Hilot, bentosa, at banyos ipinakita sa programang ‘Unang Hirit’ ng GMA-7

Ipinapakita ng manghihilot na si Jhen Dellosa kung paano tukuyin ang mga bahagi ng katawan na wala sa balanse sa pamamagitan ng Hilot. (Larawan mula sa http://www.gmanetwork.com/ )

Ipinapakita ng manghihilot na si Jhen Dellosa kung paano tukuyin ang mga bahagi ng katawan na wala sa balanse sa pamamagitan ng Hilot. (Larawan mula sa http://www.gmanetwork.com/ )

LUNGSOD NG QUEZON, Pilipinas- Ang Hilot, bentosa, at banyos ay itinampok sa programang Unang Hirit ng GMA-7 noong ika-28 ng Enero, 2015. Ito ay kaugnay ng usapin kung paano maiiwasan ang mga karaniwang karamdaman kapag malamig ang panahon.

Maikli lang ang itinakdang oras para sa segment, kung kaya hindi naipaliwanag ng malaliman kung ano ang hilot, banyos, at bentosa. Ngunit bahagyang naipakita naman ng manghihilot ng ATHAG na si Jhen Dellosa kung ano ang mga ito. Nagbigay din ng kaunting paliwanag ang albularyo at pangulo ng ATHAG na si Dr. Boy Fajardo kay Bb. Lyn Ching-Pascual, na siyang host ng programa.

Hilot

Ang Hilot ang sinaunang paraan ng pagbabalik ng kalusugan ng mga Pilipino. Ito ay magaling na paraan upang tukuyin kung anong mga elemento ng katawan ang wala sa balanse, at mabisa ito sa pagbabalik ng kalusugan ng katawan.  Malaki ang naitutulong ng Hilot upang maiwasan ang mga nag-uumpisang ubo at sipon. Nakakatulong din ito sa pagpapagaan ng pakiramdam sa mga may ubo at sipon na.

Bentosa

Dahil ito ay ginagawa sa mga spa, kilalang-kilala ang bentosa sa panahon ngayon. Pero ipinaliwanag ni Dr. Fajardo na ang pagbebentosa ay hindi lang basta-bastang pag-iinit ng baso at paglalagay nito sa likod ng tao. Ayon sa kaniya, dapat ito ay sumusunod sa batas ng kalikasan, at hindi lang basta kung saan-saan nilalagay at pinapatakbo. Hindi din dapat naglalagay ng maraming baso ng sabay-sabay sa likod.

Ang layunin ng bentosa ay katulad din ng Hilot, at yun ay ibalik sa balanse ang katawan. Kung nanaisin, pwede rin na hilot ang gawin sa halip ng bentosa.

Banyos

Ang banyos ay ang pagbababad ng mga paa at kamay sa mainit na tubig na may pinakuluang halamang gamot. Hindi ito kasing-kilala tulad ng hilot at banyos, ngunit nakakatulong din ito sa mga taong masama ang pakiramdam dahil parang sisipunin o uubuhin.

Advertisements

4 thoughts on “Hilot, bentosa, at banyos ipinakita sa programang ‘Unang Hirit’ ng GMA-7

    • Magandang araw po Baby,

      Nagtuturo po kami ng Hilot pero sa ngayon po ay medyo marami po kaming inaasikaso pa. Antabayanan niyo lang po ang aming website o facebook, dito po kami maglalagay ng anunsyo kapag magkakaroon ng training.

      Salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s