Hilot, itinampok sa ‘Kapangyarihan ng Isip’ ng DWIZ 882

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- Noong ika-21 ng Setyembre, 2014, kinumbida ng kilalang parapsychologist, manunulat, at brodkaster na si G. Jimmy Licauco  si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo upang ipaliwanag ang Hilot sa kanyang programa sa radyo. Ang kanyang programa, na pinamagatang “Kapangyarihan ng Isip,” ay maririnig tuwing Linggo ng gabi sa DWIZ 882.

Sa kanilang talakayan, ipinaliwanag ni Dr. Fajardo kung ano ang Hilot at ang mahabang tradisyon na pinagmulan nito. Binigyang diin niya na ang ginagawa niya sa Hilot ay hindi bago, kundi ito ay pagpapatuloy ng tradisyon na matagal nang isinalin-salin sa maraming henerasyon ng mga albularyo at manghihilot.

Mga tanong at kasagutan

Bihasang nagtanong si G. Licauco upang palalimin ang talakayan tungkol sa Hilot. Sa huling bahagi ng programa, binasa ni G. Licauco ang mga katanungan na tinext ng mga takapakinig mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.  Ang ilan sa mga katanungan at ang sagot ni Dr. Fajardo ay nakatala sa ibaba.

  1. Ang Hilot ba ay katulad ng “Wellness Massage” ng TESDA?

 Ang sagot ni Dr. Fajardo dito ay “hindi.” Wika niya, ang Hilot ay ibang-iba sa karaniwang masahe gaya ng nasabing wellness massage. Kung sa masahe ang palaging binibigyang diin ay ang iba’t ibang uri ng paghagod, sa Hilot ang mas mahalaga ay ang tamang direksyon at diin ng hagod, na siyang makapagpapagaling. Ang direksyon na ito ay maaring magkaiba sa iba’t ibang bahagi ng katawan, at sa iba’t ibang tao. Hindi ito katulad sa masahe, kung saan pareho ang ginagawa ng masahista sa lahat ng kliyente.  

  1. Kung ang tinutukoy ninyo ay tradisyon, bakit puro siyensiya ang paliwanag? Hindi ba ito magkasalungat?

“Hindi,” paliwanag ni Dr. Fajardo. “Pinapaliwanag ko lang ang tradisyon natin sa wika ng siyensiya, upang iparating sa tao na ang ginagawa ng ating mga ninuno ay nakaugat sa siyensiya.”

  1. May Hilot ba para sa mata?

Ayon kay Dr. Fajardo, makakatulong ang Hilot sa pag-iwas ng mga problema sa mata.

  1. Ano ang “Pilay Hangin?”

Ang Pilay Hangin, ayon kay Dr. Fajardo, ay dulot ng hangin (gases) na nasa bituka. Masakit ito kapag tumulak sa sikmura. Sa bahaging Visayas, tinutulak ito ng mga manghihilot upang mailabas sa katawan.

  1. Mabubuhay ba ng Hilot ang paa na naparalisa dahil sa stroke?

Pinaliwanag ni Dr. Fajardo na kapag apektado ng stroke ang utak, mahirap nang ibalik sa dati ang apektadong bahagi ng katawan. Ngunit ang mas mahalaga, wika niya, ay ang pag-iwas sa stroke. “Dito makakatulong ng malaki ang Hilot,” sabi niya, dahil malalaman na ng manghihilot kung ano ang namumuong mga problema sa katawan kahit wala pa itong mga sintomas.”

  1. Mapapagaling ba ng Hilot ang Scoliosis?
    “Dapat bata pa lang ay alagaan na ng Hilot upang hindi na tumuloy sa pagiging scoliosis,” wika ni Dr. Fajardo. “Sa umpisa ay nanghihina pa lang ang muscle, dapat agapan na habang maaga.”
  1. Ano ang pinagkaiba ng Reflexology at Hilot?

Wika ni Dr. Fajardo, ang Reflexology ay para palabasin ang sobrang kuryente ng katawan. Ito ay ginagawa lamang sa talampakan at palad. Samantala, ang Hilot ay nag-aayos ng kuryente ng katawan.

  1. May iba-ibang uri ba ang Hilot?

“Galing ako sa Visayas at Mindanao,” sabi ni Dr. Fajardo. “Parehong prinsipyo ang sinusundan ng mga manghihilot doon.

Noong malapit nang matapos ang programa, binigyang diin ni Dr. Fajardo na gusto lang niya at ng ATHAG na ibalik ang tradisyon sa tamang lugar nito. Mayroon tayong napakagandang tradisyon na may sariling principles at philosophy. Dapat natin itong suportahan

Pagpapatuloy ng talakayan tungkol sa Hilot

Noong ika-19 ng Oktubre 2014, nagkaroon ng pangalawang bahagi ang talakayan nina G. Licauco at Dr. Fajardo tungkol sa Hilot sa programang “Kapangyarihan ng Isip” sa DWIZ.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s