ATHAG, tuloy ang pagsulong sa Hilot sa ikatlong bahagi ng 2015

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- Bagama’t abala ang ATHAG sa panggagamot, pinili pa din nito na makilahok at tuluyang isulong ang Hilot sa pamamagitan ng pagtuturo, pagpapalaganap, at pakikiisa sa iba’t ibang sektor ng sambayanan.

‘Pinoy Vibes’ ng DZMM, itinampok ang Bundok Banahaw

Kinakausap ng popular na host ng Pinoy Vibes na si Stargazer ang albularyo at pangulo ng ATHAG na si   Bibiano “Boy” Fajardo tungkol sa bundok Banahaw.

Kinakausap ng popular na host ng Pinoy Vibes na si Stargazer ang albularyo at pangulo ng ATHAG na si
Bibiano “Boy” Fajardo tungkol sa bundok Banahaw.

Sa buong buwan ng Setyembre, itinampok ng programang “Pinoy Vibes,” ng DZMM Teleradyo ang Bundok Banahaw at katutubong panggagamot. Ang mga episode tungkol sa Banahaw ay sumahimpapawid sa apat na Linggo ng Setyembre, mula ala una hanggang alas tres ng madaling araw.

Alinsunod sa tema nitong “byaheng mistikal ,”(mystical journeys), tila isinama ng sikat na psychic na si Stargazer ang kanyang mga masugid na tagasubaybay sa kanyang pag-akyat sa Bundok Banahaw. Siya ay ginabayan ng pangulo at albularyo ng ATHAG na si Bibiano “Boy” Fajardo. Nagtungo sila sa iba’t ibang pwesto sa Banahaw at nagdasal, nagsindi ng kandila, at naligo sa dalawang talon ng Sta. Lucia habang pinag-uusapan ang kahulugan ng mga ito. Kinausap din ni Stargazer ang iba’t ibang mga manggagamot.

Ang seryeng ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Pinoy Vibes sa anibersaryo nito.

Museo Pambata, tinuklas ang sinaunang panggagamot ng Hilot

Nagpirmahan ng Memorandum of Agreement ang pangulo ng ATHAG na si Bibiano "Boy" Fajardo, at CEO Nina Lim-Yuson at Exec. Dir. Maricel Montero ng Museo Pambata pagkatapos ng seminar.

Nagpirmahan ng Memorandum of Agreement ang pangulo ng ATHAG na si Bibiano “Boy” Fajardo, at CEO Nina Lim-Yuson at Exec. Dir. Maricel Montero ng Museo Pambata pagkatapos ng seminar.

Noong ika 14 ng Setyembre 2015, nagsagawa ng seminar-workshop tungkol sa Hilot ang ATHAG para sa mga pinuno at kawani ng Museo Pambata Foundation, Inc. (MPFI).

Ipinaliwanag ni Albularyo Bibiano “Boy” Fajardo ang kasaysayan, at mga kaisipan sa likod ng Hilot. Ipinaliwanag din niya ang mga Apat na Elemento ng Katawan at kung anong mga bahagi ang saklaw ng bawat elemento. Bukod pa dito, tinalakay din niya kung paano ang bulong/orasyon, Hilot, at halamang gamot ay nagtutulungan upang maibalik ang kalusugan ng tao.

Sa hapon ng araw na iyon, tinalakay kung paano tukuyin ang mga bahagi ng katawan na wala sa ayos at kung paano ginagawa ang Hilot. Binigyan din ng pagkakataon ang mga kalahok na danasin ang magpahilot o maghilot ng kasamahan nila.

Pagkatapos ng seminar, nilagdaan ng ATHAG at MPFI ang kasunduan ng pagtutulungan para sa kanilang proyekto.    

Pagsasanay sa mga bagong manghihilot sa Baguio

Kinausap ng Chairperson ng ATHAG na si Ma. Aleli Pansacola ang mga kalahok sa training.

Kinausap ng Chairperson ng ATHAG na si Ma. Aleli Pansacola ang mga kalahok sa training.

Sa pakikipagtulungan sa mga Soroptomist sa Baguio, nagkaroon ng pagsasanay sa Hilot noong ika-31 ng Agosto hanggang ika-4 ng Setyembre 2015. Ito ay ginanap sa Jack’s Grand View, Baguio City.

Tinuruan ng pangulo at Albularyo ng ATHAG na si Bibiano “Boy” Fajardo ang mga kalahok kung paano ang tamang paghilot. Siya ay tinulungan ng mga manghihilot ng ATHAG na sina Karen Reyes at Yolanda Pedrigal. Samantala, sa huling araw ng training ay tinalakay ng Chairperson ng ATHAG na si Aleli Pansacola ang tungkol sa hanapbuhay.

ATHAG, nakiisa sa panawagan para sa malinis na hangin

Nakiisa ang ATHAG sa daan-daang mga healer at environmental advocates sa pagpapakita ng kanilang suporta sa kampanya para sa malinis na hangin

Nakiisa ang ATHAG sa daan-daang mga healer at environmental advocates sa pagpapakita ng kanilang suporta sa kampanya para sa malinis na hangin.

Dahil ang sariwa at malinis na hangin ay napakahalaga sa kalusugan at buhay ng tao, nakiisa ang ATHAG sa daan-daang mga manggagamot, relihiyoso, akademiko, at iba pa na tumugon sa pangungumbida ng Clean Air Advocates Philippines (CAAP) sa “Clean Air Congress” nito. Ito ay idinaos noong ika-25 ng Hulyo 2015 sa Bahay ng Alumni, UP Diliman, Quezon City sa pakikipagtulungan sa United Healers League of the Philippines, Inc. (UHLPI).

Maraming mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsalita tungkol sa kahalagahan ng malinis na hangin. Sa dulo ng kaganapan, naglagay ang mga kalahok ng mga papel na dahon sa mga punong kalbo na nasa entablado upang ipakita ang pakikiisa nila sa panawagan para sa pagpapatupad ng Clean Air Act.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s