Hilot, tampok sa ‘Tapatan ni Tunying’

LUNGSOD NG QUEZON, Pilipinas- “Sa malalayong lugar at the probinsya, ang mga albularyo ang karaniwang takbuhan ng may mga karamdaman pati na ang mga hindi maipaliwanag na sakit sa katawan. Pero May puwang pa ba ang kanilang panggagamot sa panahon ng makabagong siyensiya?”

Ito ang tanong ni Anthony Taberna sa kanyang mga manonood noong ika-25 ng Setyembre 2015. Sa hapong iyon, inilahad niya sa kanyang programang “Tapatan ni Tunying,” (TNT) ang kuwento ng Hilot, na siyang katutubo o tradisyonal na panggagamot sa Pilipinas.

Dalawang Albularyo ang itinampok sa palabas. Ang isa ay si Nanay Lina, 68 na taong gulang, na nasa Pulong Buhangin, Bulacan. Ang isa naman ay ang pangulo ng ATHAG at Albularyo na si Bibiano “Boy” Fajardo. Ipinakita sa TNT si Nanay Maria na nanghihilot sa kanyang bahay. Samantala, si “Mang Boy” naman ay kinausap ni Anthony Taberna sa kanyang opisina, kung saan ipinaliwanag ni Mang Boy ang siyensya ng Hilot.

Ipinakita din sa programa ang pagdulog ni Anthony Taberna kay Mang Boy tungkol sa kanyang masakit na balikat. Upang mabilis na mawala ang sakit, gumamit si Mang Boy ng sinaunang paraan ng Albularyo—ang orasyon, na kilala din sa tawag na “bulong.” Makalipas ang ilang sandali, sinubukan galawin ni Anthony Taberna ang kanyang balikat at nagulat siya na nawala na ang sakit na halos isang taon na niyang iniinda.

Ipinaliwanag ni Mang Boy (bagama’t hindi ito ipinakita sa programa), na mabisa ang orasyon o bulong sa pagpapawi ng sakit, ngunit ang epekto nito ay panandalian lang. Upang tuluyang gumaling, kailangan ang Hilot at halamang gamot.

Itinampok din sa programa ang mga estudyante ni Mang Boy sa GPH Clinic sa Brgy. Payatas, Quezon City. Ipinaliwanag ni Dr. Carlos Haplasca, na siyang punong manggagamot sa clinic, na hindi lahat ng sakit ay kayang pagalingin ng mga synthetic drugs o gamot na gawa ng tao. Minsan, wika niya, Hilot pala ang katapat ng sakit. Sinabi din ni Dr. Haplasca na maging noong unang panahon, nandiyan na ang mga manghihilot, sila ang tumutugon sa mga karamdaman ng tao, kaya sila ay dapat lang na igalang at suportahan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s