San Felipe LGU at ATHAG, nagpatraining ng tradisyonal na Hilot

zambales group pic

Ang mga kalahok sa  Hilot  training sa San Felipe at ang mga taga-ATHAG na sina Chair Aleli Pansacola, President Bibiano Fajardo, at mga manghihilot na sina Jennifer Dellosa at Yolanda Pedrigal.

MUNISIPYO NG SAN FELIPE, Zambales- Dalawampu’t tatlong katao ang lumahok sa training tungkol sa tradisyonal na panggagamot sa pamamagitan ng Hilot na ginanap sa Municipal Centrum ng San Felipe mula ika 29 ng Pebrero hanggang ika-4 ng Marso 2016. Ang Hilot training na ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng pamahalaang local ng San Felipe, na pinamumunuan ni Mayor Carolyn S. Fariñas, at ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG).

Sa unang araw, natutunan ng mga kalahok ang mga kaisipan, konsepto, at alutintunin ng Hilot mula sa pangulo ng ATHAG na si makabagong Albularyo Bibiano “Boy” Fajardo. Natutunan din nila ang tungkol sa Apat na Elemento ng Katawan. Noong sumunod na araw, natutunan naman nila kung paano gawin ang tradisyonal na Hilot mula sa mga manghihilot ng ATHAG na sina Jennifer Dellosa at Yolanda Pedrigal.

Samantala, sa pangatlo at pang-apat na araw, natutunan ng mga kalahok kung gaano kahalaga ang kalooban sa panggagamot at kung paano ginagamit ang mga halamang gamot. Patuloy din sila sa pagsasanay ng Hilot.  

Sa huling araw, ikinuwento ni Ms. Aleli Pansacola kung paano binuo ang ATHAG. Nagpaliwanag din siya kung paano ginagawa ang mga herbal soap at kung ano ang kaibahan ng natural na sabon mula sa karaniwang sabon na siksik sa mga kemikal. Pagkatapos ay hinati niya ang mga kalahok sa apat na grupo. Bawat grupo ay nagtulung-tulong upang ipakita sa papel kung ano ang commitment nila pagkatapos ng training.

251

Sinubukan ni Mayor Carolyn S. Farinas ang paraan ng Hilot sa pagtukoy ng mga problema sa katawan.

Ang unang grupo ay binansagan ang sarili nila bilang Healing Angels. Sila ay gumuhit ng isang Hilot center, isang Hilot training center, at isang herbal products center. Gumawa din sila ng isang Hilot mission at stairway to success. Sabi nila, sila ay sasama sa mga Hilot mission upang makatulong sila sa pagpapalaganap ng Hilot at lalong magkaroon ng karanasan sa panghihilot. Dagdag pa nila, madalas silang magkikita-kita upang lalong mapagtibay ang kaugnayan nila bilang isang grupo.  

Samantala, ang pangalawang grupo naman ay ipinakita na sila ay kapit-bisig kasama ng mga trainor at si Mayor. Ang pangatlong grupo naman ay nagsabi na magtatanim sila ng mga halamang gamot upang makatulong sa ibang tao. Sabi din nila na ipagpapatuloy nila ang pagsasanay sa Hilot. Katulad din ng ibang grupo, sabi din ng pang-apat na grupo na sila ay sasali sa health mission, magtatanim ng halamang gamot, at tutulong sa pagpapalaganap ng halamang gamot.

—-

Mula sa ulat ni Yolanda Pedrigal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s