Mabisa ba ang halamang gamot?

Mabisa ba ang halamang gamot? Ano ang mga bagay na nakakabawas ng bisa nito?

Mabisa ba ang halamang gamot? Ano ang mga bagay na nakakabawas ng bisa nito?

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- Sa muling pagbabalik ng interes sa natural na paraan ng panggagamot, napakaraming mga produktong herbal ang binebenta ngayon sa publiko. Ang mga nagbebenta naman ng halaman ay maya’t mayang hinahanapan ng mga mamimili ng iba’t ibang halamang gamot.

May mga tao na agad-agad na bumibili ng mga kung anong tabletas at halaman sa paniniwalang makakabuti ito sa kalusugan nila. May iba naman na agad taas-kilay, dahil para sa kanila lahat ng klaseng herbal ay hindi mabisa, kahit na hindi pa nila nasusubukan ito.

Sa gitna ng debate tungkol sa bisa ng halamang gamot, tinanong namin si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, isang albularyo na halos limampung taon nang gumagamit ng mga halaman sa kanyang panggagamot.

“Mabisa ang halamang gamot,” wika ni Dr. Fajardo. “Matagal na panahon bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa natin, tayo ay gumagamit na ng iba’t ibang mga halaman para lunasan ang iba’t ibang karamdaman. Ito ang kaalaman na ipinasa ng maraming henerasyon ng mga albularyo. At ito ay mabisa, hanggang ngayon.”

Bakit sabi ng ilan hindi mabisa ang halamang gamot?

Kung titingnan ng karaniwang tao, mukhang simple lang ang paggamit ng halamang gamot—kukuha ka lang ng ilang dahon o ugat, pakuluan ito, at inumin. O sa panahon ngayon, kailangan mo lang uminom ng herbal supplement na tabletas o di kaya’y maglagay ng herbal na tsaa sa mainit na tubig.

Ngunit para sa isang manggagamot o albularyo, hindi simple ang prosesong ito. Paliwanag ni Dr. Fajardo, “Ang paggamit namin ng halamang gamot ay sumusunod sa mga tradisyunal na proseso at patakaran. Hindi kami basta-basta lang nagbibigay ng halamang gamot.”

“Para maging mabisa ang halamang gamot,” wika ni Dr. Fajardo, “kailangang alam mo kung paano gamitin ito.  Kung kulang ang iyong kaalaman, maaring hindi mo makamit ang  resultang nais mo.”

Bukod sa kakulangan sa kaalaman, may iba pang dahilan kung bakit maaring hindi gumana ang halamang gamot para sayo:

  1. Iba ang konsepto na gamit mo. Madalas, ayon kay Dr. Fajardo, ang mga tao ay gumagamit ng halamang gamot ayon sa konsepto ng kanluraning medisina, kung saan may isang klaseng gamot para sa isang uri ng karamdaman. “Iba ang proseso na sinusunod sa tradisyunal na panggagamot” wika ni Dr. Fajardo. “Para maging mabisa ang halamang gamot, dapat ito ang sundin na proseso.”
  1. Ang loob mo ay puno ng “basura.” Maaring ang iniinom mo na halamang gamot ay tama para sa iyong karamdaman—ngunit pagdating nito sa loob, hindi ito ma-absorb ng iyong katawan dahil ang iyong bituka ay puno ng basura mula sa pagkaing hindi natunaw ng maayos. Para maging mabisa ang halamang gamot, kailangan ito ay na-a-absorb ng iyong katawan.
  1. Ibang klaseng halaman ang kailangan mo. Minsan, may mga uri ng halaman na mas mabisa kaysa mga kamag-anak nito. Halimbawa, may mga katutubong uri ng halamang gamot na mas mabisa kaysa mga katulad nito na halaman mula sa ibang bansa.    
  1. Kailangan mo ng ka-kombinasyon. May mga halamang gamot na pinakamabisa kapag sila ay isinama sa ibang halaman. Kaya para maging mas mabisa ang mga ito, dapat ito hinahanda kasama ng kanilang ka-kombinasyon.Ngunit mag-ingat: may mga halamang gamot din na dapat ay HINDI KAILANMAN pagsamahin, dahil ang kombinasyon nila ay nagdudulot ng pagkalason.
  1. Maaring ikaw ay may iba pang karamdaman. Minsan, ang isang sakit ay dulot ng isang mas malalim na karamdaman. Para ikaw ay gumaling, dapat gamutin ang mas malalim na karamdamang ito.
  1. Baka hindi sapat ang halamang gamot sa iyong karamdaman. Ang halamang gamot ay isang bahagi lamang ng pagbabalik ng iyong kalusugan. Maaring palagi ka ngang umiinom ng halamang gamot, pero hindi mo naman sinusunod ang payo tungkol sa mga pagkaing dapat kainin o iwasan.  Maari ding kailangan mo ng Hilot para tuluyang gumaling. Sa tradisyonal na panggagamot ng Pilipinas, ang halamang gamot ay madalas kasama ng Hilot sa pagpapagaling.
  1. “Chismis” pala ang alam mo tungkol sa halamang gamot. Tayong mga Pinoy ay likas na mahilig magbahagi ng mga impormasyon na ating narinig, napanuod, o nabasa. Minsan, ang sinabi sa iyo ng iyong kamag-anak o kaibigan ay hindi na siyang totoong impormasyon, kundi chismis. Maaring ang alam mo tungkol sa isang halaman ay hindi pala ang tunay nitong gamit.
  1. Ginagamot mo ang iyong sarili (at hindi ka albularyo). Kung hindi ka naman manggagamot, pinakamaigi na sumangguni ka sa isang respetadong albularyo o manggagamot upang masuri niya kung ano ang iyong karamdaman, kung kailangan mo ba ng halamang gamot, at kung anong halamang gamot ang kailangan mo.Kapag sinarili mo kasi ang gamutan, maaring ang akala mong maliit lamang na karamdaman ay seryoso pala, at hindi mo ito malalaman hanggang sa tuluyang lumala na ito.

Kung ikaw ay nagbabalak na subukan ang halamang gamot upang gumaling sa iyong karamdaman, ang magandang balita ay: mabisa ang halamang gamot, at subok na ito ng panahon. Kailangan lamang ay gawin mo ito sa tamang paraan upang ito ay maging mabisa para sa iyo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s