Mga guro at kawani ng Immaculate Heart of Mary College natuto tungkol sa kalusugan at katutubong panggagamot

Bibiano Fajardo talks about Hilot  at the  Immaculate Heart of Mary College

Ipinapaliwanag ng Albularyo at pangulo ng ATHAG na si Bibiano “Boy” Fajardo ang katutubong pagpapanumbalik sa kalusugan sa mga guro at kawani ng Immaculate Heart of Mary College.    

LUNGSOD NG QUEZON, Pilipinas- Noong umaga ng ika-2 ng Oktubre 2015, kinumbida ng Immaculate Heart of Mary College ang Albularyo at pangulo ng ATHAG na si Bibiano “Boy” Fajardo upang magsalita tungkol sa kalusugan at katutubong panggagamot ng mga Pilipino. Ang kaganapang ito ay bahagi ng “formation” program ng nasabing paaralan para sa mga guro at kawani nito.

 

Ibinahagi ni Bibiano “Boy” Fajardo ang kanyang kaalamang bilang isang Albularyo na halos limampung taon nang tumutulong sa mga tao sa pagpapanumbalik ng kalusugan. Tinalakay niya ang pananaw sa kalusugan, ang proseso ng pagpapanumbalik ng kalusugan, at ang Apat na Elemento ng Katawan. Ipinaliwanag din niya ang kaugnayan ng katawan, isip, at damdamin ng tao. Sa dulo ng kanyang lektyur, nagbigay din siya ng mga paraan kung paano pangalagaan ang kalusugan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s