ATHAG, muling lumahok sa ‘Tutok Kalusugan’

Sinusubukan ng lalakeng ito ang tradisyonal na Hilot sa Tutok Kalusugan ng Unionbank.

Sinusubukan ng lalakeng ito ang tradisyonal na Hilot sa Tutok Kalusugan ng Unionbank.

LUNGSOD NG PASIG,Pilipinas- Muling lumahok ang Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) sa “Tutok Kalusugan: UnionBank Health Fair”  na idinaos ng UnionBank sa opisina nito sa  Ortigas. Ang Tutok Kalusugan ay isang tradisyon ng nasabing bangko na idinaraos taun-taon upang pangalagaan ang kalusugan at kagalingan ng mga empleyado at kanilang mga pamilya. Nitong taon, ang Tutok Kalusugan ay ginanap noong ika-4 ng Oktubre 2014.

Sa buong maghapon, natamasa ng mga empleyado ng UnionBank at ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang libre o di kaya ay may discount na mga serbisyong pangkalusugan. Kasama na dito ang mga serbisyong medikal tulad ng pagkonsulta sa doktor, blood typing, pagsuri ng buto, pagsuri ng mata, ECG, FBS, pagsuri ng kolesterol, atbp.

Sa kabilang dako, nagkaroon din ng mga serbisyo tulad ng masahe, pamamahala ng timbang, pamamahala ng stress, at pagpapayo tungkol sa tamang pagkain. Kabilang ang Hilot sa mga serbisyong itong para sa kagalingan ng empleyado. May 400 katao ang inasahang dumalo sa Tutok Kalusugan ngayong taon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s