Seminar tungkol sa tradisyonal na Hilot ginanap sa Bataan

Tinuturuan ng manghihilot ng ATHAG na si Maryflor Alvarez (kanan) ang mga dumalo kung paano ang tamang paghilot.

Tinuturuan ng manghihilot ng ATHAG na si Maryflor Alvarez (kanan) ang mga dumalo kung paano ang tamang paghilot.

DINALUPIHAN, Bataan- Tatlumpung katao ang dumalo sa pagtuturo ng tradisyonal na Hilot at herbal na isinagawa ng ATHAG sa Lunduyan Efeso, Brgy. Saguing noong ika-30 ng Agosto 2014.  Ang seminar na ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG), United Healers League of the Philippines, Inc. (UHLPI),  at ng Lunduyan Efeso, sa pamamagitan ng Bise-Presidente nitong si Ginoong Nilo Sabado.

Nag-umpisa ang seminar sa pamamagitan ng isang panalangin mula kay Ginoong Almario Serrano, ang pangulo ng lunduyan. Ito ay sinundan ng isang maikling mensahe mula kay Ginoong Sabado. Pagkatapos ay nagsalita din si Ginoong Joey Guttierez ng UHLPI tungkol sa mga layunin ng seminar at ng UHLPI.

Ginagabayan ng manghihilot ng ATHAG na si Yolanda Pedrigal (kanan) ang mga dumalo habang hinahanap nila ang mga bahagi ng katawan na wala sa balanse.

Ginagabayan ng manghihilot ng ATHAG na si Yolanda Pedrigal (kanan) ang mga dumalo habang hinahanap nila ang mga bahagi ng katawan na wala sa balanse.

Pagkatapos ng mga mensahe, nagsimula nang magturo si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo. Ipinaliwanag niya kung ano ang Hilot at ang mga prinsipyo na sinusundan ng mga manghihilot. Binigyang-diin ni Dr. Fajardo ang kahalagahan ng paglilinis ng mga basura sa katawan sa pamamagitan ng mga halamang gamot na ginagamit mula pa noong unang panahon ng ating mga ninuno. Ipinaliwanag din niya ang iba’t ibang mga sakit at kung ano ang mga mabisang halamang gamot para dito.

Kahapunan ay tinuruan ni Dr. Fajardo ang mga dumalo kung paano malaman kung ano ang mga bahagi ng katawan na wala sa balanse sa pamamagitan ng tradisyonal na Hilot. Tinuruan din niya ang mga ito kung paano gawin ang Hilot kasabay ng pag-inom ng halamang gamot upang malunasan ang mga karaniwang sakit sa katawan. Naroon din ang mga manghihilot ng ATHAG na sina Maryflor Alvarez at Yolanda Pedrigal at sina Alex Candaza at Lope Tadios Jr. upang tumulong magturo ng Hilot.

Pagkatapos ng seminar, pinahayag ng mga dumalo ang kanilang pasasalamat sa ATHAG dahil napakarami daw nilang natutunan at malaking tulong ito sa kanila. Ang isa sa kanila ay nagsabi na ang ATHAG ay “may iniwanan na hindi mabibili ng pera.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s