ATHAG naghandog ng libreng Hilot sa Payatas

Isa sa pinakakilalang tungkulin ng manghihilot mula pa noong unang panahon ay ang paghilot ng mga batang tulad nito.

Isa sa karaniwang tungkulin ng manghihilot mula pa noong unang panahon ay ang paghilot ng bata.

LUNGSOD QUEZON, Pilipinas- Maraming bata, pati na mga nanay, tatay, at lola ang nagpahilot sa mga manghihilot ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) noong “Medical, Dental, and Wellness Mission” na ginanap noong ika-21 ng Setyembre 2014 sa GPH Medical Clinic, Brgy. Payatas.

Ang mission na ito ay isang proyekto ng GPH Medical Clinic at nina Boots dela Cruz, Dr. Froro V. Corrales, Lingap Bayan Emergency Rescue Team, United Healers League of the Philippines, Concerned Citizens Riders Group, and Kap. Manny N. Guarin.

Punong-puno ang GPH Medical Clinic ng mga taga-Payatas na nais pakinabangan ang mga libreng serbisyong handog ng iba’t ibang grupo sa araw na iyon. Bukod sa serbisyong medikal na bahagi talaga ng ginagawa ng klinika, mayroon din doong optometrist para sa mga lumalabo ang paningin, may tradisyonal na Hilot na handog ng ATHAG, may panggagamot na ispiritwal, at may masahe na handog ng isang grupo ng mga katatapos magtraining sa TESDA.

Sa tolda kung saan nakapwesto ang ATHAG, maraming nanay ang nagdala ang kanilang mga sanggol at mga batang anak upang ipahilot. Ang ibang mga nanay ay nagpahilot din. Mayroon ding mga taong may pananakit sa likod at kasu-kasuan na nagpahilot upang mabawasan ang kanilang dinaramdam na sakit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s