ATHAG, nakiisa sa talakayan tungkol sa paghatid ng serbisyong pangkalusugan

Pinadaloy ni Dr. Patricia Sison ng DLS-FLWI ang talakayan ng grupo kung saan kabilang ang ATHAG.

Pinadaloy ni Dr. Patricia Sison ng DLS-FLWI ang talakayan ng grupo kung saan kabilang ang ATHAG.

LUNGSOD NG MAYNILA, Pilipinas- Lumahok ang ATHAG kasama ang mga guro at kawani ng De La Salle–Family Life and Wellness Institute,  sa isang pagpupulong at talakayan na isinagawa ng Asian Social Institute (ASI) noong ika-11 ng Oktubre 2014. Ang pagpupulong na ito na nakatuon sa mga hamon sa sistema ng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa bansa.

Punung-puno ang Francis Senden Memorial Hall ng mga kalahok mula sa iba’t ibang sektor na may kinalaman sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa Pilipinas. Nagkaroon ng panimulang programa na sinundan ng pagbabahagi ng kuwento ng tatlong batang maysakit na nahirapang makamit ang kinakailangan nilang serbisyong medikal.

Pagkatapos nito ay naghati-hati ang mga kalahok sa kanilang sektor na kinabibilangan at nagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa dalawang katanungan: (1) Kung paano sila makakatulong upang makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan para sa mga bata at sa kanilang mga pamilya; at (2) Anong panimulang mga plano o ideya ang magandang gawin upang pagbuklurin ang mga gawain tungo sa pagbibigay ng maka-kabuoang serbisyong pangkalusugan sa mga bata at sa kanilang mga pamilya?

Masigla ang naging palitan ng mga ideya ng mga kalahok. Ang ATHAG ay kabilang sa grupong pinangunahan ni Dr. Patricia Sison, na siyang Executive Director ng FLWI at kasama din sa Board ng ASI. Isa sa mga lumabas na kailangang gawin ay ang pagpapatibay at pagpapalaganap ng Hilot, dahil ito ay katutubo at mabisang paraan ng panggagamot na gumagamit ng mga kaalaman at kagamitan na likas sa atin.

Pagkatapos, ang buod ng talakayan ng bawat grupo ay ibinahagi sa lahat ng kalahok.  Ang pagpupulong na ito ay tunay na naging matagumpay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s