupo ganon. Saka pag matutulog na hirap sya bumaling ganon p ba pag naipitan ng ugat? At may bayad po b yung training sa pag hihilot gusto ko po sana matuto. Thank you and God bless always

    • Magandang araw po Galile,

      Salamat po sa mensahe niyo.

      Pinatingin niyo na po ba ang lolo niyo sa doktor ng buto? Maigi po kung ipasuri niyo muna, lalo po kasi kung medyo may edad na, madali na po magkaproblema sa buto kapag nadudulas o natatagtag. Pinakamaigi po kung siguraduhin po muna natin na wala po siyang problema sa buto tulad ng compression fracture. Kung wala po, ang ipit na ugat ay madali lang po lunasan sa Hilot.

      Yung training naman po, opo, may bayad po yun. Sa ngayon wala pa po kaming nakaskedyul kasi medyo busy pa po kasi. Salamat po!

  15. Magandang Buhay po!

    may nararamdaman po kasi akong parang may pilay mula sa back of my right butt and sa knee din po on and off po at biglaan ko lang din po sya nararamdaman. hindi naman po namamaga nakakatayo naman po ako ng maayos at nakakalakad ok din po ang uric acid ko at ok din ang xray ko sa tuhod. Masusuri nyo po ba kung pilay lang po ba talaga o may naipit na ugat o higit pa???

    • Magandang buhay din po Mam Betty!

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.
      Opo, malalaman po namin kung yung pananakit po na nararanasan niyo ay pilay, o ipit na ugat, o may maaring may kinalaman pa po sa ibang karamdaman. Maari din po na uric acid yung sa tuhod. Madalas po kasi yung uric acid na nagdudulot ng pananakit ay nakadikit na po sa buto kung kaya di na po lumalabas sa blood test. Higit pa po diyan, malalaman din po natin kung may iba pa po kayong namumuong karamdaman sa ibang bahagi para po maagapan na natin. Tawag po kayo sa opisina para po makapagpaappointment at sigurado po na may maghihilot sa inyo. 🙂 Ang amin pong address at number ay nasa page sa ibaba, pakiclick na lang po. Salamat! https://hilotpilipinas.wordpress.com/kontakin-athag/

  16. Saan po exact address nyo.Nais ko po ipahilot ang pangingirot ng aking bandang likuran ng leeg hanggang balikat at braso..nais ko pong pumunta sa inyong clinic..

    • Magandang araw po,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.

      Ang amin pong address ay:
      Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG)
      63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City
      Mobile: (0932)7402285;

      Pinakamaigi po kung tatawag po muna kayo bago kayo pumunta para po siguradong may manghihilot po na available na maghilot sa inyo.
      Salamat po!

  17. Hello po magandang araw po sir & madam tanung ko lang po kung anu ung sintomas na masakit ung kaliwang laeg ko minsan po ay lumaligitik siya masakit po pag biglang lingun po ako taga gapan po ako thakn u po

    • Magandang umaga po Geline,

      Salamat sa interes niyo sa Hilot.
      Pasensiya na po, hindi po namin masabi kung ano po ang sanhi ng problema ng hindi po kayo nasusuri mismo. Kaso po medyo malayo po pala kayo. Subukan niyo po muna magpatingin sa magaling po na manghihilot o manggagamot na malapit po sa inyo. Baka po sakali malunasan na agad ang iniiinda niyong sakit. Salamat po!

  18. Good day!

    Parang may dumudurog po sa dibdib ko pag kumikilos ako. medyo masakit din sya, kinakapos din ako ng hininga minsan. may naipit kayang ugat sa dibdib ko po? thank you

    • Magandang araw po,

      Pasensniya na po hindi po namin masabi kung ano po ang pinagmumulan talaga ng problema hangga’t di po namin kayo nasusuri mismo. PInakamaigi po kung magpaappointment po kayo kay Sir Boy para po masuri niya kayo. Ang address at number po namin ay:

      Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG)
      63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City
      Mobile: (0932)7402285; 09054157087
      Salamat po!

      • Gudafternoon po tanong k long po kng naipitan ng ugat mama k napatid po kc dia s tali ng aso napahilot k n po Kaya lang po d p rin nawawala masakit prin dw pag natayo cia

      • Hi Liza,

        Salamat po sa tiwala niyo sa Hilot.

        Baka po hindi nakuha ng manghihilot yung ipit. Saan po ba kayo nagpahilot? Sa spa po ba o sa manghihilot talaga? Kung sa spa po, marami po kasi sa Hilot ng spa ay masahe lang, hindi po Hilot. Kung sa manghihilot naman po, subukan niyo po humanap ng manghihilot na mas magaling maghanap ng ipit. Salamat po!

  19. Good Day,

    Almost 2 years ng sumasakit yung likod ko. Nakailang checkups na din at therapy sessions ako at pati medications/pain relievers pero di talaga tuluyang nawala ang sakit ng lower back ko. As per Doctors na sumuri sa akin, slipped disk daw o may naipit na ugat. Nagpahilot na din ako once sa may mall, bulag po yung naghilot sa akin pero di ko masyadong naramdaman yung effect kasi once lang. Tanong ko lang po, kaya pa bang hilutin ‘tong naipit na ugat sa likod ko o slipped disk? Interesado ako sa service nyo, baka once of these days visit ako sa office nyo. Salamat.

    • Good day Larry,

      Opo, kung ipit na ugat or slipped disc, kaya po hiliutin yan. Yun nga lang, mas mabilis po gumaling kapag bago pa lang ang injury. Pag halimbawa po matagal na, medyo mas matagal din po dahil nanigas na po ng husto yung laman. Hindi na po kakayanin ng isang hilot lang para palambutin yun. Tawag lang po kayo sa aming opisina para po magpa schedule o kung may dagdag katanungan po kayo. Salamat po!
      Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG)
      63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City
      Mobile: (0932)7402285; 09054157087

  20. Gud day po taga muntinlupa ako 55 yrs old madakit po pigi hangang sa paa at parang kinukuryente masakit talaga di ako mkatulog palagay ko may naipit n nerve sa paa o kya sa pigi ko inaabot n hangang sa kmay ko ang yung kinukuryente, 3 yrs ko n po dinaramdam ito sana matulungan nyo ako salamat

    • Magandang araw po Enrique,

      Pinakamabuti po kung makakapunta po kayo sa aming opisina para po mahilot kayo. Kung hindi naman po, subukan niyo po magtanong. Baka po may magaling na manghihilot na malapit sa inyo. Siguraduhin niyo lang po na yung manghihilot ay yung manggagamot po talaga, hindi yung nasa spa, na parang masahe ang ginagawa. Iba po kasi yun. Salamat po!

  21. Pano po kaya kung na aksidente po nuon april 5, 2018.. Ang pinaka naapektuhan po e tuhod, na hanggang sa kasalukuyan e kumikirot po un sugat nya na parang peklat at nangingitim po, humahapdi pa din?na naging sanhi ng pagkapayat ng hita at tuhod? Sana po ma replyan nyo ako 😦

    • Hi Jane,

      Kung napapansin mo po na naguumpisang pumayat ang hita, maari pong may ugat na naapektuhan nuong aksidente. Pero pasensya na po at hindi po namin masabi kung ano po ang problema ng hindi po kayo mismo nakikita. Kung may magaling po na manghihilot na malapit sa inyo (yung tradisyonal po na manghihilot, hindi po yung nasa spa), maari niyo po ipakita at itanong kung ano po ang nangyayari. Salamat po!

  22. helo po medyo matagal na ung last post…un pdn po ba ang office at phone number…im intersted po kasi sa service nyo. salamat

  23. Hi po sabe po s neurologist may naipet pong ugat s gulogod q.kaya manhid at maga pren po kamay q.s paa nman po dpq maayus mglakad.sabe ng doctor dahil dw po ito s naipet n ugat q.pede qpo bng ipahilot po s inyo.vehecular accident po ang ngyare.ngttherpy nren po aq s ngyun po.slamat po

    • Hi Jeffrey, naghihilot po kami ng mga ipit na ugat tulad niyan. Kaso po sa ngayon ay wala po muna tayong hilot dahil po sa social distancing bilang pag-iwas sa COVID.

      Kaya sa ngayon po sana kahit paano makatulong po ang therapy niyo para mabawasan yung pamamanhid at ma-improve ang paglalakad niyo. Kapag pwede na po kaming magbukas ulit at may nararamdaman pa rin po kayo, dalhin niyo po sa amin para po mahilot natin. Ingat po kayo lagi.

  24. Paanu po mgpaappointment po? Mgpahilot sana po kami kasi lagi kami punta sa hospital ngpa ecg tsaka 2daecho na po kmi lahat normal dw hanggang ngaun sakit prin dibdib ko tsaka ung batok ko dn masakit po.saan po exact address po pupunta sana po kami

  25. Bukas na po ba Ang opisina,,
    Gusto ko po Sana ipahilot pa schedule,,, ung aking leeg ,manhid po Hanggang braso mga kamay ko…salamat sa reply

Leave a reply to frederick blazo Cancel reply