Paano iwasan ang pagkakasakit?

paano iwasan ang pagkakasakit

Paano iwasan ang pagkakasakit? Basahin ang sanaysay na ito!

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- “Bawal magkasakit!”

Ito ang karaniwan nating naririnig mula sa mga kababayan nating inaasahan ng kanilang mga pamilya. Tunay na mahirap ang magkasakit—masama na nga ang pakiramdam mo, bawas pa ang kita dahil hindi ka makapagtrabaho. At dahil sa gastusin sa mga lab test at pagpapagamot, lalo pang nababawasan ang budget na para sana sa pagkain, upa, at iba pang pangangailangan.

Habang tumatanda tayo, at nararamdaman na natin ang iba’t ibang pananakit at pagod ng katawan, tila palaki ng palaki ng ating pinaghihirapang kita ay napupunta sa gastusin na may kinalaman sa pagkakasakit. Ngunit may paraan ba upang iwasan ang pagkakasakit? Bakit yung mga lolo at lola natin ay tila mas malusog noong panahon nila kaysa sa atin ngayon?

Upang malaman ang kasagutan, tinanong natin si Albularyo Bibiano “Boy” Fajardo, na 49 na taon nang nanggagamot gamit ang Hilot at halamang gamot.

Bilang kasagutan, ibinahagi ni Albularyo Boy ang isang sikreto: “Ayon sa mga batikang Albularyo na nagturo sa akin, humigit-kumulang 80% sa mga sakit natin ay may kinalaman, o nagmumula, sa ating panunaw. Kaya kung nais nating iwasan ang pagkakasakit, dapat lagi nating panatilihing malinis ang ating panunaw.”

 Paglilinis ng panunaw

“Kapag kumain tayo ng sobra o kulang sa pangangailangan ng katawan natin,” wika ni Albularyo Boy, “nawawala sa tamang balanse ang ating katawan.” Halimbawa, kung sobra ang kinakain natin na kanin at matatamis sa araw-araw, ang sobra doon ay nagiging parang plema sa ating bituka, kung saan tumitira ang mga masasamang mikrobyo. Kapag dumami sila doon, ay maari silang magdulot na sa atin ng sakit. Samantala naman, kung sobra naman ang kain natin ng protina mula sa karne, o mga gulay na mabuto, magkakaroon naman tayo ng maraming uric acid. Ang mga uric acid na ito ay maiipon at kalaunan ay magdudulot na ng pananakit.”

Pero paano natin mapapanatiling malinis ang ating panunaw?

“Ang sikreto upang panatilihing malinis an gating panunaw,” paliwanag ni Albularyo Boy, “ay ang pagkain ng tamang uri, at tamang dami ng pagkain, at pag-inom ng tamang dami ng tubig, para sa ating mga pang-araw-araw na gawain.”

“Kung araw-araw ay kumakain tayo ng tamang dami ng masustansyang pagkain, na tama lang sa pangangailangan ng katawan natin,” wika ni Albularyo Boy, “hindi tayo magkakaroon ng sobrang asukal sa dugo na magdudulot ng biglang pagtaas ng blood sugar. Hindi rin tayo magkakaroon ng mga sobrang uric acid sa katawan na maninigas at magpapasakit ng ating mga kasukasuan. Wala ring sobrang asin na mamumuo at magiging bago sa ating bato. Wala ring sobrang taba na magbabara sa ating ugat. Kung lagi tayong umiinom ng sapat na tubig, tinutulungan natin ang ating katawan na tanggalin ang mga basura sa loob.”

Ngunit paano natin malalaman kung ano ang tamang dami para sa atin?

“Makinig sa katawan,” payo ni Albularyo Boy. “Bawat isa kasi sa atin ay iba-iba ang pangangailangan sa araw-araw. Masdan mo kung gaano kadami o kakaunti ang tama lang sayo.”

Pag-aalis ng basura

Paano naman kung maraming taon na tayong namuhay sa maling pamumuhay at pagkain, at ngayon ay nararamdaman na natin ang mga sakit? May magagawa pa ba tayo ngayon?

“Oo naman,” wika ni Albularyo Boy. “Ang mga matatanda noon ay may ginagawang gamot na panlinis ng panunaw. Ito ay nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain, at tumutulong sa pagtanggal ng basura sa ating bituka. Pinakamabisa ito kapag ininom kasabay ng pagpapahilot. Tumutulong kasi ang hilot sa pagtanggal ng mga basura sa katawan. Pinapabuti din nito ang daloy ng lakas natin, kaya lumalakas ang ating mga laman loob, at pati na rin ang kabuuan ng ating katawan.”

Ano ang nangyayari pagkatapos ng paglilinis na ito?

“Para sa karaniwang paglilinis lamang, na ginagawa sa loob ng 21 na araw para sa mga taong hindi naman malala ang sakit, nakakaramdam sila ng gaan at ginhawa ng katawan,” wika ni Albularyo Boy. “Kadalasan, yung mga kirot at kaunting pananakit ay nawawala na, samantalang yung mga matagal nang iniinda o matinding pananakit ay talagang malaki na ang bawas. Bumubuti din ang result ng blood tests nila.”

“At pinakamahalaga,” dagdag ni Albularyo Boy, “kapag natanggal na ang tirahan ng masasamang mikrobyo, hindi ka na madaling kapitan ng impeksyon. Bumubuti ang kabuuang kalusugan mo.”

Samantala, yung mga tao naman may mas malala na karamdaman, tulad ng mga pinili ang magpahilot kaysa magpa opera ng bypass, ang paglilinis at Hilot ay mas ginagawa sa mas matagal na panahon.

 Isang bagong panimula

“Pero tandaan,” paalala ni Albularyo Boy, “bagong panimula lang ito. Ang pagpapanatili nito ay nasa tao na. Tandaan, ang iyong pamumuhay at pagkain ang siyang nagdulot noong mga problema mo sa katawan. Kung gusto mong panatilihin ang malinis na kalagayan ng iyong bituka, kailangan baguhin mo ang pamumuhay mo.”

“Kung babalik ka sa dating gawi, babalik din yung mga sakit mo.”

*Nais mo bang subukan ang paglilinis ng panunaw sa pamamagitan ng Hilot at halamang gamot? Tumawag lang po sa Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) sa (0932)7402285.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s