Hilot, tampok sa ASEAN Health Wisdom Conference 2017

Hilot featured in ASEAN Health Wisdom Conference 2017 copyPRACHINBURI, Thailand- Kabilang ang Hilot sa mga katutubong paraan ng panggagamot na itinampok sa isang komperensya sa Thailand kamakailan lang. Itinalaga ng Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) si Albularyo Bibiano “Boy” Fajardo bilang kinatawan ng Pilipinas sa ASEAN Health Wisdom Conference 2017. Ito ay ginanap sa Prachinburi, Thailand noong ika-15 hanggang ika-19 ng Mayo 2017.  Kasama ni Albularyo Boy sa nasabing kaganapan ay ang bagong Director ng PITAHC na si Dr. Annabelle de Guzman at si Bb. Kristine Marie Gapor, na siyang Health Education and Promotion Officer ng PITAHC.

Ang komperensya ay idinaos ng Chao Phya Abhaibhubejhr Hospital at ng Foundation nito. Layunin ng programa na pagbuklurin ang mga katutubong manggagamot mula sa sampung bansa ng ASEAN upang palakasin ang katutubong panggagamot sa mga bansa ng ASEAN. Ang mga bansang kalahok ay ang Cambodia, India, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Sri Lanka, Vietnam, Thailand, at ang Pilipinas.

Ang manggagamot ng bawat bansa ay nagbigay ng presentation upang ipaliwanag ang panggagamot nila. Ipinakilala ni Albularyo Boy ang Hilot, at ipinaliwanag niya  ang kaisipan hinggil dito at kung paano ito ginagawa. Naging mainit ang pagtanggap sa presentation ni Albularyo Boy at ang mga nakinig ay gusto pa ng dagdag kaalaman tungkol sa Hilot.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s