Altapresyon? Lunasan ito sa pamamagitan ng Hilot!

Altapresyon? Lunasan ito sa pamamagitan ng Hilot!

Altapresyon? Lunasan ito sa pamamagitan ng Hilot!

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas – Ikaw ba ay may altapresyon? Katulad ng marami, iniisip mo ba na dahil mataas na ang presyon ng dugo mo ngayon ay habangbuhay na itong magiging mataas?

Sa panahon ngayon, karaniwan na ang altapresyon o ang pagtaas ng presyon ng dugo. Kaya marami ang nagtatanong kung ano ang gagawin upang ito ay ma-kontrol. Ngunit tila walang nagtatanong ng isang mas mahalagang tanong: Maari bang lunasan ang altapresyon upang ang daloy ng dugo ay bumalik muli sa normal?

Kaya tinanong naming si Dr. Bibiano Fajardo, isang albularyo at doktor ng alternatibong medisina na halos limampung taon nang nanggagamot sa pamamagitan ng Hilot.

“Siyempre naman!” wika niya. “Kailangan lang alamin kung bakit tumataas ang presyon ng dugo mo, upang ito ay malunasan.”

Mga sanhi ng altapresyon

“May iba’t-ibang sanhi ang pagtaas ng presyon ng dugo,” paliwanag ni Dr. Fajardo. “Pangunahin dito ang ating pang-araw araw na pamumuhay. Ayon sa mga matatandang albularyo, nasa 85% ng mga karamdaman ay nagmumula sa ating panunaw—kung ano ang ipinapasok natin sa ating katawan at kung ano ang lumalabas (o hindi lumalabas).

Isa sa karaniwang payo sa mga taong may altapresyon ay ang pag-iwas sa matatabang pagkain. Ito din ay ipinapayo ni Dr. Fajardo. “Kapag sobra kasi ang kinakain mong taba,” paliwanag niya, “namumuo ang mga tabang ito at dumidikit sa mga gilid ng ugat. Habang tumatagal, ito ay kumakapal ng kumakapal, kaya paliit ng paliit ang daluyan ng dugo. Kapag makipot na ang daluyan, tumataas ang presyon ng dugo.”

Isa pang sanhi ng pagtaas ng dugo, ayon kay Dr. Fajardo, ay kapag sobra ang kinakain mong protina at carbohydrates (tulad ng kanin, mais, kamote, tinapay, matatamis, atbp.) “Kapag sobra ang kinain mo kaysa dami na kayang iproseso ng iyong katawan,” paliwanag ni Dr. Fajardo, “nagiging basura ito sa dugo at plema sa bituka. Kapag maraming basura sa dugo mo, lumalapot ang dugo, kaya tumataas ang presyon.”

Ang iba pang hindi masyadong kilalang sanhi ng altapresyon, wika ni Dr. Fajardo, ay mga problema sa bato (kidney) at baga. “Kapag mahina o nababarahan ang iyong bato, hindi na nito masyadong nalilinis ang dugo,” sabi niya. “Kapag hindi masyadong nalilinis ang dugo, hindi natatanggal ang mga basura dito kaya malapot ito, at tumataas ang presyon.”

“At kapag maraming plema sa baga,” dagdag ni Dr. Fajardo, “nababawasan ang dami ng oxygen na napupunta sa dugo upang gamitin ng iyong katawan. Dahil dito, apektado ang lahat ng bahagi ng katawan, kabilang na ang iyong panunaw. Kapag naapektuhan ang panunaw, hindi nito maproseso ng maayos ang iyong kinain kung kaya maraming basura ang napupunta na naman sa dugo. Kaya tumataas ang presyon.”

Paano lunasan ang altapresyon?

“Mayroon tayong sinaunang paraan upang lunasan ang altapresyon,” wika ni Dr. Fajardo. “Sa pamamaraan ng Hilot,” wika niya, “ang unang dapat gawin ay alamin kung ano ang dahilan ng pagtaas ng presyon ng dugo.“ “Sa Hilot kasi, tinitingnan natin ang kabuoan ng tao, hindi lamang kung ano ang sumasakit na bahagi o kung ano lang ang sintomas na nirereklamo niya. Hinahanap natin ang ugat ng karamdaman, at doon natin inuumpisahang ayusin.”

“Sa pamamagitan ng pagpulso at pagdama sa likod ng tao,” paliwanag ni Dr. Fajardo, “nalalaman ko na kung anong bahagi ng katawan ng tao ang may problema. Kaya iyon ang tinutuonan natin ng pansin sa Hilot. Pinapalakas natin ang bahaging iyon upang bumuti ang kalagayan nito at magampanan ang papel nito sa katawan. Tinuturuan din natin ang tao kung anong halamang gamot ang pwede niyang inumin upang tulungan ang bahaging ito at upang ilabas sa katawan ang mga basurang naipon.”

“At kapag naayos na ang pinag-uugatan ng altapresyon,” pagpapatuloy ni Dr. Fajardo, kusang bababa ang presyon ng dugo.”

Ang sikreto sa tuluyang pagaling

“Ngunit ang mas mahirap na bahagi ng lunas,” pagpapatuloy ni Dr. Fajardo, “ay ang pagpapanatiling normal ng iyong presyon matapos kang gumaling sa Hilot.”

Bakit kamo?

“Dahil ito ay nakasalalay sa IYO, at kung gaano ka kadeterminadong baguhin ang iyong pananaw, pag-uugali at pamumuhay upang mapanatili ang kalusugan ng iyong katawan,” wika niya.

“Biniyayaan tayo ng napakabisang paraan ng pagbabalik ng kalusugan ng ating mga ninuno,” sabi ni Dr. Fajardo. “Ngunit kung matapos kang gumaling ay babalik ka sa dating uri ng pamumuhay na siyang nagdulot ng karamdaman mo,” wika niya, “di maglalaon ay babalik din ang karamdaman mo. Kaya ang sikreto at susi sa tuluyang paggaling ay IKAW.”

Kahit sino ba ay maaring magpahilot para sa altapresyon?

Ito ay isang tanong na karaniwang tinatanong sa amin, dahil may mga taong nais magpa-Hilot, ngunit nag-aalala sila dahil narinig nila na bawal sa may altapresyon ang anumang uri ng masahe.

“Una,” paglilinaw ni Dr. Fajardo, “iba ang Hilot sa ordinaryong masahe. Ang masahe ay paghagod na ginagawa upang ma-relax ang mga kliyente. Samantala, ang Hilot ay sinaunang paraan upang ibalik ang kalusugan ng tao. May sinusundan kami na mga alituntunin sa paghilot upang masigurado na ang ginagawa namin ay makakagaling sa tao. Hindi kami bastang hagod lang ng hagod. May tamang diin, may tamang direksyon, at higit sa lahat, may tamang lugar kung saan dapat hinihilot. ”

“At tungkol naman sa paghilot ng taong may altapresyon,” pagpapatuloy niya, ”ang mas tamang tanong ay kailan dapat hilutin. Bawat isa kasi sa atin ay may kanya-kanyang pangangatawan at kalagayan ng kalusugan. May mga tao na inuuna muna naming ang pagpapainom ng halamang gamot. Kapag bumuti na ang kanilang kalagayan, saka namin inuumpisahan ang paghilot. Mayroon din naman na agad nang hinihilot at pinapainom ng halamang gamot.”

Nais mo bang subukan ang Hilot para sa altapresyon?

“Kung nais mong subukan ang Hilot at halamang gamot para sa iyong altapresyon,” paalala ni Dr. Fajardo, “siguraduhin mong pumunta sa isang tradisyonal na manggagamot na marunong, mahusay, at bihasa sa panggagamot gamit ang katutubo nating paraan ng panggagamot. Halimbawa nito ang Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG).”

“Ito ay dahil ang pagbabalik ng kalusugan gamit ang Hilot ay nangangailangan ng mas malalim na kaalaman at karanasan tungkol sa Hilot at halamang gamot. At ang lawak ng kaalaman na ito ang kailangan mo upang ikaw ay gumaling.”

Advertisements

2 thoughts on “Altapresyon? Lunasan ito sa pamamagitan ng Hilot!

  1. Tama po kayo dr.fajardo pulsuhan muna ang pasyente bago hilutin..tatarey po..a catholic faithhealer po..nagcontrate din po ako tungkol sa cancer..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s