ATHAG, isinulong ang Hilot sa ikalawang bahagi ng 2015

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- Sa ikalawang bahagi ng 2015, lumahok ang ATHAG sa iba’t ibang aktibidad upang isulong ang tradisyonal na Hilot. Dalawa sa mga ito ay idinaos ng Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care (PITAHC), samantalang ang iba ay idinaos ng Filipino Traditional and Integrative Healing Association at ng De la Salle- Family Life and Wellness Institute (FLWI).

Pagdinig ng Alituntunin para sa Pagkilala ng mga Hilot

Ang mga lumahok sa ginanap na pagdinig ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng RA 8423 hinggil sa pambansang sertipikasyon ng mga Pilipinong Manghihilot at ang pagkilala ng mga pagsasanay sa Hilot, at sa mga Hilot training at healing center.

Ang mga lumahok sa ginanap na pagdinig ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng RA 8423 hinggil sa pambansang sertipikasyon ng mga Pilipinong Manghihilot at ang pagkilala ng mga pagsasanay sa Hilot, at sa mga Hilot training at healing center.

Ang pinakamahalagang pangyayari nuong 2nd quarter ay ang pagdinig ng PITAHC tungkol sa “Guidelines Implementing RA 8423 on the National Certification of Filipino Hilot Practitioners/Manghihilot and Accreditation of Hilot Training Programs and Hilot Training and Healing Centers,” o ang Alituntunin sa pagpapatupad ng RA 8423 hinggil sa pambansang sertipikasyon ng mga Pilipinong Manghihilot at ang pagkilala ng mga pagsasanay sa Hilot, at sa mga Hilot training at healing center. Ito ay ginanap noong ika-30 ng Hunyo 2015 sa PITAHC Conference Room.

Ipinaliwanag ni Standard and Accreditation Division Chief Ms. Juris Triunfante kung paano binuo ang nasabing dokumento ng Technical Working Group na kinabibilangan ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG), Hilot Pinoy, at Alyansa ng Manghihilot at Albularyo (AMA).

May 40 katao ang dumalo, kabilang na ang mga manghihilot, tagasuporta ng Hilot, at kinatawan ng mga paaralan at pati na ang United Healers League of the Philippines (UHLPI). Naging makabuluhan ang balitaktakan, at marami ang nagbahagi ng kanilang kuro-kuro.

Isa sa mga nabanggit ng mga dumalo ay tungkol sa Hilot sa pagpapaanak. Ipinaliwanag ni Bb. Triunfante na dahil may kautusan mula sa DOH na nagbabawal ng panganganak sa bahay, kailangan din ito sundin ng PITAHC. Ipinaliwanag naman ni Dr. Ras na saklaw ng pagbabawal ang mga Gawain bago, habang, at matapos ang panganganak. Hindi nito saklaw ang Hilot para sa nais mabuntis, kaya maari pa din itong gawin ng mga manghihilot.

Dahil sa dami ng mga mungkahi, inanyayahan ni Bb. Triunfante ang mga dumalo na ipadala ang kanilang mga komento upang ito ay mapag-usapan ng TWG. Samantala, isang grupo ng mga kalahok, sa pamumuno ng mga kabilang sa TWG, ay nagpulong upang ipagpatuloy ang pagtalakay sa mga nakasaan sa panuntunan.

 

Ang Pag-intindi sa Kaugnayan ng Ngipin at Katawan

Ang tradisyonal na Hilot ay isa sa mga paraan ng panggagamot na itinampok sa symposium ng De La Salle-Family Life and Wellness Institute (FLWI) noong ika 11 at 12 ng Mayo 2015. Ang pamagat ng seminar ay “Understanding the Tooth-Body Connection and the Holistic Approach in Health Management,” (Ang pag-intindi sa kaugnayan ng ngipin at katawan, at ang kabuuang paraan sa pangangalaga ng kalusugan). Ito ay ginanap sa teatro ng SDA, De la Salle College of St. Benilde, Pasay City.

Sa unang araw, ipinakilala ni Dr. Patricia C. Sison ang layunin at kaisipan ng FLWI. Pagkatapos nito ay tinalakay ni Dr. Rommel Tinio ang paraan ng pagtukoy at paggamot ng karamdaman ng mga manggagamot na gumagamit ng natural at kumbensyunal na paraan. Samantala, sa hapon ay nagbahagi si Dr. Dawn Ewing ng kanyang kaalaman sa turo niyang pinamagatang, “The Wisdom of the Tooth” (ang karunungan ng ngipin).

Sa pangalawang araw, tinalakay naman ang iba’t ibang paraan ng panggagamot. Ipinaliwanag ng albularyo at pangulo ng ATHAG na si Bibiano “Boy” Fajardo ang Hilot, na siyang katutubong panggagamot ng Pilipinas. Nagsalita naman si Dr. Susan Balingit tungkol sa katutubong nutrisyon. Si Dr. Beth Micaller ay nagsalita tungkol sa Iridollogy.

Pagkaraan ng isang maikling pagitan, nagsalita si Dr. Michael Margolis tungkol sa biological dentistry. Ang kanyang lektyur ay pinamagatang, “Thinking outside the Mouth: The Clinical Correlation of Biological Dentristy and Your Patient’s Health,” kung saan tinalakay niya ang pagkakatugma ng natural na paraan ng panggagamot sa ngipin at ng kalusugan ng tao.

3rd Annual Convention of Filipino Traditional and Alternative Healing Association

Appreciation ang pangulo ng ATHAG na si Bibiano S. Fajardo pagkatapos niyang magsalita.

Binigyan ng Certificate of Appreciation ang pangulo ng ATHAG na si Bibiano S. Fajardo pagkatapos niyang magsalita.

Kinumbida ang pangulo ng ATHAG, si Bibiano “Boy” Fajardo upang magsalita tungkol sa tradisyonal na Hilot sa ikatlong taunang pagpupulong ng Filipino Traditional and Integrative Healing Association.

Ang tema ng nasabing pagpupulong ay “Looking Forward to the Practice of Complementary Medicine.” Ito ay ginanap nuong ika-9 ng Mayo 2015 sa auditorium ng Occupational Safety and Health Center sa lungsod ng Quezon.

Pulong ng PITAHC tungkol sa papel na ginagampanan ng tradisyonal na panggagamot

May dalawampu’t isang katao ang dumalo sa idinaos ng PITAHC na “Forum on the Role of Traditional Modalities” noong ika 23 ng Abril 2015. Ito ay ginanap sa silid audio-visual ng PITAHC sa Quezon City.

Ang mga dumalo ay mga kinatawan ng iba’t ibang grupo ng mga manggagamot tulad ng ATHAG, UHLPI, Hilot Pinoy, AMA, at Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc. May mga kinatawan din mula sa mga unibersidad at mananaliksik tulad ng FLWI, UP, at Health Futures Foundation. Mismong ang Director General ng PITAHC na si Dr. Isidro Sia ang nagpadaloy ng talakayan.

Ipinaliwanag ni Dr. Sia ang kagustuhan ng PITAHC na tukuyin ang mga ligtas at mabisang pamamaraan ng panggagamot sa Pilipinas. Wika naman ni Joey Gutierrez ng UHLPI, bago ito magawa ay dapat magkaroon muna ng balangkas sa pagkilala ng mga katutubo o tradisyonal na manggagamot. Dagdag din ng pangulo ng ATHAG na si Bibiano “Boy” Fajardo, talagang kailangan kilalanin at ipalaganap ang tunay na tradisyon ng Pilipinas.

Sa katapusan ng pulong, nagbuo ng isang komite upang tutukan ang usaping ito.

Advertisements

2 thoughts on “ATHAG, isinulong ang Hilot sa ikalawang bahagi ng 2015

  1. Nabasa ko ang comment ng mga tao tungkol sa ATHAG at napakaganda po ng mga comment nila. Gusto ko pong dalhin ang asawa ko diyan para po mahilot kasi mo laging sumasakit ang kanyang mga braso at namamanhid po ang kanyang mga kamay.

    • Magandang hapon po Lilia,

      Salamat po sa pagbisita sa aming website. Maari niyo pong dalhin ang asawa niyo sa aming opisina mula Lunes hanggang Sabado, 8:00-5:00 p.m. Tumawag po muna kayo at magpa-appointment bago po kayo pumunta para po siguradong may maghihilot sa inyo. Sabihin niyo din po na magpapasuri po kayo kay Sir Boy Fajardo bago po kayo magpahilot. Salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s