Mga Kaganapan sa Hilot sa 2016

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- Maraming kaganapan noong nakaraang taong 2016 para sa Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) sa ilalim ng Pangulo nito na si Albularyo Bibiano “Boy” S. Fajardo. Bukod sa panggagamot sa pamamagitan ng tradisyonal na paraan ng Hilot at halamang gamot, itinaguyod at pinalawig nila ang Hilot sa pamamagitan ng sumusunod:

National Certification Committee for Hilot

Matapos ang ilang taong pagbalangkas ng National Competency Standards for Hilot at ng mga alituntunin nito, sinimulan na rin ang sunod na hakbang tungo sa opisyal na pagkilala ng mga manghihilot at Hilot practitioner. Ang hakbang na ito ay ang unang pagtitipon ng National Certification Committee for Hilot ng PITAHC, na siyang tututok sa paggawa ng mga detalye ng proseso ng sertipikasyon.

Saklaw ng gawain nila ay ang proseso ng pagkilala ng mga matagal nang nanggagamot gamit ang tradisyonal na Hilot at halamang gamot, pati na rin ang pagsertipika ng mga bagong Hilot practitioner na mula sa mga pormal na training.

Pagtuturo ng Hilot

Students of PINS and GPH Payatas free Hilot mission

Magkasama na nanghilot sa Hilot Mission ang mga mag-aaral ng PINS at GPH noong Agosto hanggang Oktubre 2016.

Nag-aral ng Hilot ang mga mag-aaral ng Philippine Institute of Naturopathic Sciences (PINS) noong buwan ng Mayo 2016. Ang kanilang pag-aaral ay nagtapos sa libreng Hilot Mission na ginanap mula Agosto hanggang Oktubre 2016 sa GPH Wellness and Diagnostic Clinic sa Brgy. Payatas, Quezon City. Kasama nila sa Hilot Mission ang mga mag-aaral din ng Hilot sa GPH Clinic.

Samantala, noong ika-28 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre 2016, nagkaroon ng follow-up training para sa mga mag-aaral ng Hilot sa San Felipe, Zambales. May 24 na kalahok ang sumali sa training.

Mga Conference na tampok ang Hilot

Massage therapists from Laguna and Batangas listen to Albularyo Boy Fajardo lecture on Hilot

Ang mga massage therapist ng Laguna at Batangas ay nakinig kay Albularyo Boy Fajardo sa kanyang pagtalakay ng Hilot.

Noong ika-27 ng Abril 2016, ipinaliwanag ni Albularyo Boy Fajardo ang Hilot sa mga lumahok sa 1st Batangas-Laguna Massage Therapists Summit. Ang conference na ito ay ginanap ng PARTHIA Hilot at Hilom Pilipinas sa Paseo Premiere, Lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

Tampok din ang Hilot sa isang libreng online conference na ginanap noong ika-20 hanggang 24 ng Oktubre 2016. Ang conference na ito ay pinamagatang International Congress on Integrative Therapies and Health. Sa pangunguna ng Brazilian na physiotherapist-acupuncturist na si Dr. Carla Silva (na siya rin ay nag-aral ng Hilot mula kay Albularyo Boy) itinampok sa conference na ito ang iba’t ibang uri ng panggagamot mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Layunin ng conference na ito ang ipakilala ang iba’t ibang mabisa na uri ng panggagamot.

hilot featured on international congress on integrative therapies and health

Screenshot ng website ng International Congress on Integrative Therapies and Health

Pagtampok sa TV, radyo, at magasin

Itinampok din ang Hilot sa sikat na palabas ng ABS-CBN na Rated K. Ang episode ay ipinalabas noong Marso 2016. Bukod dito, tampok din ang panggagamot sa isang palabas sa rusong TV channel na “My Planet.”

Samantala, sa DZMM Teleradyo, lumabas din si Albularyo Boy Fajardo sa Pinoy Vibes kasama ang batikan na psychic na si Stargazer noong ika-20 ng Marso 2016. Tinalakay nila ang ispiritwalidad ng Bundok Banahaw. Muling naging guest si Albularyo Boy sa Pinoy Vibes noong ika-14 ng Agosto, 2016.

Noong ika-27 naman ng Agosto, 2016, naging panauhin si Albularyo Boy sa “Voice of the Philippines” na programa ni G. Gerry Cornejo sa DZRJ 810.

Itinampok din ang Hilot sa isang artikulo sa magasin na Good Housekeeping noong Setyembre 2016. Ang artikulo na ito ay tungkol sa iba’t ibang paraan ng paglunas sa sakit sa likod.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s