Seminar sa Hilot para sa Reproductive Health, ginanap sa UP Open University

Hilot for reproductive health at UPOU

Ipinakilala ni Asst. Prof. Marie-Sol Hidalgo sa kanyang mga kasamahan sa UPOU ang mga magsasalita sa seminar.

LUNGSOD NG LOS BANOS, Laguna- Isang seminar tungkol sa Hilot para sa reproductive health ang ginanap para sa mga propesor at kawani ng UP Open University bilang bahagi ng kanilang Wellness Program noong ika-19 ng Abril 2017.  Ang seminar ay idinaos sa Sandbox, Centennial Center for Digital Learning, UP Open University, Los Banos, Laguna.

Ang Direktor ng Office of Gender Concerns na si Prof. Finaflor F. Taylan ang nagbigay ng opening remarks. Samantala, ipinakilala naman ni Prof. Marie-Sol P. Hidalgo si Albularyo Bibiano “Boy” S. Fajardo at ang mga kasama niya.

Ipinaliwanag ni Albularyo Boy Fajardo kung ano ang Hilot, at ang tradisyonal na bahagi ng Hilot sa pangangalaga ng reproductive health ng kababaihan at kalalakihan. Tinalakay din niya kung ano ang mga palatandaan na may namumuong problema sa reproductive system at kung paano ito nalulunasan gamit ang Hilot,  halamang gamot, at pati na rin orasyon kung kinakailangan. Matapos magsalita ni Albularyo Boy, nagbigay ng closing remarks si Prof. Rita Ramos, na siyang Chairperson ng Health and Wellness Committee ng UPOU.

Sumunod ang pinakahihintay na bahagi ng seminar para sa mga kalahok. Pagkatapos ng lecture, pumila ang mga kasali upang maranasan ang ginhawa na hatid ng Hilot mula sa mga manghihilot na sina Karen Marcelo at Yolanda Pedrigal. Ang isang bahagi ng venue ay inilaan para makapagpahilot ang mga kasali sa seminar. Tuwang-tuwa ang mga nagpahilot dahil guminhawa at gumaan ang pakiramdam nila.  

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s