ATHAG naghandog ng Hilot sa Healing Festival 2014 ng UHLPI

Pinapawi ng mga manghihilot ng ATHAG ang mga pananakit ng kalamnan at kasukasuan

Pinapawi ng mga manghihilot ng ATHAG ang mga pananakit ng kalamnan at kasukasuan

BAMBAN, Tarlac- Nakiisa ang mga manghihilot ng ATHAG, sa pangunguna ng pangulo at albularyo nilang si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, sa  Healing Festival 2014 na ginanap noong ika-2 ng Agosto 2014 sa bayang ito. Ang Healing Festival ay proyekto ng United Healers League of the Philippines, Inc. (UHLPI) sa pamamagitan ng Council for Hilot at Council for Kuranderos na siyang nakipag-ugnayan sa Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc. (UECFI) Rehiyon 7, 7A, 17, and 17A at sa ATHAG.

Ang Healing Festival 2014 na ito ay ang paraan ng UHLPI upang ipakita ang pagsuporta nito sa Traditional and Alternative Medicine Act of 1997 at sa programa ng pamahalaan tungo sa kalusugang pangkalahatan.

Maraming dumalo

Si G. Joey Guttierez, isang Kurandero, at si Dr. Mary Jean Acero, doktor ng alternatibong medisina.

Si G. Joey Guttierez, isang Kurandero, at si Dr. Mary Jean Acero, doktor ng alternatibong medisina.

May 250 hanggang 300 katao ang dumalo sa Healing Festival, kung saan sina Dr. Christian Emmanuel V. Mancao, Dr. Bibiano Fajardo, Dr. Mary Jean Acero, Prof. Claudette Rosal, at ang mga spiritual healers ng UECFI sa pangunguna ni G. Joey Guttierez ay nagbigay ng libreng konsultasyon, payo at lektyur tungkol sa kalusugan, at iba’t-ibang paraan ang pagpapanumbalik ng kalusugan.

Libreng Hilot

Mahigit 40 katao ang lumapit sa ATHAG upang magpahilot sa mga manghihilot na sina Karisse Alzola, Karen Reyes, Marife Merlin, Jhen Dellosa, at Jane Alzola. Kasama din sa mga umaasikaso ng mga gustong magpahilot ay sina Emmie Rebudal, Alex Candaza, at Lope Tadios Jr.

 Hilot, Panggagamot na Ispiritwal, at ang Mancao Myofascial Release Technique

Hilot, Panggagamot na Ispiritwal, at ang Mancao Myofascial Release Technique

Karamihan ng mga nagpahilot ay may mga pananakit sa katawan, tulad ng pananakit sa paa, sa tuhod, sa likod, kamay, at balikat. Ang ilan naman ay ibang karamdaman tulad ng problema sa prostate at diabetes.

Dystonia

Isa sa mga nagpahilot ay si Jose M. Abuy, 61 taong gulang, na dating master sergeant ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas. Ayon kay Mang Jose, siya ay na-discharge sa serbisyo noong 2006 dahil nagkaroon siya ng kapansanan dahil sa Dystonia. Ang Dystonia ay isang karamdaman na umaapekto sa mga ugat (nerves). Dahil dito, ang taong may Dystonia ay maaring magkaroon ng paulit-ulit na mga galaw o di kaya paninigas at pag-ikli ng laman (muscles) na siyang nagiging sanhi ng kakaibang galaw o tindig.

Tinuturo ng manghihilot kung paano gawin ang paghilot.

Tinuturo ng manghihilot kung paano gawin ang paghilot.

Sabi ni Mang Jose, sa tuwing lubos daw siyang nahihirapan sa kanyang kalagayan, ay sinasamahan siya ng kanyang asawa upang magpagamot o therapy. “Siguro ito na ang pinakagamot ko,” wika niya. “Nagreresearch din kasi ako sa computer, at sabi doon ay walang gamot ang Dystonia.”

Si Mang Jose ay matiyagang hinilot ng manghihilot na si Karen Reyes. Pinagtuunan ng pansin ni Karen ang leeg, balikat, at likod ni Mang Jose. Pagkatapos ay tinawag niya ang asawa nito upang turuan kung paano gawin ang Hilot upang ma-relax ang laman sa likod.

Ayon kay Mang Jose, talagang nakatulong sa pagluwag ng kanyang pakiramdam ang Hilot. Magaling at mabait din daw ang manghihilot na umasikaso sa kanya. Matapos niyang magpasalamat, sabi niya, “Dapat palaging merong ganito [Healing Festival], para ang katulad naming mahirap, ay maibsan din an gaming karamdaman.”

Advertisements

4 thoughts on “ATHAG naghandog ng Hilot sa Healing Festival 2014 ng UHLPI

  1. gud am po ang anak ko po kay pariho kaymang jose masakit ang likod at paa nya sa ngayon halos na sya makalad mag isa tumitigas po mga MUSCLES nya normal po lahat ng test sa doctor. at pinahilot po namin may ugat raw na naipit pero hanggang ngayon wala paring nangyari mas lalo pa po syang d makalad..anu po bang dapat kong gawin. 14years old pa po sya

    • Magandang hapon po,

      Kung nasa Manila po kayo, pinakamabuti po kung dalhin niyo po ang anak niyo sa aming opisina para po masuri mismo ni Sir Boy. Kailangan niya po kasi mapulsuhan at mapakiramdaman ang bata para po malaman kung kakayanin po ng Hilot. Tumawag po muna kayo sa aming opisina at magpaskedyul bago po kayo pumunta para sigurado po na nandun si Sir Boy pagpunta niyo. Salamat po.

    • Magandang hapon po,

      Pinakamabuti po kung madadala ninyo sa opisina po namin ang may karamdaman. Iba po kasi ang pananaw at pamamaraan ng Hilot sa western medicine. Kailangan po masuri mismo ni Sir Boy para po masabi kung kakayanin po ba ng Hilot.

      Ang number po namin at address ay nasa link na ito: http://hilothealing.com/contact-athag-bibiano-fajardo/

      Pakitawag po muna bago po kayo magpunta para sigurado po na nandun si Sir Boy pagpunta niyo.
      Salamat po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s