ATHAG nakiisa sa unang pagdinig ng ‘National Competency Standards’ ng Hilot

Pinapaliwanag ni Dr. Francis Ras ng PITAHC kung bakit at paano binubuo ang National Competency Standards ng Hilot.

Pinapaliwanag ni Dr. Francis Ras ng PITAHC kung bakit at paano binubuo ang National Competency Standards ng Hilot.

LUNGSOD QUEZON, Pilipinas- Isang malaking hakbang tungo sa opisyal na pagkilala sa mga manghihilot ay isinagawa noong ika-28 ng Mayo 2014, sa pagdaos ng unang pagdinig para sa ginagawang National Competency Standards (pambansang pamantayan ng kakayahan) para sa Hilot. Ito ay ginanap sa Conference Room ng Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care (PITAHC).

Sa pangunguna ng pangulo nitong si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, aktibong nakiisa ang Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG) sa nasabing pagdinig. Ang ATHAG ay kasama sa grupong teknikal na bumuo ng pamantayang ito mula pa noong Oktubre 2013.

Pinagmulan at katanungan

Nag-umpisa ang public hearing sa pamamagitan ng isang dasal mula kay Dr. Carmencita Yap ng Hilot Pinoy. Pagkatapos nito ay isa-isang nagpakilala ang mga dumalo—mga manghihilot, mga tagapagtaguyod ng ibang mga tradisyonal at alternatibong paraan ng panggagamot, at mga guro at estudyante na nais masaksihan ang kaganapan. Ipinaliwanag ni Dr. Francis Ras ng PITAHC kung paano binuo ang National Competency Standards para sa Hilot. Pagkatapos ay tinalakay niya ang mga nilalaman nito.

Maraming katanungan ang umusbong mula sa pagtalakay. Isa dito ang tanong ni Dr. Rommel Tinio, isang doktor ng integrative medicine. Tinanong ni Dr. Tinio ang tungkol sa Philippine Medical Act, ang batas na nagbabawal ng sinumang hindi doktor na magsagawa ng pagsusuri, pagtukoy ng karamdaman, panggagamot, pag-opera, at pagrekomenda ng anumang lunas sa mga pasyente. Ayon kay Dr. Ras, ang pamantayan ng Hilot ay nakapaloob sa RA 8423, o ang Traditional and Alternative Medicine (TAMA) Act.

Orasyon o bulong

Isa pang kontrobersiyal na usapin sa pagdinig ay ang pagsasama ng “orasyon” o “bulong” sa nasabing pamantayan. Ang orasyon o bulong ay isang mahalagang bahagi ng tradisyunal na panggagamot—ngunit ito ay hindi naiinintidihan ng karaniwang tao, kung kaya ito ay tila nababalot sa misteryo.

Akala ng marami na ang orasyon o bulong ay dasal. Paliwanag ni Dr. Fajardo, ang orasyon ay hindi dasal, kundi ito ay mga pantig na nagpapalawak sa enerhiya ng albularyo upang matulungan niya ang maysakit. Halimbawa, dahil sa paggamit ng orasyon o bulong, nagagawa ng albularyo na magpadaloy ng enerhiya sa mahinang bahagi ng katawan ng maysakit upang bumuti ang kalagayan nito. May ilan sa mga dumalo ang nagtanong kung bakit ito sinama sa pamantayan. Ipinaliwanag ni Dr. Fajardo kung bakit ito ay nararapat lamang na isama, dahil mula’t sapul ito ay bahagi ng tradisyon at kultura ng panggagamot ng Hilot.

Sumang-ayon dito si G. Joey Guttierez mula sa United Healers League of the Philippines, Inc. Aniya, kritikal ang nasabing pamantayan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng tradisyon ng Hilot, kung kaya dapat lamang na isama ang orasyon bilang bahagi ng kabuoan ng Hilot. Isa pang sumoporta dito ay si Dr. Christian Mancao, isang manggagamot na siyang gumawa ng Mancao Myofascial Release Technique. Hinikayat ni Dr. Mancao ang mga kalahok na buksan ang isip nila upang mapanatili ito bilang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino.

Dahil sa maraming ideya ang mga dumalo, napagpasyahan na magbibigay ang PITAHC ng isang buwan upang makapagbigay ang mga ito ng mga punto nila, na tatalakayin naman sa susunod na pagpupulong ng Technical Working Group.

Advertisements

One thought on “ATHAG nakiisa sa unang pagdinig ng ‘National Competency Standards’ ng Hilot

  1. Hello po pwede makahingi ng tel.# at ska exact address nyo?my hika dn kas yong anak ko kaya nagkainterest akong ipahilot sya thanks…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s