Kababaihan, nag-aral ng tradisyonal na hilot para sa kanilang mga pamilya

Ipinapakita ni Karisse Alzola, isa sa mga manghihilot ng ATHAG, kung paano simulan ang paghilot.

Ipinapakita ni Karisse Alzola, isa sa mga manghihilot ng ATHAG, kung paano simulan ang paghilot.

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- Sampung kababaihan, na pinagbuklod ng pagnanais nilang matuto ng tradisyonal na Hilot, ay sabik na sumali sa maikling kurso tungkol sa Hilot na isinagawa ng ATHAG noong Pebrero at Marso nitong taon.

Ang grupong ito ay binuo ng mga maybahay at kababaihan mula sa iba’t ibang larangan na gustong matuto ng Hilot upang matulungan nila ang kani-kanilang mga mahal sa buhay, kaibigan, at pati na rin para sa kanilang sariling kalusugan.

Sa maikling kursong ito, natutunan ng mga mag-aaral ang mga mahalagang konsepto at prinsipyo ng Hilot na itinuro sa kanila ng pangulo at albularyo ng ATHAG na si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo. Natuto din sila kung paano hanapin ang mga bahagi ng katawan na wala sa balanse sa pamamagitan ng pagdama ng likod, at kung paano ito ibalik sa ayos sa pamamagitan ng Hilot at mga halamang gamot.

Nagpalitan ang mga kasali ng kanilang mga nakakatuwa at nakakataba ng pusong karanasan sa pagpapraktis nila ng Hilot sa kanilang asawa, anak, at mga kaibigan. Sa dami ng kanilang natutunan, nagpahayag ang grupo ng nais nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral ng Hilot.

Ayon kay Susan Regalado, isang mapagmahal na lola at ina na nagtatrabaho bilang isang sekretarya, natutulungan niya ang kanyang mga kasamahan sa trabaho at mga anak dahil sa natutunan niya tungkol sa Hilot. Wika niya, kapag hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang mga ka-opisina o mga anak, ay agad siyang nilalapitan ng mga ito upang magpahilot sa kanya.

Ang mga mag-aaral ng Hilot kasama si Dr. Bibiano "Boy" Fajardo at mga taga-ATHAG.

Ang mga mag-aaral ng Hilot kasama si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo at mga taga-ATHAG.

Kuwento pa ni Susan, maging ang kanyang maliit na apo ay nawili na ring magpahilot sa kanya. Pagdating daw niya galing sa trabaho ay hinihintay na siya nito at agad itong pupuwesto na sa higaan at sasabihin sa kanyang handa na siyang magpahilot.

Dahil sa kanyang karanasan, nais ni Susan na ang kanyang mga kaibigan at mga anak ay mag-aral din ng Hilot upang mas maintindihan nila ang kahalagahan ng Hilot sa pang-araw-araw na buhay. Bukod pa dito, wika niya, matututunan din nila kung paano gumamit ng halamang gamot upang lunasan ang mga karamdaman na maaring mayroon sila.

Nais mo rin bang matuto ng tradisyonal na Hilot?

Magkakaroon ulit ng panimulang kurso ng Hilot sa ika- 21, 23, 25, at 28 ng Abril, mula alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng gabi. Ang learning fee ay Php 2,500. Dahil kaunti lamang ang slots, ito ay irereserve sa pamamagitan ng first-come, first served basis. Para sa mga dagdag na kaalaman at katanungan, mag- email lamang sa hilothealing@yahoo.com o gamitin ang contact form sa ibaba.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s