Hilot, bahagi ng programa para sa mga health workers ng Muntinlupa

Bibiano Fajardo presents Hilot at Muntinlupa

Ipinapaliwanag ng Albularyo na si Bibiano “Boy” Fajardo kung ano ang ginagawa ng manghihilot.

LUNGSOD NG MUNTINLUPA, Pilipinas- Kabilang ang Hilot sa mga paraan ng panggagamot na itinampok sa programa ng De La Salle Zobel-Family Life and Wellness Institute (FLWI) at ng Lungsod ng Muntinlupa na isinagawa noong huling bahagi ng 2015 at unang bahagi ng 2016. Ang programang ito ay pinamagatang, “Transforming National Health Consciousness Through Holistic Education,” (pagbabago ng pambansang kamalayang pangkalusugan sa pamamagitan ng maka-kabuuang pagtuturo). Ito ay naglayon na ipakilala sa mga kawani ng Muntinlupa City Health Office ang mga paraan ng panggagamot na tumutuon sa kabuuan ng tao, at isa na dito ang Hilot. 

 

Ang bahagi tungkol sa Hilot ay isinagawa nuong ika-4, 6, at 15 ng Enero, 2016 sa City Health Office ng Muntinlupa. Sa unang dalawang araw, ipinaliwanag ng makabagong Albularyo na si Bibiano “Boy” Fajardo kung ano ang hilot. Binigyang diin niya ang kahalagahan ng kagandahang loob ng isang manggagamot sa kanyang larangan ng pagbabalik ng kalusugan ng tao. Samantala, si Asst. Prof. Marie-Sol Hidalgo ay naroon rin upang magsagawa ng workshop tungkol sa Hilot.

Sa pangatlong araw, nagkaroon ng demonstrasyon at mismong panghihilot. Pagkatapos ipaliwanag kung paano gawin ang tamang panghihilot, may ilang mga participant ang nagsubok gawin ang Hilot sa isa’t isa. Samantala, may iba naman na may mga pananakit at problema sa kalusugan ay sinubukang magpahilot sa mga manghihilot ng ATHAG na sina Karisse Alzola at Yolanda Pedrigal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s