ATHAG nakiisa sa Healing Mission sa Concepcion Tarlac

Tinuturuan ni Alex Candaza ang mga kaanak  ng nagpahilot kung paano ituloy ang Hilot sa kanilang tahanan.

Tinuturuan ni Alex Candaza ang mga kaanak ng nagpahilot kung paano ituloy ang Hilot sa kanilang tahanan.

CONCEPCION, Tarlac- Nakiisa ang Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) sa Healing Mission na ginanap noong ika-6 ng Setyembre 2014 sa Lunduyang Bayung Jerusalem sa Brgy. Balutu. Ang kaganapang ito ay pinangunahan ng United Healers League of the Philippines, Inc. (UHLPI) bilang pagtaguyod sa Traditional and Alternative Medicine Act at sa pagpapalaganap ng mga tradisyonal at alternatibong paraan ng panggagamot.

Mahigit sa 260 katao ang tumungo sa Lunduyan upang malaman ang kalagayan ng kanilang kalusugan at upang magpagamot ng iba’t ibang karamdaman. Ang mga pangangailangan nila ay tinugunan ng 12 na iba’t ibang manggagamot na gumagamit ng tradisyonal at alternatibong paraan.

Si Dr. Fajardo ay nagbigay ng maikling lektyur tungkol sa Hilot. Samantala, ang mga manghihilot ng ATHAG na sina Maryflor Alvarez at Yolanda Pedrigal ay hinilot ang mga nais magpahilot. TInulungan din sila nina Alex Candaza at Lope Tadios.

Bukod sa libreng Hilot, tinuruan din nila ang mga tao kung paano ipagpatuloy ang paghilot sa kani-kanilang mga mahal sa buhay pagdating nila sa bahay. Ang mga nangangailangan ng halamang gamot ay pinayuhan din kung ano ang dapat nilang gamiting halaman upang lunasan ang kanilang karamdaman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s