Kaugnayan ng Hilot, ugali, at katawan, tinalakay sa “Pinoy Vibes” ng DZMM

Pinoy vibes

Screenshot mula sa Pinoy Vibes

LUNGSOD NG QUEZON, Pilipinas-Alam mo ba na ang iyong mga sakit ay maaring nagmula sa iyong mga hindi kanais-nais na ugali at saloobin?

Sa programang “Pinoy Vibes” ng sikat na psychic na si Stargazer, tinalakay ang kaugnayan ng ugali at sakit. Kasama niya sa episode bilang guests sina Albularyo Bibiano “Boy” Fajardo, ang mga manghihilot ng ATHAG na sina Karisse Alzola at Yolanda Pedrigal, at mga tagataguyod ng Hilot na sina Louanne Mae Calipayan at Marie-Sol Hidalgo.

Pinaliwanag ni Albularyo Boy kung paanong ang mga kaugalian tulad ng katangahan, kayabangan, atbp ay kalaunang nagdudulot ng mga problema sa kalusugan. Halimbawa, ang katangahan ay nagdudulot ng sakit dahil hindi alam ng tao kung ano ang dapat niyang gawin upang pangalagaan ang kanyang kalusugan. Samantala, dahil naman sa kayabangan, ang tao ay pinipilit ang katawan na gumawa ng higit sa kaya nito, na siyang nagdudulot ng pagkawala sa balanse. Upang maging malusog, ang isip, damdamin, at katawan ay dapat magkakatugma.

Sa huling bahagi ng programa, nagkaroon ng pagpapakita ng kung paano nalalaman ng manghihilot ang mga bahagi ng katawan na wala sa balanse. Malaki ang maitutulong ng Hilot sa kalusugan dahil ito ay may paraan ng magtutugma ng isip at damdamin, at pagbalanse ng katawan. Ito ay mahalaga upang matukoy ang mga namumuong sakit habang maaga pa, o di kaya ay maibalik ang kalusugan kung maysakit na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s