ATHAG at Museo Pambata, inilunsad ang ‘Bahay Hilot’

ATHAG Albularyo Bibiano Boy Fajardo demonstrates the traditional Hilot healing process

Isinadula nina Albularyong Bibiano “Boy” Fajardo, Asst. Prof. Marie-Sol Hidalgo, at ng kanyang anak  ang paraan ng panggagamot ng Hilot.

LUNGSOD NG MAYNILA, Pilipinas-Noong ika-7 nitong buwan, magkasamang ipinagdiwang ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG) at Museo Pambata Foundation Inc. (MPFI) ang Nobyembre bilang buwan ng tradisyonal at alternatibong paraan ng pangagalaga ng kalusugan (traditional and alternative health care month). Ito ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 698 s. 2004 na nilagdaan ng dating Pangulong Arroyo.

Inilunsad ng ATHAG at Museo Pambata ang Bahay Hilot, isang eksibit na nasa loob ng silid Kalikasan. Ito ang paraan ng ATHAG at Museo upang ipakilalang muli sa mga batang taga-lungsod ang sinaunang paraan ng panggagamot ng mga Pilipino.

Ang Bahay Hilot ay isang kubo na kunwari ay bahay ng isang Albularyo. Mayroon ditong mga kagamitan ng Albularyo tulad ng almires na ginagamit sa paghahanda ng mga dahong ginagamit bilang pantapal. Mayroon ding palayok at kalan na luwad, na siyang pinaglalagaan ng mga dahon at ugat na nakakagaling. Bahagi din ng Bahay Hilot ang ilan sa mga kagamitan ng Albularyo na hindi karaniwang nakikita ng mga tao tulad ng librito ng mga orasyon, at iba’t ibang kahoy at medalyon.

Nagkaroon ng maikling programa sa paglulunsad. Nagbigay ng mensahe sina Executive Director Maricel Montero at Director General Isidro Sia ng Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care (PITAHC).  Samantala, ipinaliwanag at ipinamalas ng pangulo ng ATHAG na si Albularyong Bibiano “Boy” Fajardo ang sinaunang paraan ng pangagamot gamit ang Hilot. Kasama niya ang mananaliksik na si Asst. Prof. Marie-Sol Hidalgo at ang anak nito.  Pagkatapos ng pagsasadula, pinamunuan ni Albularyong Boy ang ritwal ng Apat na Elemento upang buksan ang Bahay Hilot.

 

Group pic after ATHAG and Museo Pambata Hilot workshop

Ang mga nanay at bata na dumalo sa pagtuturo kasama ang ATHAG, MPFI, at DLSU.

Pagkatapos nito, nagkaroon ng pagtuturo kung paano ginagawa ang Hilot para sa mga bata at iba pang miyembro ng pamilya. Ito isinagawa ng ATHAG at Museo, at may suporta mula sa mga estudyante ng De La Salle University sa ilalim ng Community Engagement and Service Learning Program na pinangungunahan ni Bb. Paz Esperanza “Nina” Poblador.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s