Hilot: Pagbabalik-kalusugan sa may sakit sa bato

Hilot pagbabalik kalusugan sa may sakit sa bato

Hilot: Pagbabalik-kalusugan sa may Sakit sa Bato

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- “Tumanggap na ako ng Extreme Unction at Viaticum apat na taon na ang nakalipas,” masayang kuwento ni Fr. Columbano Adag, OSB. “Humingi na rin ako ng tawad mula sa buong komunidad. Handa ako talaga.”

Si Fr. Adag ay isang paring monghe mula sa Monastery of the Transfiguration, Malaybalay, Bukidnon. Sa kanyang masayahing mukha at madalas na pagtawa, mahirap isipin kung gaano kaseryoso ang kanyang kuwento. Ngunit ito ay isang totoong kuwento na naging inspirasyon ng marami na nakakakilala sa kanya.

“Dati, nakaramdam ako ng matinding pananakit,” wika ni Fr. Adag. “Minsan nga hirap akong bumangon at kailangan ko na ng tutulong sa akin para magawa ang mga gawain sa pang-araw-araw na pamumuhay. Gumagamit din ako ng walker dahil sa sakit.”

Kaya nagpunta siya sa doctor, kung saan nalaman niya ang ang uric acid niya ay napakataas. Binigyan siya na ng maraming painkiller para sa pananakit. Sumailalim din siya sa iba’t ibang mga laboratory test, kabilang na ang CT scan at tatlong MRI mula sa iba’t ibang ospital. Nagpunta na rin siya sa iba’t ibang espesyalista.

Noong nagpunta siya sa Maynila, sumailalim siya ng testing sa nuclear medicine unit ng isang kilalang ospital. Doon niya nalaman na ang kanyang mga bato pala ay malala na ang lagay.

Gusto ng isa sa mga espesyalista na sumailalim pa siya ng karagdagang mga test at mag pa dialysis na. Ngunit tumutol ang kanyang nephrologist. “Sabi niya kasi, masisira daw ako sa mga iyon,” wika ni Fr. Adag. “Kaya nagpasya na akong maghanap ng ibang paraan ng panggagamot.”

Paglilinis ng bituka at bato

“Noong unang dinala si Fr. Adag dito, mahina siya at dumadanas ng matinding sakit,” wika ni Albularyo Bibiano “Boy” Fajardo. “Pero nung pinulsuhan ko siya at kinapa ko ang kanyang likod, malakas ang paniwala ko na kaya pa itong pagalingin.”

“Pinaliwanag ko kay Fr. Adag na kailangan siyang hilutin bawat pangalawang araw o tatlong beses isang linggo,” wika ni Albularyo Boy. Kailangan din niya maging istrikto sa pagkain. Kailangan din niya uminom ng halamang gamot na makakatulong sa kanyang kalagayan.”

“Pinaliwanag ko kay Fr. na sa tradisyonal na Hilot kasi, bukod sa paglilinis ng bato, kailangan din linisin ang bituka dahil karamihan ng mga problema ay doon nanggagaling,” dagdag pa ni Albularyo Boy.

Pumayag si Fr. Adag sa ganitong gamutan. Tiniis niya ang pagpapahilot, kahit masakit, ang pag-inom ng mapapait na halamang gamot, at naging maingat sa pagkain. Sa sobrang ingat ni Fr. Adag, nagtetext pa siya kay Albularyo Boy upang itanong kung maari ba niyang kainin ang mga inihahain sa kanya na pagkain.

 Ang paggaling ng bato

Ang determinasyon ni Fr. Adag na muling bumalik ang kanyang kalusugan ay nagbunga. Bumaba ang kanyang creatinine, pati na rin ang ibang mga test, kaya hindi na niya kailangan idialysis pa. Higit sa lahat, bumuti ang kanyang pakiramdam at malaki ang ibinawas ng kanyang nararamdamang pananakit.

May dalawang linggo mula ng una niyang punta sa ATHAG, umuwi si Fr. Adag sa Malaybalay. Laking gulat ng mga nakakita sa kanya dahil malaki ang pinagbago sa kanya. Tinanong siya ng mga tao kung ano ang ginawa niya. Kaya sinabi niya ang pagbuti ng kanyang kalusugan ay dahil sa Hilot sa ATHAG.

Mga apat na taon mula noong nalaman niya na malala na ang lagay ng bato niya, si Fr. Adag ngayon ay patuloy na nagpapahilot at umiinom ng halamang gamot. Ngayon ay walumpung taon na si Fr. Adag, at may maganda siyang balita: ayon sa kanyang huling ultrasound, ang kanyang kidneys ay “normal” na. Tumawa si Fr. Adag at sabi, “ di maintindihan ng mga doctor kung ano ang nangyari.” “Ang nakakatawa pa,” dagdag niya, “yung uric acid ko na noon ay napakataas, ngayon ay mababa na!”

Ayon kay Fr. Adag, ang pananakit ng katawan niya, na dati ay napakatindi, ngayon ay katamtaman na lang, at bihira na. At kahit lagi siyang may dalang baston, sabi niya di niya daw talaga ito kailangan, dahil nakakalakad naman siya ng wala ito. Gusto lang daw ng doctor niya na masigurado na hindi siya madulas.

Si Albularyo Boy ay masayang masaya sa paggaling ni Fr. Adag. “Bihirang-bihira ang tao na may ganitong klaseng displina at commitment,” wika niya. “Pero dito natin makikita kung ano ang maaring mangyari sa paraan ng Hilot sa pagpapanumbalik ng kalusugan, at kung ang tao ay magiging responsible sa kanyang kalusugan. Mahalaga kasi na tandaan na ako, bilang Albularyo, at ang mga Manghihilot ng ATHAG, kami ay daluyan lamang at taga gabay. Tumutulong lang kami sa tao kung ano ang dapat nila gawin upang bumalik ang kalusugan nila. Ngunit ang pagbabalik ng kalusugan, sa awa ng Diyos, ay nasa tao talaga.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s