Hilot: Mabisa at natural na lunas para sa Hika

Hilot: Mabisa at natural na lunas para sa hika

Hilot: Mabisa at natural na lunas para sa hika

LUNGSOD NG VALENZUELA, Pilipinas- Si Richard Aguila,* dalawampu’t anim na taong gulang, ay nagtatrabaho sa departamento ng yamang tao (human resources) sa isang kumpanya. Isang araw, nakita niya ang mga gamot niyang pang-hika. Tiningnan niya ang mga ito, pagkatapos ay itinapon sa basurahan. Hindi na niya kasi ito kailangan, dahil wala na siyang hika.

Kung tutuusin, nakakagulat ang pangyayaring ito. Ilang buwan lang kasi bago iyon, ni hindi maisip ni Richard ang buhay niya kung wala ang mga gamot niya para sa hika. Dalawang klase iyon—ang isa ay pang-maintenance na kailangan niyang langhapin dalawang beses isang araw, at ang isa naman ay pang-emergency, kapag siya ay inatake ng hika. Nag-aalala siya sa side effects ng mga gamot niya, pero kung wala kasi ang mga ito ay hirap na hirap siya dahil sa walang humpay na ubo at napakaraming plema.

Pag-asang gumaling

Isang Sabado, habang kasama ni Richard ang kanyang mga kaibigan at sila ay nagkakamustahan sa kani-kanilang mga buhay, nabanggit niya na siya ay may hika. Nagkataon na ang isa niyang kaibigan ay mahilig pala sa tradisyonal na sining at kulturang Pilipino. Sabi niya, napakabisa daw ng Hilot para sa hika at iba pang karamdaman.

Naintriga si Richard. Noong bata pa kasi siya, naranasan niyang magpahilot at alam niyang mabisa ito sa pilay. Ngunit mabisa din kaya ito sa hika at sa mga problemang pangkalusugan ng mga magulang niya?

Tinanong ni Richard kung saan siya pwedeng magpahilot. Tinuro siya ng kanyang kaibigan sa Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG), kung saan nagpupunta ang kaibigan niya upang magpahilot.

Madaling gamutin ang hika

Makalipas ang dalawang Sabado, nagtungo si Richard kasama ang kanyang mga magulang sa tanggapan ng ATHAG sa Bo. Kapitolyo, Lungsod ng Pasig. Magiliw silang sinalubong ng mga manghihilot ng ATHAG at ipinakilala kay Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, isang doktor ng alternatibong medisina at albularyo na halos limampung taon nang nanggagamot.

“Noong binanggit ko na may hika ako,” wika ni Richard, “sabi ni Dr. Fajardo na napakadaling gamutin ng hika.  Noong narinig ko iyon, ang nasa isip ko, ‘tingnan natin kung gaano nga ito kabisa’ ”.

“Pero sa mga magulang ko,” pagpapatuloy ni Richard, “walang binitiwan na pangako si Dr. Fajardo. Ang sabi lang niya ay makakatulong ang hilot upang iwasan ang mga komplikasyon na dulot ng karamdaman nila.”

Ang unang Hilot        

Kamusta naman kaya ang unang hilot ni Richard?

“Madiin,” sagot niya. “Pero pagkatapos ng hilot, ang sarap ng pakiramdam, parang kakagising ko lang kahit hindi naman ako natulog!” Pero higit dun, napansin ni Richard na mas maluwag na ang kanyang paghinga, at nabawasan ang kanyang pag-ubo.

Kinabukasan, wika ni Richard, napansin niyang may mga pasa siya sa likod kung saan tinutukan ng manghihilot ang paghilot sa kanya. Ngunit hindi niya ito ikinabahala—dahil mula noong hinilot siya ay apat na araw siyang hindi hinika.

“Namangha ako,” sabi ni Richard. “Naisip ko noon, gusto kong gumaling kaagad.”

Tradisyunal na lunas para sa hika

“Sabi ni Dr. Fajardo, dapat daw ako magpahilot isang beses sa isang linggo,” kuwento ni Richard. “Pinayuhan din niya ako na linisin ang aking bituka sa pamamagitan ng mga halamang gamot, at bawasan ang pag kain ng mga carbohydrates.”

Makalipas ang dalawang Hilot, at masigasig na pag-inom ng inirekomendang herbal saka pagbawas ng carbo sa kanyang pagkain, kapansin-pansin ang pagbuti ng kalagayan ni Richard. Dahil hindi na siya masyadong inuubo, napadesisyunan niyang umpisahang bawasan ang kanyang pang-maintenance na gamot. Sa halip na umaga at gabi, sa umaga na lang niya ito nilalanghap.

Pagkaraan ng apat na Hilot (sa loob ng dalawang buwan) at masigasig na pagsunod sa payo ni Dr. Fajardo, tumigil na ang pag-ubo ni Richard at kaunting-kaunti na lang ang plema niya kaya tinigil na niya ang kanyang mga gamot.

Wala nang hika

Ngayon, tuluyan nang gumaling ang hika ni Richard. Hindi na siya inuubo, at wala na din siyang plema. Wala na siyang kahit anong gamot—pati nga ang herbal na inirekomenda ni Dr. Fajardo ay itinigil na niya.

Ang kanyang pinagpatuloy? Una, ang mas masustansiya na diet na nakatulong sa kanya, at siyempre, ang Hilot. Hindi na para sa hika, kundi para sa kalusugan ng kanyang buong katawan.

 

 

Advertisements

67 thoughts on “Hilot: Mabisa at natural na lunas para sa Hika

    • Magandang hapon po Michael,

      Ayon sa tradisyonal na Hilot, ang hika ang isa sa mga madaling pagalingin na karamdaman. Kailangan lang po na sundin niyo talaga ang payo tungkol sa pagpapahilot, herbs, at sa tamang pagkain at pangangalaga sa katawan. Kung nais niyo pong pumunta sa aming opisina, pinakamaigi po na magpa-appointment po kayo para sigurado na nandoon si Sir Boy upang matingnan kayo. Para sa karagdagang katanungan, mag-email po kayo sa hilothealing@yahoo.com.

      Salamat po.

      • Magandang hapon po Ma’am Yulenia,

        Salamat po sa pagbisita sa website namin. Pasensiya na po at ngayon lang po kami nakasagot.

        Kamusta na po kayo? Hinahapo pa rin po ba kayo? Kung nasa Manila po kayo, mas maganda po kung pumunta kayo sa aming opisina sa 63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City upang magpasuri po kay Sir Boy Fajardo at upang mapayuhan po kayo kung ano ang dapat gawin. Para po sa karagdagang katanungan at upang magpa-schedule, maari po kayong tumawag sa (0922) 884 4568 o (02) 267 4012.

        Salamat po!

      • Hi gusto ko po Sana malaman sa inyo Kung Kaya nyo po pagalingin Ying plema na madalas namumuo sa aking lalamunan,wala naman po ako nararamdaman na Simtomas ng hika,basta ang alam ko na nararamdaman ko e meron plema n na bubuo sa lalamunan ko

      • Hi Deno,

        Salamat po sa interes nyo sa Hilot.

        Kailangan po muna namin kayo masuri mismo para masabi po kung kaya po bang pagaling ang karamdaman niyo. Mas mabuti po kung pumunta po kayo sa aming opisina at magpasuri mismo kay Sir Boy Fajardo. Tumawag po muna kayo bago kayo magpunta para sigurado po na nasa opisina siya pagdating niyo. Salamat po.

      • Magandang araw po Crisdelin,

        Salamat po sa interes ninyo sa Hilot.

        Pinakamabuti po kung magtutungo po kayo sa aming opisina upang masuri po mismo ni Sir Boy ang inyong anak. Tumawag lang po kayo at magpa-appointment bago po kayo pumunta para sigurado po na nandun siya pagdating niyo. Salamat po!

      • Magandang umaga po,

        Salamat po sa interes niyo sa Hilot. Ang gamutan po sa anim na taong gulang na bata ay halos katulad din lang po ng sa nasa wastong gulang na. Kailangan din po ng Hilot at herbs para po linisin ang bituka, pero depende po sa kalagayan ng bata, maaring mas konti ang herbs po na kailangan. Saka po bawasan din po ang pagkain ng matatamis at carbohydrates, diyan pa naman po mahilig ang mga bata. Salamat po.

    • Magandang umaga po Cecil,

      Maari po kayong maglaga ng Lagundi para sa Hika.

      Pero bukod po doon, kailangan niyo po linisin ang bituka niyo. Maari po kayong mag-castor oil o di kaya dahon ng senna bilang panlinis. Kailangan niyo din pong magbawas ng pagkain ng mga carbohydrates tulad ng kanin, tinapay, mais, mga matatamis, atbp. para maiwasan ang pagdami ng plema.

      Napakahalaga din po ng Hilot para matulungang lumakas ang baga niyo. Kung mayroon pong manghihilot malapit sa inyo (yun pong tunay na manghihilot, hindi po masahe) malaki po ang maitutulong nun sa kalagayan niyo.

    • Magandang hapon po Evelyn,

      Salamat po sa interes niyo sa tradisyonal na Hilot.

      Pasensiya na po at hindi po namin masasagot ang inyong katanungan nang hindi po namin nakikita at nasusuri ng personal ang inyong tatay.
      Kung kayo po ay nasa Metro Manila area, pwede po kayo pumunta sa opisina namin sa Kapitolyo, Pasig. Tumawag lang po muna kayo at magpa-appointment bago kayo pumunta para matingnan siya ni Sir Boy.

      Salamat po.

  1. Ano po ba mabisang gamot sa hika?yun 3 yo na anak Kung lalake every month na lng po may sipon tpos derecho na sa ubo tpos hika nah may maintenance nmn po na iniinom ketotif po..

    • Sa tradisyunal po na gamutan, kailangan po ang hilot para sa hika para pampalakas po ng baga. Kailangan din po linisin ang bituka para po maiwasan ang muling pag-atake ng hika.

      Kung kayo po ay nasa Metro Manila, mas mabuti po kung pumunta po kayo sa aming opisina para masuri po ang baby niyo.

      Ngunit pansamantala po ay subukan niyo pong bantayan ang pagkain ng bata, at hangga’t maari ay bawasan po ang pagkain niya ng mga carbohydrates tulad ng mga matatamis, mga tinapay, biskwit, kendi, atbpa. Hindi din po mabuti ang pagkain ng sobra-sobrang kanin. Ang mga carbohydrates po kasi tulad nito ay nagpapadami ng plema sa katawan.

  2. ang anak ko po ay 2 yrs old every month sinisipon po sya at hika pero may gamot po bingay si doc sa allergy at sipon celestamine at salbutamol ano po mbisang gamot para maiwasan buwan buwan hindi siponin po anak ko

    • Magandang umaga po Myr,

      Kung nasa Metro Manila po kayo, mas mabuti po kung dalhin niyo po sa opisina namin sa Pasig ang anak niyo para po masuri at mapayuhan po kayo kung ano ang gagawin.

      Kung nasa probinsiya po kayo, subukan niyo po maghanap kung may magaling na manghihilot po malapit sa inyo. Malaki po ang naitutulong ng Hilot sa may hika. Ingatan niyo din po na wag po sobra ang mga carbohydrates (tulad po ng kanin, tinapay, biskwit, at matatamis) na kinakain ng anak niyo. Salamat po!

  3. Yung tatay ko po my hika din po lagi na po sya inaatake,tanong ko lang po kung my clinic po kaya sa la union kc nandun po sya konting galaw lang po kc hirap na.

    • Magandang umaga po Roger,

      Pasensiya na po at wala po kaming center sa La Union. Pero baka po may magaling na manghihilot malapit sa inyo. Subukan niyo po magtanong-tanong.

      Salamat po.

  4. magandang umaga po sa inYo…ako po si melodY ng tarlac citY…itatanung ko lng po kung kailangan din po ba ng hilot ng babY ko na 9 months old…palagi na lng po ksi sYng hinihika..hirap po sa pag hinga na maY kasamang ubo at plema….palagi kona lng po sYang pinasusuri sa doctor….salamat po

    • Magandang umaga po Melody,

      Makakatulong po ang Hilot sa baby niyo. Kung luluwas po kayo ng Maynila, tumawag po muna kayo sa opisina namin para magpaappointment kay Sir Boy upang masuri niya ang baby at mapayuhan ka niya kung ano ang gagawin.

      Salamat po!

  5. Pwede q po b makuha ang n0.nyo s opisina.para mkatawag.may hika po ang anak q 5yrs old.halos araw araw po cia hinihika..

    • Magandang hapon po Ma’am Jenny,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot. Pasensiya na po at ngayon lang po kami nakasagot, ngayon lang po kasi kami nakapagupdate sa website.

      Kung sakali po hindi pa po kayo nakakatawag, ang number po namin ay (0922) 884 4568. Nasa 63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo Pasig po kami. Salamat po!

  6. Magandang araw po my hika dn po ang aking anak gusto ko po sayang ipakonsulta s inyo pwede bang makahingi ng tel.no.at sakanya exact address nyo po.thanks..

    • Magandang hapon po Ma’am Mariel,

      Salamat po sa interes siyo sa Hilot. Pasensya na po at ngayon lang po kami nakasagot, ngayon lang po kasi kami nakapagupdate sa aming website.

      Ang opisina po namin ay nasa 63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo. Pasig City.

      Mas mabuti po kung tumawag po kayo muna bago kayo pumunta para po sigurado na may manghihilot po sa inyo pagpunta niyo. Kung nais nyo po magpasuri kay Sir Boy Fajardo, sabihin niyo din lang po. Ang number po namin ay (0922) 884 4568 o (02) 267 4012.

      Salamat po!

  7. Magandang hapon po.
    Ako po si dean christian .
    17 yrs old . Pano po ba mawawala ng tuluyan ang hika ko? 4 months old palang kase may hika na ako tapos nwala po ng 7 yrs old ako. Tas bumalek po eto lang June. My pag asa pa po bang mawala to?

    • Magandang hapon po Dean Christian,

      Salamat po sa iyong mensahe. Pasensiya na po at ngayon lang po kami nakapagupdate sa website namin.

      Mabisa po ang Hilot sa hika, kasabay po ng herbal na pang cleansing at tama pong pagkain. Kung nasa Metro Manila po kayo at nais nyo po subukan ang Hilot para sa inyong Hika, pwede po kayong pumunta sa opisina po namin sa 63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City, Tumawag po muna kayo bago po kayo pumunta para sigurado po na may manghihilot po sa inyo. Ang number po namin ay (0922) 884 4568 o (02) 267 4012. Sabihin nyo po na gusto nyo magpasuri kay Sir Boy Fajardo para matingnan nya kayo bago kayo magpahilot. 🙂 Salamat po!

  8. Hi po, may hika po kasi ako since birth at 17 years oLd na po ko ngayon, pa balik balik Lang yung hika ko.
    nasubukan ko na Lahat ng gamot na nirereseta ng doctor pero bumabaLik pa din yung asthma ko ..

    paano po ba makakatawag sa opisina nyo? Sana makapunta ko jan.

    Nahihirapan na po kasi ako pati pag aaraL ko damay na .. thanks po’

    • Hi Enah,

      Salamat po sa interes mo sa tradisyonal na Hilot. 🙂

      Ang hika po ay isa sa mga karamdamang madaling mapagaling ng Hilot, herbs, at pagbabago po sa kinakain. Basta po sundin nyo ang ipapayo sa hinggil sa Hilot, herbs, at pagkain, ay giginhawa po ang kalagayan niyo.

      Pwede po kayo tumawag sa (0922) 884 4568 o (02) 267 4012 para po magpaappointment at kung may iba pa po kayong tanong. Pwede din po kayo magpa-appointment kay Sir Boy Fajardo para masuri niya kayo, siya po kasi ang nagpapayo sa herbs.

      Sana po ay makatulong kami sayo.

  9. gud am po
    ANG akin pong asawa Ay MATAGAL NA po May HIKA
    PABALIK balik NA Lang po kami sa hospital . 54 year old NA po sya
    At may diabetic po sya , pwde po HO ba sy mahilot Kay may ibang sakit Tulad ng diabetis , May HIKA din po sya ,,

    • Magandang hapon po Ma’am Racquel,

      Opo, maari pong hilutin ang asawa niyo.

      Ang kagandahan po sa Hilot ay dahil tinutugunan po nito ang iba’t ibang karamdaman ng tao. Kung nasa Metro Manila po kayo, maari po kayong pumunta sa aming opisina sa 63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City. Mas maganda po kung magpa-appointment po muna kayo bago po kayo pumunta para sigurado po na may available na manghihilot pagpunta niyo. Pwede din po kayo magpasuri kay Sir Boy Fajardo mismo. Para po magpa-schedule at kung may karagdagan pa po kayong tanong, ang number po namin ay (0922) 884 4568 at (02) 267 4012.

  10. ako po ay nagkahika nung nkaraan dalawang buwan pa lang, sinusumpong po ako kpag nkakalanghap ng usok, alikabok at mainit ang panahon. taga rito po ako sa pampanga.

    • Magandang araw po, Edelina,

      Salamat po sa pagbisita sa aming website.
      Subukan niyo po magtanong-tanong kung mayroon pong magaling na manghihilot diyan sa lugar niyo sa Pampanga. Sa ngayon po kasi ang opisina po naming ay nandito lang po sa Pasig. Salamat po.

    • Magandang hapon po G. Edmundo,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.

      Opo, pwedeng-pwede po hilutin ang bata. Siguraduhin niyo lang po na ang manghihilot ay magaling at bihasa sa paghihilot ng bata. Kung malapit lang po kayo, maari din po kayo pumunta sa aming opisina sa Pasig. Nasa “Kontakin ang ATHAG” po sa itaas ang aming numero at address kung gusto niyo po magpa-appointment. Salamat po!

  11. Hi po, magandang umaga yung anak ko po hikain siya simula nung pinangank ko. Kaso ngayon po inaatake siya halos isang linggo na ang hingal niya di mawala2 tsaka halak. Natatakot lang po ako kasi di siya makatulog ng maayos. Maari niyo po ba akong tulungan dito po kami sa Quezon City. One year old pa lang po yung baby ko. Thank you po sana matulungan niyo kami.

    • Hi po Geraldin,

      Pinakamabuti po kung dadalhin niyo po ang baby niyo sa aming opisina para po masuri mismo ni Sir Boy Fajardo at mapayuhan po kayo kung ano ang dapat gawin. Tawag po muna kayo at magpa-appointment bago po kayo pumunta para po sigurado na nandun siya pagdating niyo. Salamat po!

  12. Nawawalan na po ako ng pag asa andito lang ako lagi s kwarto dahil sa hika.nagkukulong at minsan naisip ko na mamatay ng lang kasi nakailang gamot na ako pero hindi nman tumatalab .bagkus lalo p akong hinihika .sana matulungan po ninyo ako.bukas po pedi po bng magpahilot sa inyong tanggapan?me deprensiya din ako sa dugo at naggagot ngayon gusto ko pa pong mabuhay dahil maliit p ang anak ko

    • Magandang gabi po Ms. Aleli,

      Punta na lang po kayo sa opisina bukas. Mas mabuti po kung umaga kayo pupunta para masuri po kayo ni Sir Boy Fajardo. Kung makakatawag po kayo bago kayo pumunta, mas mabuti po para alam niya na papunta kayo. Salamat po at sana po ay matulungan namin kayo sa inyong karamdaman.

  13. mgandang hapon po, kgabi po pnacheck up qo po ang 5 yr old son qo kc inuubo po cia at angat na po ang balikat nya pag humihinga at sbi ng doktor my hika daw po cia, my hika din po aqo kya d n rn po aqo nagta2ka na merun po ciang hika, tanong qo lng po, pwde po b ciang gumaling s hika, auqo nman pong mhirapan cia hbang lumalaki cia kc pinagba2walan n po cia ng doktor na magpagod ng sobra at magbuhat ng mabi2gat na bgay, gus2 qo nman po mranasan ng anak qo ang buhay ng normal na bata ung nka2paglaro kc qng bwal mapagod malilimitahan dn po ang laro nya.
    at ang 3 yr old qo dn po hindi na po cia nawa2lan ng sipon as in tumutulo po tlaga ni hindi man lang nbubuo o nahi2nog ang sipon nya, may lunas dn po kya dun? sana matulungan nyo po aqo.
    thanks po…

    • Magandang gabi po Ms. Decie,

      Pinakamabuti po kung pupunta po kayo sa aming opisina sa Bo. Kapitolyo, Pasig, para po masuri mismo ni Sir Boy Fajardo ang mga anak niyo at pati din po kayo at mapayuhan po kayo kung ano ang dapat gawin. Sa atin po kasing paraan ng pagbabalik-kalusugan, magkakasama po talaga ang hilot, pagbabago sa pagkain at pamumuhay, at halamang gamot din po kung kinakailangan. Salamat po!

  14. May hika po ang aking anak na babae 9years old na po siya..madalas po siyang sumpungin ng hika nya ever 2-3months ay sinusumpong po siya ng kanyang ashma..

    Dennis Lusong
    Tarlac Tarlac

    • Magandang gabi po Dennis,

      Subukan niyo po magtanong-tanong kung mayroon pong magaling na manghihilot na malapit sa inyo para po matulungan ang anak niyo sa hika niya. Pinakamabuti po kasi kung malapit sa inyo ang manghihilot dahil po hindi lang po isa beses ang hilot na kailangan sa hika. Kung wala naman po kayong mahanap, maari din po kayo magpunta sa aming opisina sa Pasig. Email po muna kayo sa hilothealing@yahoo.com kung may balak po kayo pumunta. Salamat po.

    • Magandang hapon po Mandy,

      Pinakamabuti po kung pupunta po kayo mismo sa aming tanggapan para po masuri kayo mismo at mapayuhan kung ano ang dapat niyong gawin. Tingnan niyo po ang “Kontakin ang ATHAG” sa website na ito. Salamat po.

  15. Hello po dok mayroon po ba dito Sa baliuag bulacan na nanghihilot para po gumaling na din po ang hika ko gusto ko na po kasi na gumaling na ako Sa sakit ko para matulungan ko na ang aking nanay Sa paghahanap buhay Hindi ko kasi sya matulungan kasi hikain po ako sana po matulungan nyo ako please..

    • Magandang hapon po,

      Pasensiya na po, sa ngayon po nasa Pasig lang po ang opisina namin. Baka po may magaling din po na albularyo o manghihilot sa lugar niyo. Subukan niyo po magtanong-tanong baka po may magaling na malapit po sa inyo.

  16. Hi po! Ako si Emma, pano po bang hi lot sa likod ang gagawin sa tulad ko po na may hika? Lalo po ngayon madalas po ako inaatake ng hika. Salamat po!

  17. Ung anak ko po my astma 2 years po sya…lagi syang inuubo…
    Angat po ung dibdib nya..panu ba magagamot ung hika nahihirapan na po sya …

    • Magandang umaga po Reymond,

      Subukan niyo po magtanong kung may magaling po na manghihilot or albularyo malapit sa inyo para po matulungan ang anak niyo. Siguraduhin niyo po na yung manghihilot yung nanggagamot po talaga, hindi po yung nasa spa. Salamat po.

  18. Hello po, Tanong ko po if Totoo na Kung myrong any kind of allergies automatic myron nadin hika? Myron po Kasi aq nasal allergy, at nafefeel q po Ung sintomas Ng hika, 2lad nang shortaining of breath, paninikip Ng dibdib at plema po.
    Nais q po Sana malaman Ang tamang pag inom Ng lagundi at Ung senna. Staka pwede po ba Ung tea? Wla po Kasi aq nakita d2 na fresh pero Ung Tea Myron
    Staka Ung hilot po, ilang beses sa isang linggo?
    Medyo malayo po aq, kaya Nd aq makakapunta para makapagpa check up. Much appreciated your reply, Tenkyu.!!

  19. Hello po, Tanong ko po if Totoo na Kung myrong any kind of allergies automatic myron nadin hika? Nagpa check up po Kasi aq sa EENT AT Sabi Myron po Aq nasal allergy, at nafefeel q po Ung sintomas Ng hika, 2lad nang shortaining of breath, paninikip Ng dibdib at plema po. At
    Nais q po Sana malaman Ang tamang pag inom Ng lagundi at Ung senna, staka castor oil po. Staka pwede po ba Ung tea? Wla po Kasi aq nakita d2 na fresh pero Ung Tea Myron
    Staka Ung hilot po, ilang beses sa isang linggo? My ginagamit po bang oil? O Wala na po?
    Medyo malayo po aq, kaya Nd aq makakapunta para makapagpa check up. Much appreciated your reply, Tenkyu.!!

  20. hello po pwede nyo po bang pagalingin ang nasa 16 years old na may hika nasa dasmarinas cavite po ako?gusto ko po kasing gumaling,kapag hinihika po kasi ako nahihirapan po talaga akong huminga at minsan din po kasi hindi na po ako makapag-aral ng maayos ng dahil sa hika.

    • Magandang umaga po Rosechell,

      Malaking tulong po talaga ang Hilot at halamang gamot sa pagpapagaling ng hika. Pero po medyo malayo po pala kayo sa amin. Subukan niyo po kaya magtanong kung may magaling na manghihilot/albularyo na mas malapit po sa inyo. Ang hika po kasi hindi isang hilot lang, kaya po mas maigi kung malapit sa inyo ang manghihilot para po hindi mahirap sa inyo na bumalik para magpahilot. Salamat po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s