Kartilya ng mga Manghihilot at Albularyo, ipinakilala sa 16th Asian Bioethics Conference

Hilot Code of Ethics ppt slideLUNGSOD NG QUEZON, Pilipinas- Noong ika-6 ng Nobyembre 2015, ipinakilala ni Asst. Prof. Marie-Sol Hidalgo ang Kartilya ng mga Manghihilot at Albularyo sa ika-16 na Asian Bioethics Conference na ginanap sa St. Paul University. Si Asst. Prof. Hidalgo ay nagtuturo sa University of the Philippines Open University at kasalukuyang kumukuha ng kanyang PhD sa Universiti Sains Malaysia. Pinag-aaralan niya ngayon ang pagpapalaganap ng Hilot, at bahagi ng kanyang pag-aaral ang pagbuo ng batayan para sa Hilot.

Ang Kartilya ay pinagtulungang buohin nina Asst. Prof. Hidalgo at ng Technical Working Group (TWG) na siyang nagbalangkas ng mga batayan sa pagkilala ng mga manghihilot. Ang TWG na ito ay binuo ng Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care (PITAHC). Kasama ditto ang Association of Traditional Health Aid Givers Philippines Inc. (ATHAG), Alyansa ng mga Manghihilot at Albularyo (AMA), at Hilot Pinoy.

Naging matagumpay ang pagpapakilala ng Kartilya. Nagpakita ng interes ang mga delegado sa Kartilya at sa Hilot. Lumapit pa ang mga kalahok at nagpahiwatig ng kanilang suporta sa TWG sa layunin nito.

Ang conference na ito ay sama-samang inihandog ng Asian Bioethics Association, Eubios Ethics Institute, American University of Sovereign Nations, SPC Healthcare Ministry, at  St. Paul University Quezon City.  Ito ay ginanap noong ika-3 hanggang 6 ng Nobyembre.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s