ATHAG dumalo sa pagtitipon tungkol sa pananaliksik sa tradisyonal at alternatibong panggagamot

Nagbigay si Dr. Isidro Sia, pinuno ng PITAHC, ng mga tanda ng pasasalamat sa mga panauhin na nagsalita sa pagtitipon.

Nagbigay si Dr. Isidro Sia, pinuno ng PITAHC, ng mga tanda ng pasasalamat sa mga panauhin na nagsalita sa pagtitipon.

LUNGSOD NG QUEZON, Pilipinas- Noong ika-24 ng Nobyembre 2014, dumalo ang ATHAG sa pagtitipon na isinagawa ng Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) tungkol sa pananaliksik hinggil sa tradisyonal at alternatibong paraan ng panggagamot sa Pilipinas. Ito ay ginanap sa Conference Room ng PITAHC sa opisina nito sa Diliman.

Binuksan ni Dr. Isidro Sia, Executive Director ng PITAHC, ang nasabing pagtitipon sa pamamagitan ng pagbibigay ng paunang salita at kaalaman tungkol sa balangkas ng pananaliksik ng PITAHC. Pagkatapos ay ipinakilala ni Dr. Francis Vicente Ras ang mga kalahok.

Ipinakita ni Dr. Jessica de Leon ang kanyang ginawang taxonomy o pagsasaayos ng iba’t ibang uri ng tradisyonal at alternatibong paraan ng panggagamot na ginagawa sa Pilipinas. Di Dr. Michael Tan naman ay nagsalita tungkol sa pagtatala ng tradisyonal na kaalaman ukol sa kalusugan, karamdaman, at panggagamot.

Si Dr. Antonio Ligsay ay nagbigay ng ulat tungkol sa pananaliksik sa mga produktong natural. Si Dr. Jennifer Madamba naman ay nagsalita tungkol sa mga ginawang pananaliksik sa tradisyonal at alternatibong panggagamot sa Pilipinas. Si Dr. Jaime Galvez Tan ay nagbigay ng ilang makabagong paraan ng pananaliksik.

Ang huling presentasyon ay kay Prof. Cynthia Cordero. Ito ay tungkol sa mga hamong teknikal at etikal sa pananaliksik tungkol sa tradisyonal at alternatibong panggagamot.  Pagkatapos nito, isang open forum ang ginanap upang makapagtanong ang mga dumalo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s