‘Healing Festival 2014,’ gaganapin sa Bamban, Tarlac

Healing Festival 2014 sa Bamban, Tarlac

Healing Festival 2014 sa Bamban, Tarlac

BAMBAN, Tarlac- Ang United Healers League of the Philippines, Inc. (UHLPI) ay magdadaos ng Healing Festival 2014 sa ika-2 ng Agosto 2014 sa ROFIL Compound, Brgy. Anupul, Bamban, Tarlac. Ito ay pangungunahan ng Council for Kuranderos ng UNHPI, sa pakikipagtulungan ng Council for Hilot. Katuwang din sa kaganapang ito ang Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc. (UECFI) [rehiyon 7, 7A, 17, at 17A] at ang Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG).

Para sa mga dadalo, magkakaroon ng libreng konsultasyon at on-the-spot treatment session. Magkakaroon din ng maikling programa kung saan magsasalita ang mga sumusunod tungkol sa kanilang paraan ng pagbabalik ng kalusugan:

  • Dr. Christian Emmanuel V. Mancao, MD –“Effective Pain Management
  • Dr. Bibiano S. Fajardo – “Hilot sa Pang-araw-araw sa Kalusugan”
  • Dr. Mary Jean E. Acero – “Kitchen Medicine: Mga Pangkaraniwang Gamot sa Karamdaman”
  • Prof. Claudette Rosal – “Kulay para sa Kalusugan”
  • Mr. Marcelo Casillan III – “Ang Kalikasan at mga Sanhi ng mga Karamdaman”

Ang Healing Festival 2104 ay gaganapin bilang pakikiisa sa programang “Kalusugan Pangkalahatan” ng pamahalaan at bilang pagtaguyod ng Republic Act 8423, o ang Traditional and Alternative Act of 1997. Ang batas na ito ay naglalayon na mapalawig ang ligtas, mabisa, may habag, at hindi nakakasugat o papasok sa katawan (non-invasive) na tradisyonal at alternatibong paraan ng panggagamot.

Layunin ng Healing Festival na paglingkuran ang mga komunidad ng Pampanga, Tarlac, Zambales at Bataan, at iba pang nangangailangan ng tulong sa pagbabalik ng kanilang kalusugan.

Magsisimula ang registration ng alas 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang mismong Healing Festival naman ay mag-uumpisa ng 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. Ang mga dadalo ay inaanyayahang dumating ng maaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s