Lektyur tungkol sa tradisyonal na Hilot ginanap sa UP KAL

Ipinapaliwanag ni Dr. Fajardo sa mga kawani ng Kolehiyo ng Arte at Literatura kung ano talaga ang Hilot.

Ipinapaliwanag ni Dr. Fajardo sa mga kawani ng Kolehiyo ng Arte at Literatura kung ano talaga ang Hilot.

LUNGSOD QUEZON, Pilipinas- Nagkaroon ng isang maikli na lektyur at talakayan tungkol sa Hilot noong ika-29 ng Mayo, 2014 sa Sulod Tagibanwa, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman. Ito ay naganap sa kahilingan ng kooperatiba ng mga empleyado ng KAL, kasunod ng isang katulad na presentasyon na ibinigay ni Dr. Fajardo para sa mga guro ng Departamento ng Pag-aaral sa Sining (Department of Art Studies) sa Matabungkay, Batangas.

Tinalakay ni Dr. Fajardo ang mga kaisipan, konsepto, at prinsipyo ng tradisyonal na Hilot. Pagkatapos nito ay sinagot niya ang mga katanungan ng mga dumalo. May mga nagtanong tungkol sa mga simpleng bagay tulad ng halamang gamot. Mayroon din namang nagtanong tungkol sa mga tila “misteryosong” aspeto ng tradisyonal na Hilot, tulad ng pagtatawas.

Pagkatapos niyang sagutin ang mga katanungan, nagbigay din si Dr. Fajardo ng mga praktikal na payo tungkol sa pagpapanatili ng kalusugan. Ipinaliwanag din niya kung paano maiiwasan ang mga karaniwang sakit tulad ng sipon, pati na din ang mga malalang sakit gaya ng kanser.

Sa huling bahagi ng lektyur, isa-isang nagpatingin ang mga dumalo kay Dr. Fajardo upang masuri ang kalagayan ng kanilang kalusugan. May isa sa kanila na pinatingnan din ang kanyang anak, dahil masakit ang paa nito. Sinuri ni Dr. Fajardo ang paa ng bata, pagkatapos ay tinuruan niya ang nanay nito kung paano gawin ang Hilot para dito. Aniya, kailangan daw kasi ng regular na Hilot upang maisaayos ang kalagayan ng paa ng bata.

Ang aktibidad ay naging isang interesante at makabuluhang karanasan para sa mga empleyado ng KAL, na natuto tungkol sa tradisyonal na Hilot at sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s