Hilot, bahagi ng ‘Health and Wellness Fair’ ng Klinika ng CCP

Maraming kawani ng CCP ang pumila upang magpahilot noong 'Health and Wellness Fair.'

Maraming kawani ng CCP ang pumila upang magpahilot noong ‘Health and Wellness Fair.’

LUNGSOD NG PASAY, Pilipinas- Noong ika-10 ng Oktubre 2014, idinaos ng klinika ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ang Health and Wellness Fair nito para sa lahat ng mga empleyado at manggagawa ng CCP.

Kinumbida si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, pangulo ng ATHAG, upang magbigay ng maikling presentasyon kung ano ang Hilot at kung ano ang kahalagahan nito sa kalusugan ng mga Pilipino. Ang mga dumalo na nais makaranas ng tradisyonal na Hilot ay pumila sa isang bahagi ng lobby ng CCP kung saan may tatlong manghihilot ng ATHAG.

Bukod sa Hilot, ang Health and Wellness Fair ng klinika ng CCP ay nagtampok din ng pagpapayo tungkol sa tamang pagkain na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI),  pagsusuri ng mata, pagbibigay ng inspirasyon mula sa Brahma Kumaris, at pati na din pag-aayos ng buhok. Mayroon ding iba’t ibang natural na produkto at produktong pangkalusugan na ibinenta ng iba’t ibang booth.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s