Ano ang mga dapat iwasan pagkatapos magpa-Hilot?

7 bagay na dapat iwasan pagkatapos magpahilot

7 bagay na dapat iwasan pagkatapos magpahilot

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- Maraming dahilan kung bakit tayo tumutungo sa magaling na manghihilot. Ang iba sa atin ay nangangailangan ng Hilot dahil may pilay. Ang iba naman ay sumasakit ang likod. May ilan na umaasang ang Hilot ay makakatulong sa kanila upang mabuntis. Samantala, mayroon din namang mga taong nais makaranas ng ginhawa mula sa pagod ng pagtatrabaho.

Marami-rami na rin sa ating mga Pilipino ang natutuklasang muli ang kagalingan ng Hilot sa pagbabalik ng kalusugan. Marami sa atin ay regular nang nagpapahilot ng isa o dalawang beses kada linggo bilang bahagi ng paglunas sa mga sakit tulad ng diabetes, hika, rayuma, sakit sa atay at bato, at marami pang iba.

Para sa mga Pinoy na kinalakhan na ang Hilot, hindi na kailangan sabihin kung ano ang mga dapat iwasan pagkatapos magpahilot, dahil sanay na sila dito. Ngunit para sa mga baguhan na ngayon pa lang namumulat sa galing ng Hilot, narito ang isang listahan ng mga gawaing dapat iwasan pagkatapos magpahilot:

  1. Huwag maligo! Ito ang karaniwang unang pinapaalala ng manghihilot dahil ito ang pinakamahalaga. Ang paliligo kasi ay makakawalang-bisa sa kagalingang hatid ng Para sa higit pang impormasyong tungkol dito, i-click lamang ito.
  1. Umiwas sa lamig o hangin. Maraming tao ang naiinitan pagkatapos magpahilot dahil sa langis ng niyog na ginamit sa kanilang katawan. Kung isa ka sa mga ito, konting tiis lamang po at iwasang tumapat sa aircon o bentilador. Mahalaga po kasi na panatilihing mainit-init ang temperatura ng katawan upang matamasa mo ang kabuoang benepisyo na hatid ng Hilot.

 

  1. Huwag sumugod sa ulan. Akala mo ba’y wala lang ang mga patak-patak na iyan? Hindi po. Tulad ng unang paalala sa itaas, mababasa ka din sa ulan kaya ito din ay hindi mabuti para sa nagpahilot. Kung kailangan mo pang kumbinsihin, subukan mong sumugod sa ulan habang nandiyan pa ang manghihilot. Malamang ay kulang na lang na lumipad si ate para pigilan ka sa binabalak mo.

 

  1. Kung nagpahilot ka dahil sa pilay, huwag pwersahin ang apektadong bahagi. Alalahanin po na kaya mo tiniis ang masakit na hilot ni ate ay dahil nais mong gumaling kaagad. Kaya alalay po muna. Magpahinga ng mabuti upang makabawi agad ang katawan.
  1. Kung nagpahilot ka dahil sa bali, ipahinga muna ang bahaging nabali upang tuluyang gumaling. 
  1. Kung nagpahilot ka dahil sa problema sa panunaw, iwasan muna ang sobrang pagkain. Tinutulungan ng Hilot ang iyong katawan sa paglilinis at pagpapagaling. Kaya tumulong ka din naman—huwag bigyan ang sikmura mo ng sobrang trabaho. At habang ginagawa mo ito, gawin mo na din ang kasunod na paalala.
  1. Kung nagpapahilot ka dahil sa mga problema sa kidney at pag-ihi,huwag magkulang sa pag-inom ng tubig! Maraming tao ang nagkakaproblema sa kidney dahil kulang ang iniinom na tubig sa araw-araw. Kung isa ka sa mga ito, panahon na upang magbago. Ang sabi ng titser mo noon na dapat uminom ng walong basong tubig bawat araw ay isang magandang rekomendasyon—pero tandaan na maaring ang pangangailangan ng katawan mo ay mas kaunti o higit pa dito. Ang pangangailangan kasi natin sa tubig ay depende din sa ginagawa natin, sa init ng panahon, at sa kalagayan n gating kalusugan.

 

Kaya sa susunod na ikaw ay magpahilot, alalahanin mo lang ang mga ito upang masulit mo ang kagalingan na dulot ng Hilot.

 

Advertisements

8 thoughts on “Ano ang mga dapat iwasan pagkatapos magpa-Hilot?

    • Hi Michael,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.

      Depende po yun kung ano ang dahilan kung bakit hindi po siya makabuo. Marami po kasing maaring dahilan. Kung nais niyo po magpasuri kay Sir Boy Fajardo, tawag po kayo sa opisina at magpaschedule. Nasa “Kontakin ang ATHAG” na page sa taas ang amin pong numero at address. Salamat po.

    • Hi Yanna,

      Hilot lang po yan. Magtanong po kayo kung may magaling na manghihilot malapit po sa inyo. Or kung nasa Metro Manila kayo, pwede din po kayong magpunta sa aming opisina. Tumawag lang po muna kayo bago kayo pumunta para magpaappointment. Salamat po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s